***
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Alcoriza bitbit parin ang libro na hiniram niya sa library. Agad niyang ibinaba ang backpack sa sofa at dire diretsong umakyat ng hagdan patungong kwarto.
"Anak kumain ka na ng dinner!" Paalala ng ama sa dalaga. Saglit siyang napatigil sa ikatlong baitang ng hagdan at sumilip sa kusina kung saan kumakain na ng hapunan ang mga magulang.
"Mamaya na po!" Walang paligoy ligoy sambit ni Alcoriza at umakyat na ng kwarto niya.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng kwarto ay napansin na nyang sobrang gulo ng kwarto nya. Nagkalat na naman ang mga stuff toys, mga libro, CD's at kung anek anek niya. Bukas rin ang cabinet pati mga drawer na parang hinalughog ng kung sino. Nakuyom niya ang kamao. Imbes na pumasok sa loob ay nagdiretso siya sa kwarto ng mga kapatid.
"Neo, pumasok ka ba sa kwarto ko?! Baki tginulo mo yung mga gamit ha!?" Bungad niya sa walong taong kapatid nang buksan niya ang kwarto nito.
"Ha? Ate naman. Di ako pumapasok dun no. Ang creepy kaya? Baka mamaya andun pa sa ilalim ng kama mo si Boogie Man!" Sagot ng bata habang nilalaro ang Ipod niya. Halata ngang wala itong interes na pumasok sa kwarto niya base sa inaasal nito.
"Kung ganun sino?" Kunot-noong tanong niya. Wala na siyang ideya kung sino pang may interes na halughugin lagi ang mga gamit niya sa drawers. Hindi naman pumapasok roon ang parents nya dahil may sarili itong kwarto.
"Sino pa ba?" Makahulugang sagot ng
bunsong kapatid.Napairap si Alcoriza nang makuha ang nais ipahiwatig ng kapatid. Padabog siyang lumabas ng kwarto ng bunso at malakas na isinarado ang pinto ng kwarto nito sa sobrang inis. Narinig pa nyang nagreklamo ito pero di na niya pinansin.
"Alam mo na, medyo creepy ang dating nitong bahay namin bes--"
Naudlot ang pagsasalita ni Roselle sa harap ng telepono nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya at pumasok ang nanggagalaiting si
Alcoriza.Walang kaide-ideya ang kapatid kung bakit ganito na lamang kasama ang tingin nito sa kanya.
"Roselle, pumasok ka ba sa room ko? Diba sabi ko wag mong pakialaman ang mga gamit dun?! At kung hihiramin mo man, please pakibalik naman sa dati!" Bulyaw ni Alcoriza sa pangalawang kapatid na gulat na gulat.
"Seriously ate? Ako Pinagbibintangan mo? Mygad. Bakit ako papasok dun eh may nakalagay nga na poster sa harap na 'don't enter! Atsaka--"
"Wait, so di ka pumasok?" Nanlalaki ang matang tanong ng dalaga.
"Of course not." Giit ni Roselle habang hawak pa din ang telepono.
Laglag panga ang naging reaksyon niya at isinara na ang pinto ng kwarto ng kapatid. Naguguluhang napatingin si Roselle sa ate niya.
"Ano na namang problema ng hippothalamus non?" Naiiritang tanong ni Roselle. Nagkibit balikat na lamang ito at muling humilata habang nilalaro laro ang dulo ng buhok.
"Okay. Asan na nga ba tayo..." Sambit niya sa kausap sa telepono.
Labis ang pagtataka ni Alcoriza nang
dumiretso sa kwarto nya. Padabog niyang isinarado ang pinto. Inilapag niya ang dalang libro at agad yumuko para isa-isang pulutin ang mga nagkalat na gamit. Mukhang naeengkanto ata siya rito sa bago niyang kwarto. Pakiramdam tuloy niya ay malapit na siyang maniwala sa sinasabi ni Mr. Leopard.Na nakakatakot sa loob ng bahay nato.
Napalingon siya sa direksyon ng bintana na ngayo'y nakabukas na. Pumapasok ang panggabing hangin na napakalamig kaya kinikilabutan siya.
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...