***
"Pakawalan nyo kami!" Pagwawala ng nanggagalaiting si Alcoriza. Kanina pa niya sinisipa ang pintuan pero wala talagang pumapansin sa kanya.
Sobrang tahimik. Parang walang kawal ang nagbabantay sa kanila. Posible kaya yun? Sa sobrang dami ng mga kawal ng Paurav, imposibleng walang makapansin sa kanya na sinisimulan nang wasakin ang pinto ng kulungan niya.
"Roselle?! Ayos ka lang ba dyan? Roselle!" Muli niyang sigaw nang marinig ang pag-iyak nito.
"Roselle?!"
"S-shit." Naiiyak na mura ni Roselle nang makita sa madilim na sulok ang napakalaking ahas. Kung paano iyon napunta dun ay di nya alam. Ang alam lang nya ay mapapahamak na siya.
Konting distansya na lamang at matutuklaw na siya nito nang makarinig naman siya ng kalabog kaya di niya mapigilang sumigaw dahil sa takot.
Plag!
Boogsh!
Bago pa makalapit ang ahas sa direksyon ni Roselle ay lumipad na ang napakahabang espada na syang humati rito. Halos magtatalon ang dalaga sa gulat.
"Waaaaaaaahhh!" Kasunod nito ang pagkalampag ng pintuan. Namataan niya ang isang babaeng nakasuot ng salakot at brown ang buhok.
"Tayo na!" Aya nito nang makitang binubuksan na ang pintuan. Pagkalabas pa lang ay hinatak na agad si Roselle palayo.
"Teka ang ate ko! Ang ate ko narito rin sya! Si ate Alcoriza!" Giit nito kaya napatigil siya at ang dalaga sa pagtakbo.
Nang mapatapat sila sa isang makapal na pintuan, walang paligoy ligoy na hinati ito ng dalaga gamit ang kanyang matalim na espada. Nanlaki ang mata ni Roselle dahil sa pagkamangha. Ibang klase kung humawak ang babaeng ito ng sandata.
"Hershey!" Unti unti nilang narinig ang boses ni Alcoriza mula sa loob. Napatakip naman sa bibig si Roselle nang marinig ang boses ng kapatid lalo na nang makalabas ito mula sa selda.
"Atee!" Maiyak iyak na sambit ni Roselle at nagyakapan ang magkapatid. Naputol ang senaryong iyon nang walang ano-ano'y sumigaw ang isang kawal.
"Nakatakas ang mga bihag!" Umalingawngaw ang tunog ng mga de kalibreng baril na ipinuputok na sa kawalan.
"Takboooooo!!!" Halos mapatid ang litid sa leeg ni Alcoriza nang makita ang mga pulutong na kawal ng Pauravian warriors sa likuran nila.
Di na napaligoy ligoy pa ang tatlo at agad nagtatakbo palayo. Pero hindi pa man sila nakakalayo at napatda na sila sa kinatatayuan.
"Lagot." Kinakabahang sambit ni Roselle habang nakatingin sa daraanan nila. Malayo pa lang at aninag na nila na may mga armado na naman silang makakasalubong. Wala na silang kawala pa sa mga ito.
***
Walang patid ang palitan ng mga sandata magmula sa mga sibat arnis at espada. Maririnig ang tunog ng mga ito kapag nagkikiskisan ang bawat talim.
"Shit!" Mura ni Neva nang maputol ang hawak niyang arnis laban sa metal na espada ng kalaban niya. Ngumisi pa ang kawal sa dalaga na tila nagmamayabang. Ngumiwi si Neva at binitiwan ang hawak na arnis. Humawak siya sa kamao niya atsaka sinamaan ng tingin ang kawal na kaharap niya ngayon. Agad namang nawala ang ngisi sa labi nito dahil sa ginawa niya.
Sa isang iglap ay tumilapon ang katawan ng kawal sa bintana ng palasyo. Nag-echo pa ang boses nito habang sumisigaw.
"See? I can use my bare hands." Pagmamayabang ng dalaga sa kaibigang si JhunaMae.
"Yeah right. Mamaya ka na maging hambog dyan pag napalipad mo na sila lahat." Sarkastikong sambit ni JhunaMae at itinaas ang hawak na pana para humanap ng target.
Kapwa natigilan ang dalawa sa pakikipaglaban nang makarinig ng halinghing ng kabayo.
May paparating.
Nagpantig ang tenga ni JhunaMae at napatingin sa direksyon nito. Lalo pang nagsiklab ang galit nya nang makita ang isang pamilyar na pigura na dumarating papalapit sa kinaroroonan nila.
Sa suot nitong itim na kapa, pulang buhok at bitbit na pamaypay ay tila di nya gusto ang presensya ng isang to.
"Red..." Mahinang bulong ni Neva saka inihanda ang hawak na isa pang arnis. Wala silang nagawa kundi hintayin ang dalaga na makalapit sa kanilang pwesto. Mas lalo lang nakuyom ng dalawa ang kamao nang mamasdan ang traydor na tinuring nilang kapatid at kapamilya.
"Kumusta?" May sarkastikong tono na sambit ni Red pagkababa pa lamang niya ng kabayong sinasakyan.
"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal ni Neva at aatakehin na sana ang dalaga ngunit pinigilan siya ni JhunaMae.
"Binibisita ko lang kung lagas na ba kayo. Bakit? Masama ba?" Isang maikling halakhak ang pinakawalan ni Red at may pang-aasar na tumingin sa dalawang kausap.
"Wag mo kaming susubukan Red. Hindi mo magugustuhan ang kaya naming gawin." Hamon ni JhunaMae at hinatak na ang pana niya. Itinutok niya ito sa direksyon ng nakangising dalaga.
"Go. Sa loob ng ilang taon kong pagtitis kasama kayo, alam ko na ang mga kaya nyong gawin. Alam ko na ang kalakasan nyo at syempre mawawala ba ang kahinaan?" Ngumisi si Red atsaka ibinalandra na rin ang hawak na abaniko. Lumitaw rito ang mga matatalim na kutsilyo. Tila nanghahamon na rin ito ng isang dwelo.
"Isa laban sa dalawa? Why not." Dagdag pa nito at pilit inaasar ang mga kaharap.
"Hangal." Napahigpit ang kapit ni Neva sa arnis niya hanggang sa unti-unti nang sumugod ang dalaga sa dalawa palapit kay Red.
***
"Grrr!" Angil ng binatang si Emm sa kawal na humarang sa kanila. Habang abala si Archdave sa pagpapalipad ng mga kutsilyo ay sinamantala naman niya na kumuha ng isang mahabang sibat at pilit tinutusok sa tagiliran ang mga kalaban. Kinakabahan man dahil unang beses niyang manakit at pumatay ng tao, pilit pa rin nya itong ginagawa kaysa siya ang mabawian ng buhay rito.
"Jusko patawarin nyo ako Lord! Hindi naman siguro ako makakasuhan ng murder nito noh? Minor pa lang ako. Huhuhu!" Napangiwi siya at tinadyakan ang duguang kawal ng Paurav. Humandusay ang patay na katawan nito sa paanan niya.
"Kyaaaaaaahhhhhhhhhhhh!" Napapasigaw si Regine tuwing napapalapit siya sa mga kawal. Lalo na't isa siyang babae at walang alam sa paghawak ng mga sandata, wala siyang magawa kundi magtitili na lamang.
Sa di malamang dahilan ay nasipa niya ang isang pader at mula dun ay gumalaw ang kinatatayuan nila.
"A-anong nangyayari?" Nanlalaki ang matang tanong ni Emm nang maramdamang gumagalaw na ang ilan sa mga pader at natitibag na ang iba.
Nakunot rin ang noo ni Archdave dahil wala rin syang ideya kung anong nangyayari.
Sa isang iglap ay umalingawngaw ang sigawan nilang tatlo nang tuluyang mawasak ang sahig na kinatatayuan nila. Dahil sa nangyari, nahulog sila sa butas na nalikha nito.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...