Chapter 25- The Final Battle

283 23 0
                                    

***

"Ggggrrr."

Pagalit na sambit ng nanggagalaiting si Red. Patuloy lang siya sa pagpapakawala ng mga matatalim na kutsilyo na mula sa pamaypay niya.

Iwinasiwas ni Hershey ang espada niya. Nakailag agad si Red pero nahagip nito ang mahaba at pula nyang buhok.

Putol.

"Bwisit."  Naiinis na sambit ni Red at tiningnan nang masama si Hershey dahil putol na ngayon ang mahaba at pulang-pula niyang buhok.

"Wag mo akong susubukan babae. Kahit magbaligtad pa ang mundo, mawawasak at mawawasak ang Agartha. Tandaan mo yan." Matigas na pagkakasabi ni Red. Lalo lang tumindi ang nararamdamang galit ni Hershey sa dalaga.

"Wag mong idamay ang buong Agartha sa kasamaan nyo!!" Itinaas niya ang espada at balak na niyang iwasiwas sa harap ni Red nang mawalan siya ng balanse.

Tumilapon ang espada nya di kalayuan. Umalingawngaw pa ang tunog nito sa konkretong sahig. Nagulat sina JhunaMae at Neva sa nakikita ngunit hindi nila maikilos ang buong katawan sa sobrang panghihina nito. Wala silang magawa kundi tingnan at panoorin ang unti-unting pagkatalo ni Hershey laban  kay Red.

Humahalakhak na lumapit si Red sa kaawa awang dalaga. Tinapakan nito ang kamay ni Hershey at sinabunutan. Halos magsisigaw sa sakit si Hershey pero wala siyang magawa.

"Ano Hershey? Susuko ka na ba?" Pangungutya ni Red at mas diniinan pa ang pag-apak rito. Ngumiwi ang dalaga sa kirot na nararamdaman. Ngunit sa kabila nito, pilit pa rin nyang inaabot ang tumilapon na espada sa di kalayuan.

"Wala ka nang kasing-sama Red. Alalahanin mong naging isa ka ring mandirigma ng hari na sumumpang poprotektahan ang buong Agartha laban sa masasama. Pero ano nang nangyari?" Naiiyak na sambit ni Neva habag pinipigilan ang luha dahil sa sama ng loob. Napangisi lamang si Red dahil sa narinig.

"Ang nakaraan ay nakaraan Neva. Wag mo nang ibalik at ipaalala pa ang pagiging tuso ko na sumama sa grupo nyo. Kahit kailan ay hindi ko kayo tinuring na mga kapatid. Dahil alam ko namang noong una pa lang, hindi nyo na ako gusto para maging isa sa inyo." Nakuyom ni JhunaMae ang kamao at nanginginig na napatungo.

"Nagkakamali ka babae. Wag mong ibahin ang ikot ng kwento. Ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang unang umayaw at tumiwalag ibig sabihin ikaw ang ayaw sa amin!" Sigaw niya sa nakatalikod na si Red..

"Hindi nyo naiintindihan!! Naging masaya ako hindi dahil sa inyo kundi dahil sa itim na kapangyarihan! Dito ko nakamit ang tunay na kalayaan, ang paggamit ng mahika na malaya at walang sagabal na tulad nyo. Kayong tatlo, isa kayong hadlang sa paghahari namin!"

"Nahihibang ka na talaga Red! Itigil mo na to!" Akmang susugurin na ni Red ang nanghihinang si Hershey nang ibato naman ni Neva ang putol niyang arnis sa likuran nito. Nabaling rito ang atensyon ng dalaga.

Na kalagitnaan sila ng tensyon nang makarinig sila ng kakaibang ingay.

"Ang potion!"

Mayamaya pa ay nakarinig sila ng mga boses na nagsisigawan. Pare-pareho silang napalingon sa pinanggagalingan ng mga ito.

Sinamantala ni Hershey ang pagkakataon at kinabig ang braso ni Red para makawala. Nagawa niyang maabot muli ang espada niya. Nasa ganun silang kalagayan nang magsimulang malaglag sina Alcoriza at Emm malapit sa direksyon nila.

Nagawang mapabagsak ng dalaga si Red pansamantala pero pigil ang hininga nila nang unti-unti nang bumabagsak ang potion. Mababasag ito pag nagkataon at mawawalan na ng pag-asa para sa Agartha.

"Hershey!" Tila nag-slow motion ang lahat. Sinimulang hablutin ni Heshey ang botelya para isagip ito mula sa pagkakabasag.

"Hershey sa likod mo!" Umalingawngaw sa buong paligid ang nag-aalalang sigaw ni JhunaMae.

Bago pa makalingon si Hershey ay itinutok na niya ang dalang espada mula sa likod. Hindi na nila inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

Unti unting nabitawan ni Red ang dalang pamaypay. Umagos mula sa bibig niya ang dugo. Parang bumagal ang lahat ng nasa paligid na bumulagta ang nanghihinang katawan ni Red.

Nagawang magapi ni Hershey ang dalaga. Hingal na hingal na bumagsak si Hershey sa tabi ng nakabulagtang si Red. Binitawan niya ang espada at pinahid ang pawis at dugo sa ulo niya. Ngayon ay tatlo ang naligtas niya.

Ang potion na para sa hari. Ang sarili nyang buhay. At ang Agartha.

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Red kahit nahihirapan na syang huminga. Kahit marami nang dugo ang nawawala ay nagawa pa nyang magsalita.

"Ngayon ko napatunayan na you deserve to be one of t-them..." Tukoy ni Red sa grupong Muskeeters kung saan siya tumiwalag dati. Mayamaya ay kapansin-pansin ang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ng dalaga.

"I-I am s..sorry..." Sa huling bigkas ng mga kataga ay binawian na ng buhay ang dalaga. Naluluhang dinaluhan ito nina Neva at JhunaMae. Di mapigilan nina Alcoriza at Emm na maging emosyonal dahil sa nasasaksihan.

Kahit papaano naman ay naging malapit rin kina Neva, JhunaMae at Hershey ang dalagang si Red kaya masakit rin para sa kanila na makita ang naganap rito. Ngunit wala silang magagawa. Nangyari na ang nangyari at alam naman nila na wala nang pag-asa pang bumalik sa kabutihan ang dalaga lalo na't nasa kanya na ang purong itim na mahika. Napabuntong hininga na lamang sila habang pinagmamasdan ang di na gumagalaw na katawan ni Red.

"We better go. Kailangan pa tayo sa palasyo." Suminghot singhot si Neva at pinahid ang luha niya.

Sa huling pagkakataon ay yumuko ang tatlong Musketeers sa harap ng walang buhay na si Red bilang tanda na isa pa rin siya sa magigiting na mandirigma ng Agartha. Siya pa rin ay napabilang sa Three Musketeers sa kabila ng pagtatraydor niyang ginawa.

"C'mon. We need to take this potion." Agad tumayo ang nanghihina na si Hershey. Inalalayan nila ang bawat isa at naglakad na papalayo. Napasunod naman sina Emm at Alcoriza. Kahit puno ng galos at mga pasa ay di maiwasang ngumiti ng tatlong Muskeeters.

Lalo na nang makita nila ang paglubog ng asul na buwan mula sa kalangitan at nag-umpisa nang sumilay sa bandang silangan ang araw. Hudyat na ito ng pagsisimulang muli ng buong imperyo.

Sa wakas.
Tapos na.



***

"H-hindi. Hindi maaari! Hindi ito pwedeng mangyari!! Ako ang maghahari! Ako lang!" Pagwawala ng hari at agad isinuot ang roba niya atsaka nagtatakbo palayo matapos masaksihan ang pagkatalo ng kanyang buong hukbo.

Ngunit bago pa siya makatakbo palayo at makatakas ay lumapag sa harapan niya ang isang dambuhalang dragon sakay ang nakangising si Archdave.

"Saan ang punta mahal na haring Paurav?" Sarkastikong tanong ng binata at pilit hinarangan ang daraanan ng hari.

"Bigyan mo ako ng daraanan! Magbigay galang ka sa hari!" Pinandilatan sya ng mata ni Paurav ngunit hindi siya natinag.

"Natakot naman ako." Ngumisi ulit si Archdave at sa pagkakataong ito, pinaulanan niya ng patalim ang pwesto ng hari hanggang sa magtatagpo ito palayo.

"Dakpin ang hari!" Maotoridad na utos ng binata sa mga kawal na kasama niya. Agad namang nagsikilos ang lahat.

"Tapos na." Nakangiting tugon niya sa sarili at napatingin sa lumilitaw na araw.

***


Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon