Chapter Five- The Truth and Mysteries

640 53 1
                                    

***

"Hi Mrs.Beckhman!"

Bati nina Regine at Alcoriza sa ginang na nagdidilig ng halaman. Napalingon naman agad ito sa dalawa.

"Oohh, hello girls!" Bati nito pabalik at ibinaling na ulit ang atensyon sa pagdidilig.

Tuloy-tuloy na pumasok ang tatlo sa kwarto ni Emm para doon basahin ang libro. Doon nila napiling magtipon tipon para basahin ang nilalaman nito dahil alam nilang guguluhin lang sila sa school pag nagkataon. At nga pala, hindi na rin naman sila umattend ng klase ngayong hapon kaya paninindigan na lamang nila ang ginawang kalokohan.

Pagpasok pa lang nila ay napangiwi na ang dalawang babae habang pinapasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kwarto.

"Beckhman, kwarto ba talaga to? Bakit parang junkshop na?" Wika ni Alcoriza nang libutin ng paningin ang kwarto ng binata.

May tires ng sasakyan, drum set, gitara, CD's collection, magulong closet at cabinet. Maraming basura ang nagkalat sa sahig. Parang binagyo ito ng ipo ipo kung tutuusin.

"This room is a freaking disaster!" Mahinang bulong ng isip ni Alcoriza saka napangiwi.

"Emm, kelan ka pa huling naglinis ng
kwarto mo?" Dagdag pa niya.

"Eww. What's that smell?" Nandidiring tanong ni Regine sabay singhot singhot sa hangin.

"Pintura iyon. Nagpipintura kasi ako ng wall ko. Di ko pa lang tapos." Paliwanag ni Emm sabay turo sa nakatiwangwang na mga balde ng pintura kaya mas ngumiwi pa ang dalawa.

"Your room sucks!"

Ibinagsak ni Alcoriza ang makapal na libro sa sahig. Napaubo silang tatlo nang lumipad ang makapal na alikabok nito. Todo pagpag sila sa mga nagliliparang dumi na nagmula pa sa cover.

Pagbukas pa lang nila ng libro ay takaw pansin na ang mga di pangkaraniwang larawan. Mala-Greek style ang mga ito. Larawan ng Diyos at iba't ibang Greek Gods and Godesses.

"Next page please." Giit ni Regine kaya agad niyang nilipat ang pahina.

Tumambad sa kanila ang salitang 'Agartha' na nakasulat sa Itallic. Gamit ang hintuturo ay binasa ni Alcoriza ang nakasulat sa pahina.

"Sa ilalim ng lupa na tinutungtungan natin ay may buhay at namumuhay. Taong 1945, may isang piloto ang nawala sa gitna ng bakbakan kasama ang pinapalipad nito."

"Nang makabalik siya, sinabi niya na
napunta siya sa hollow earth. Ito ang daigdig na tinatawag na AGARTHA."

"Pinaalalahanan daw siya na sana naman daw ay hindi masira ang lugar nila dahil sa gyera." Pagpapatuloy ni Regine sa binabasa kaya agad nagkatinginan ang tatlo.

"Ang Agartha ay maaari ring tumutukoy sa lugar na Ramayana." Basa pa muli ni Alcoriza sa talata ng libro. Mayamaya ay nagkatinginan sila.

"So andoon sina Rama at Sita?" Sarkastikong saad ni Regine.

Pakiramdam ni Alcoriza ay may kulang pa sa nakuha nilang impormasyon. Mayamaya ay hinablot niya ang dalang bag at kinalkal ang laman noon.

"Tingin ko makatutulong to." Nilapag ng dalaga ang isang luma at maliit na notebook sa sahig at binuklat. Nakiusyoso na rin si Emm na kanina lang ay tahimik sa gilid nila.

"Kanino naman yan?" Usisa ng binata at tinitigan ang notebook. Napakamot sa ulo si Alcoriza. Napulot lang niya ito sa bago niyang kwarto noong nag-general cleaning siya. Imbes na itapon binasa niya ito at itinabi dahil hindi pa naman masyadong nasisira ang cover. Isa pa, ito ang naging references niya kung bakit nalaman niya ang tungkol sa underworld na ayaw paniwalaan ng lahat.

"Dunno. It's like a diary. Nakita ko lang sa kwarto ko. Sa isang Hershey Dazzlin nakapangalan." Binasa niya ang mga nakasulat sa page nito.

"Hershey?" Nakunot ang noo ni Regine saka lumapit pa ng konti para mabasa ang mga nakasulat sa notebook. Sama sama nilang binasa lahat ng laman.

ENTRIES:

Palagay ko hindi naman weird ang buong bahay namin. Iyong kwarto ko lang.

_____

Sht. Hindi ko na alam ang nangyayari. Pagpasok ko sa kwarto ko, sobrang gulo. Parang hinalughog lahat lahat. Ang weird.

_____

Kagabi, namamalikmata ata ako. May liwanag akong nakita sa ilalim ng kama ko. Nakakasilaw.

______

Agartha.
Agartha.
Isa daw yang lugar sa ilalim ng daigdig namin. Tingin mo may kinalaman yun sa liwanag na nakita ko sa ilalim ng kama?

_____

Inireport ko ito sa klase. Ang mundong natatago sa lupang tinutungtungan natin. Pero ayaw nilang maniwala. Ayaw nila at alam kung hindi talaga sila maniniwala man lang.

_____

Walang pruweba sa pinagsasasabi ko. Wala e. Tingin ko pinagtatakpan ng media ang issue tungkol rito dahil wala man lang akong makitang references na makakapagpatunay na totoo ang mundo ng Agartha.

______

Mga hindi pangkaraniwang bagay na ang napapansin kong nangyayari sa kwarto ko. Dati pinalalampas ko lang to pero ngayon iba na. Malakas na ang hinala ko.

______

Kung tama ang hinala ko, nasa kwarto kobang sentro ng Agartha. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang lagusan patungo sa------


Isinara agad ni Alcoriza ang kwaderno. Sa wakas ay alam na nila kung sino ang nakatira sa bahay na nilipatan ng mga Pixie Dust's.

Ang mga Dazzlin's.

At palagay ni Alcoriza, si Hershey Dazzlin ang tinutukoy na bestfriend ni Nieca. Nasa harap na nila ang sagot. Ang kailangan lang nila ay kumilos. Kung ganoon ang nararanasan ni Hershey na kakaiba sa kwarto ay nangyayari na rin sa kanya. Mula sa gulo-gulong kwarto at liwanag na nakita ni Emm noong isang gabi. Ngayon malinaw na sa kanya lahat.

"S-sa kwarto ko." Nauutal na sambit ni Alcoriza. Sa isang iglap ay nagsitayuan ang tatlo at patakbong lumabas.





"Hayy sorry ate 'Riz. Ngayon ko lang naman lalabagin ang rule mo eh." Sambit ni Roselle na parang kinakausap ang sarili atsaka pinihit ang doorknob ng kwarto ni Alcoriza. Pumasok siya at sinilip silip ang cabinet at mga drawer.

"Saan ba nya tinago iyong librong My Nerd In Shining Glasses? Daya daya. Ayaw magpabasa." Nayayamot na saad ng dalaga. Pagdating kasi sa usapang libro at mga nobela ayaw magpahiram ng ate Alcoriza niya. Pero ngayon lang naman siya nag-trespassing sa kwarto ng kapatid at pagdating nito na lamang siya magpapaalam mamaya.

Mayamaya ay umupo siya para buksan ang isang kabinet. Sa di inaasahan ay napunta ang hawak niyang papel sa ilalim ng kama ng kapatid. Medyo madilim at malamig ang atmosphere sa ilalim kumpara sa normal na temperature ng kabuuang kwarto. Kaya di mapigilang magtaka ni Roselle.

"Oh sht." Kinapa-kapa niya iyon pero wala.

Napanganga siya nang biglang lumitaw ang isang bilog. Sobrang liwanag na halos napapikit na siya. Imbes na matakot ay tila natuwa pa ito sa nakikitang liwanag.

"Whoa! Awesome. Bakit di nababanggit ni ate na ang cool pala ng room niya? Kaya pala ayaw mong may pumapasok rito aaah!" Manghang-mangha na sambit ni Roselle habang nakatingin sa bilog na liwanag.

Mayamaya ay naramdaman ng dalaga ang malakas na pwersang naghahatak sa kanya paloob. Lumalakas ang hangin.

"What the-----aahhhhhhhhhhhhh!!!!"

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang tili ni Roselle nang unti-unti na siyang higupin ng bilog papasok.

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon