Prologue

1.9K 119 25
                                    


P R O L O G U E

"Miss Dazzlin sigurado ka ba diyan sa pinagsasasabi mo infront? Do you think you could make us believe na totoo iyang mga long lost city na sinasabi mo? Oh c'mon crop that hell out."

Pagputol ng professor sa ginagawang individual presentation ng dalagang si Hershey tungkol sa kanyang practical research. Napatungo na lamang ito sa sobrang kahihiyan nang marinig ang paninita ng guro. Nakarinig na rin siya ng mga konting bulungan at hagikhikan sa paligid. At malamang siya na naman ang center of humiliation ngayon.

"Take your seat. This is nonsense anyway." Utos ng professor kaya sumunod na lamang siya. Agad niyang kinuha ang mga papel at notebook na nasa ibabaw table sabay aligagang bumalik sa assigned seat nya.

Ramdam pa rin niya ang mapanuksong titig ng kanyang mga kaklase kahit nakaupo na siya.

"Ano bang problema nila?"
Bulong niya sa sarili sabay buntong hininga na lamang. Ayaw na niyang makipagtalo. Sawang sawa na siyang ipagpilitan ang di kapani-paniwala niyang teorya tungkol sa mundong nakatago sa ilalim. Wala namang may gustong maniwala. Isa pa, wala rin siyang sapat na ebidensya. Pero masisisi ba ang isang geek na tulad niya? Nabasa lang naman niya iyon sa isang artikulo ng Deep Web kaya nacurious siyang patunayan iyon mag-isa.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang mapasigaw siya sa biglaang pag-landing ng flying eraser sa pwesto niya. Kasunod noon ay ang malulutong na halakhakan ng buong klase.

"Hershey Dazzlin are you listening? Bukod sa failed practical research mo ano pang iniisip mo?" Nakuyom na lamang niya ang kamao matapos marinig ang pasaring sa kanya ng professor. Namumuro na ito sa kanya. Baka pag di sya nakapagpigil ay maitapon na niya ito sa mundong ilalim. Ay mali. Hindi nga pala nag-e-exist yun.

"Sir, baka naman lumilipad na ang utak nyan sa kailaliman. Doon sa mundong sinasabi niya kanina?" Pang-aasar sa kanya ni Wilhem na isa ring bully sa kanya.

"Baka nga. Doon naman kasi siya nakatira e. Hahahaha. Mundo ng mga alien katulad---pffftt." Umandar na naman ang kantyawan at asaran dahil sa pinagsasabi niya kanina sa unahan. Kulang na lang ay lamunin na siya ng buong buo ng lupa. Hindi siya magdadalawang isip na sumama at magpadala basta ba ang lusot nila ay sa natatagong mundo sa ilalim.

Hindi na niya nakaya pa ang pang-aalaska sa kanya ng mga kaklase kaya kahit di pa time ay agad siyang tumayo sabay sukbit ng bag nya. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng classroom nang hindi nagpapaalam. Bakit pa siya magpapaalam? Maging professor niya ay pasimuno sa pagpapahiya sa kanya kanina pa. Nagtiim bagang na lamang siya habang tinatahak ang hallway papunta sa malapit lang na library.

"Makikita nila. Patutunayan kong totoo ang lahat ng sinasabi ko. Kahit ako pa ang magdala sa kanila sa ilalim ng lupa mapaniwala ko lang ang makikitid nilang utak."

Banggit na naman niya sa sarili saka naiinis na pumasok sa nakasaradong library.

Gamit ang bike na siyang service niya pagpasok ay agad siyang nakarating sa subdivision kung saan naka-locate ang bahay na tinitirahan nila. Ipinarada niya ang bike sa harap nito at walang paligoy ligoy na pumasok sa loob ng bahay bitbit ang makakapal na libro.

Nadatnan niya ang papa niyang prenteng prenteng nanonood ng tv habang nagbabasa ng dyaryo. Tumingin ito sa kanya sabay sulyap sa wristwatch nitong suot.

"Shey? Aga mo atang umuwi ahh." Hindi niya pinansin ang mama niyang abala sa pagluluto sa kusina. Umakyat na agad siya sa kwarto niya, nilock ang pinto sabay hilata sa malambot na kama.

Paulit ulit nag-sink in sa kanya ang kahihiyang nangyari sa kanya kanina sa school. Nireport lang naman niya sa harap ng klase ang undiscovered civilization na natatago sa ilalim ng lupa. Talaga nga namang di kapani-paniwala yun. Pag nalaman kaya ng parents nya na iyon ang dahilan kung bakit sya napaaga ng pag-uwi, maniwala rin kaya sila?

Napabuntong hininga si Hershey sa mga ideyang naglalaro sa utak nya.

Alas dose na ng gabi ay nagsusunog pa rin ng kilay ang dalaga habang nakaupo sa harap ng study table nya. Sa ibabaw nito ang isang notebook, mga makakapal na libro na hiniram pa niya sa library kanina, mga crumpled paper na di mashoot sa basurahan kaya nagkalat na sa sahig. Wala pa rin siyang ideya kung paano niya mapatutunayan na totoo lahat ng pinagsasabi niya kanina sa harapan ng kaklase at professor nya. Mas lalo lang siyang naasar sa sarili dahil wala syang mapatunayan.

Tahimik na ang buong paligid. Tahimik na rin ang buong kwarto nya. Kuliglig na lang ang tanging maririnig kaya napa-inat siya at napahikab dahil sa nararamdamang antok. Mayamaya pa ay nakarinig siya ng di pangkaraniwang ingay.

Napalingon siya ng di oras sa direksyon ng kama niya.

"A-ano yan?" Kinakabahang tanong ni Hershey sa pag-aakalang daga lang ito na nakapasok na naman ng di oras sa kwarto niya o kaya ay ipis na talaga namang kinatatakutan nya talaga.

Tumigil ang ingay pero ilang saglit lang ay gumalaw na ang kama niya. Nagsimulang lumakas ang hangin. Hinahampas nito ang mga kurtinang nakatakip sa bintana ng kwarto.

Bumalikwas ng tayo si Hershey nang
maramdaman ang malakas na hangin na bumabayo sa kwarto nya. Nagkalat ang mga gamit nya mula sa lampshade, mga papel, nagbukasan na rin ang drawer niya. Halos lahat ng mga bagay sa loob ng kwarto ay nagliliparan na. Halos kumabog na ang puso niya dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.

"What the hell----"

Sa sobrang taranta ay pilit syang gumapang palapit sa pinto. Pero di pa niya nahahawakan ang doorknob ay unti-unti na siyang natatangay ng ipo-ipo. Napatili na lamang siya.

Mayamaya pa ay nakita niyang lumitaw ang isang hugis bilog na liwanag sa sahig. Nakasisilaw ito. Transparent kaya kitang kita niya ang madilim na lagusan patungo sa kabilang dimension.

Hindi man sigurado sa pinagsasasabi ay nabanggit niya ang isang di pangkaraniwang pangalan habang tinatakpan ng palad ang mga mata laban sa nakasisilaw na liwanag.

"A-Agartha..."

Mahinang bulong ng dalaga nang mas lumaki pa ang bilog. Tuluyang nagpakawala ng malakas na tili si Hershey nang simulan siyang higupin nito papasok.

Sa isang iglap ay huminto ang ipo-
ipo. Naiwang gulong-gulo ang kwarto na parang dinaanan ng bagyo.

"HERSHEY!!"

Umalingawngaw ang sigaw ng magulang nito nang buksan ang pinto.

**

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon