EPILOGUE

756 43 12
                                    

E  P  I  L  O  G  U  E

"Sa ilalim ng lupang tinutungtungan natin, may isang sibilisasyon na namumuhay. Tinatawag itong Agartha na nakasentro sa gitna ng daigdig. O mas kilala sa tawag na Hollow Earth."

"Sagana ang Agartha sa natural resources. May mga tunnels na nagdadala ng hangin sa kanila. Advance ang technology at mababait ang mga naninirahan doon."

"Inaasahan na sa paglipas ng panahon ay uunlad pa ang pamumuhay nila. Sa tulong ng mahika at...tulong natin."

Isinara ni Alcoriza ang scroll na binabasa. Umalingawngaw ang palakpakan sa apat na sulok ng kwarto. Sa pagkakataong ito ay walang halong sarcasm mula sa kanyang mga kaklase kundi palakpak ng paghanga sa husay ng report  niya.

"Thank you Ms. Pixie Dust for your excellent explanation." Puri ng professor niya.

"What the hell is she saying?!" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Beverly. Ngumisi lamang si Menchi dahil sa nakitang reaksyon ng kaibigan.

"Maybe some kind of stupid crafts again." Napairap naman ang dalaga.

"Thank you mam." Nakangiting tugon ni Alcoriza at napasulyap sa bintana. Kinindatan niya rin ang kaibigang si Regine na kanina pa pala nakikinig sa sinasabi nya mula sa labas ng classroom.

Salamat sa mga karanasang hindi niya makakalimutan noong napadpad sila nang di sinasadya sa Agartha. Napatunayan  niyang hindi na niya kailangan ang camera para kuhanan ng larawan ang ilang senaryo na nasaksihan niya roon. Sapat na ang experience at mga detalyeng naisulat niya sa notepad niya.

***

"Buti na lang talaga, naayos agad natin yung magulo mong kwarto bago umakyat ang mama mo. Kundi patay tayo!" Sambit ni Emm habang isinusubo ang isang slice ng pizza.

"At buti na lang ang lulupit natin magbigay ng dahilan kung bakit tayo nawala ng isang araw." Puno man ang bibig ay nagawang makapagsalita ni Alcoriza na ang tinutukoy ay ang pagkawala nila noong nakaraang araw lamang.

Nakapagtataka man na isang araw lamang silang nawala rito sa ibabaw habang ilang araw silang nanatili sa ilalim. Nadiskubre nila na magkaiba ang oras at panahon ng sibilisasyong ginagalawan nila. Kaya siguro, tatlong taon pa lamang nawawala sa ibabaw ang tatlong kabataan na hanggang ngayo'y pinaghahanap pa. Habang sa ilalim ng lupang kinatatayuan nila, ilang dekada na ang itinagal ng tatlo. Masyadong advance ika nga.

"Eh kumusta na nga pala si Roselle?" Pangungumusta naman ni Regine sa kapatid ng dalaga.

"Medyo ayos na. Hindi pa lang talaga siya nakakaget-over dun sa malalaking dragon." Nakangiwing sambit ni Alcoriza kaya nagtawanan sila. Mayamaya ay natahimik ang tatlo nang dumaan sa tabi ng table nila ang nakangusong si Beverly. Hindi maipinta ang pagmumukha nito at parang sasayad na ang nguso sa sobrang pagkasimangot.

Ngunit ang totoo, hindi lang talaga nito matanggap na mas lamang pa rin si Alcoriza. Mas maraming alam ang dalaga kaysa sa kanya.

"Yow! Guys?" Napalingon silang tatlo nang makita ang paparating na si Nieca. May dala na naman itong mga libro na kung hindi sila nagkakamali, tungkol na naman ito sa Agartha.

"Tss. Bigla ko tuloy namiss ang Agartha." Nakapout na saad ni Regine kaya natawa si Alcoriza.

"Kumusta na kaya sila sa ilalim?" Biglang natanong ni Emm sa dalawang kaibigan.

"I'm sure, they're doing great. Agartha's doing fine." Nangalumbaba si Alcoriza habang nakangiti at inisip kung ano na nga bang buhay mayroon sa ilalim ngayon.

***


"Hershey iwas!!"

Nagliparan ang mga patalim, pana at arnis sa iba't ibang direksyon kaya haloa di alam ng dalaga kung saan ba tatakbo at iiwas.

"Tss! May balak ba kayong patayin ako?" Sarkastikong tanong ni Hershey kina JhunaMae at Neva na nagbigay naman ng peacesign.

"Hehe. Sorry. Nawili lang." Napakamot ng ulo si Neva.

Ilang araw na matapos ang digmaan, bumalik na rin sa dati ang lahat. Marami-rami na rin ang nagbago. Magmula sa muling paggawa ng pader na bumagsak noong digmaan, hanggang sa muling paglilinis ng kapaligiran dahil sa naiwang kalat nito. Mas naging payapa na rin ang buong palasyo dahil alam nilang wala nang manggugulo pa sa kanila.

Ngunit para sa tatlong mandirigm, tungkulin pa rin nilang protektahan ang Agartha. Kahit pa ata buhay na nila ang maging kapalit nito.

Sabay sabay napalingon ang tatlo nang may pumalakpak sa likuran nila upang kunin ang kanilang atensyon.

"Mga Muskeeters! May mga armadong nakapasok! Kailangan kayo!" Alerto ni Archdave sa tatlo. Agad nagsihanda sina Hershey, JhunaMae at Neva nang marinig ito.

"Aye! Aye!" Sabay nilang sambit at naghanda na para sa kanilang misyon.

***

Tahimik at maayos nang tingnan ang kwarto ni Alcoriza tulad ng dati. Maayos na nakahilera ang makakapal na libro, mga CD's, iba't ibang uri ng stuff toys at iba pa. Sa isang tingin ay walang makakapagsabing may kababalaghang nangyayari sa apat na sulok. Walang ano-ano'y biglang umilaw ang ilalim ng kama nito. Nakakasilaw. Pero agad din itong nawala.

Ang lagusan patungong Agartha, ay mananatiling lihim. At sina Alcoriza lamang ang tanging nakakaalam nito.





-THE END-

🎉 Tapos mo nang basahin ang Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE 🎉
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon