Chapter 11- The Long Lost Teenagers

464 34 1
                                    

***

Nasa gitna ng kwarto ang apat at pabilog na naupo para simulan ang pagpapaliwanag kay Alcoriza.

"Kaming tatlo ang tagapagtanggol ni Haring Goli at Reyna Menaka. Hindi lang sila ang ipinaglalaban namin, kundi ang lahat ng nasasakupan. Sa madaling sabi, ang buong Agartha ay nakasalalay sa'ming tatlo."

Halos malaglag ang panga ni Alcoriza dahil sa narinig. Hindi niya akalaing kahit mga babae lang ang mga ito ay malaking responsibilidad na ang nakaatang sa kanila.

"Teka ang ibig nyong sabihin nabuo ang The Three Muskeeters nang dumating rito si Hershey?" Nalilitong tanong ng dalaga. Kung yun nga ang dahilan mukhang tama naman siya.

"Bago yun, buo na ang grupo namin." Sambit ni Maye saka inayos ang pana niya.

"A-anong ibig nyong sabihin?" Tila hindi talaga maintindihan ni Alcoriza ang mga nangyayari pero may nag-uudyok sa kanya na alamin ito.

"Kompleto na ang grupo namin bago mapabilang si Hershey sa The Three Muskeeters. Ako, si Maye at si Red."

Mas kumunot ang noo ni Alcoriza nang marinig ang paliwanag ni Neva. Halos manuot na sa utak niya ang mga bagay na di nya lubos mabigyang kahulugan.

"Kung ganoon, asan na iyong Red?"

Bago sumagot ay nagkatinginan muna sina Maye, Neva at Hershey.

"Isa na si Red sa nangungunang mandirigma ng Paurav Empire."
Litanya ni Neva at tiningnan ang reaksyon ni Alcoriza.

"Ang emperyong matagal nang gustong sakupin ang Agartha Kingdom." Dugtong ni Hershey. Nabalot ng katahimikan ang kwartong kinaroroonan nila pagkatapos.

***

"Asan na ba si Alcoriza?"

Nayayamot na sambit ni Regine habang patip-toe na naglalakad sa hardin ng palasyo. Natigil siya sa paglalakad nang maaninag mula sa di kalayuan ang napakagandang fountain.

Mala-crystal ang tubig nito habang tumatalsik ang bawat butil ng tubig.

"Iha?" Nagulat siya nang may magsalita sa likuran niya.

"R-Reyna Menaka." Gulat na sambit ni Regine at agad napakamot sa kilay.

"Hindi ba sinabi sayo ni Hershey na bawal magpagala-gala rito sa dis oras ng gabi?!" Mataray na tanong nito at ipinaypay ang dalang abaniko habang nakataas ang kilay.

"P-po? Pasensya na!" Nauutal na sambit ni Regine pero sa isang iglap nag-iba ang reaksyon ng reyna. Kumalma ang mukha nito at tinakpan ang bibig nya ng hawak na abaniko saka nagpakawala ng malamya na tawa. Napakunot noo si Regine.

'Walanjo. Na-goodtaym ata ako ah." Pabulong na wika niya sa sarili.

"Biro lamang binibini. Halika at ituturo ko sayo ang kwarto niyo ngayong gabi." Maotoridad na aya ng reyna at agad tumalikod palayo.

Ngumiwi na lamang si Regine saka napasunod.

***

"You mean, nag-quit si Red sa grupo niyo kaya ang nangyari, si Hershey ang pumalit?" Paglilinaw ni Alcoriza sa tatlong Muskeeters na kaharap.

"Yeah. By that, we found out Red's secretly spying us. Tinraydor niya ang Muskeeters. At mas tinraydor nya ang buong kaharian ng Agartha." Nagbago ang reaksyon ni Maye. Bakas sa mata nito ang matinding galit.

"Doon ba nagtapos?" Tanong ulit ni Alcoriza.

"Actually that's only the beginning. Nagsisimula pa lang ang lahat." Bumuntong hininga si Neva at napabuga ng hangin.

"Katulad ni Hershey, si Red ay isa ring normal na tao na galing sa daigdig niyo sa ibabaw. Siya ang unang napadpad rito sa Agartha kaya siya ang unang sumapi sa grupo namin."

"Pero nagbago ang lahat. Natuklasan na lang namin na gumagamit na pala siya ng itim na mahika." Dagdag ni Maye at napakagat labi.

"Mygad. How I wish I'd never tell her about the secret black magic." Nanlulumong saad ni Neva.

"C'mon. Hindi nyo kasalanan iyon. It's her fault and choice cause she's weak." Pagdidiin ni Hershey.

"Malamang nabalita sa mundong ibabaw ang pagkawala ng tatlong kabataan. Alam mo na siguro kung sino-sino sila." Seryosong saad ni Maye kay Alcoriza.

Hindi man malinaw ang detalye ay alam ng dalaga kung sino ang mga tinutukoy nito.

Si Red, Heshey at Archdave ang tatlong kabataan na nawala at di na nahanap pa. Parang may isang tuldok sa utak ni Alcoriza ang nag-ugnay ugnay sa mga palaisipan na kanina pa niya pinoproblema.

'Kung ganoon, mas naunang nawala si Red kesa sa dalawa kaya ito ang unang napasok rito sa Agartha' sambit ng utak niya at pilit pang piniga piga. Nagbabakasakaling may hint pa kung anong mga nangyari.

Bakit kaya nauwi si Red sa pagtiwalag sa grupo? Bakit hindi na bumalik ang tatlo sa tunay nilang mundo?

Marami pa siyang nais malaman at alam niyang ang tatlong Muskeeters lang ang makakasagot sa mga tanong niya.

"Malalim na ang gabi. Ayaw na ayaw ni Reyna Menaka na magpapagabi tayo. Tayo na sa silid." Agad tumayo si Maye at pinagpagan ang kasuotan niya. Nagsitayuan na rin sina Neva at Hershey atsaka naglakad palabas ng kwarto.

Naguguluhan man ay napasunod na rin si Alcoriza sa tatlo.

***

"Pansamantala ay dito ka na lang matulog sa kwarto ko. Bukas na bukas, ipapaalam ko sa hari na dapat na kayong makaalis." Sambit ni Hershey pagkabukas pa lang niya sa pinto ng kwarto. Napanganga si Alcoriza dahil sa sinabi nito.

"Pero teka---hindi ko pa nahahanap ang kapatid ko."

Mas nagulat si Alcoriza nang maibagsak ni Hershey ang dalang unan at agad napatingin sa kanya ng masama.

"Hindi kayo pwedeng manatili rito sa Agartha. Mapapahamak kayo. Matulog ka na at maaga pang aalis bukas na bukas." Pagkatapos noon ay walang nagawa si Alcoriza kundi mapabuntong hininga na lamang.

Gusto pa man niyang tumutol alam niyang wala siyang magagawa. Iyon siguro ang utos ng hari sa kanila. Ang paalisin na sila sa lugar na ito. Pero kung ano pa man ang mas mabigat na dahilan, kailangan malaman niya bago sila makaalis.

"Hindi ako aalis sa lugar na ito na wala ang kapatid ko." Bulong niya at agad napatingin sa nakapinid nang pinto at bintana.

***

Halos magkagulo sa loob ng classroom dahil wala ang professor nila ngayong araw. Agad pumasok si Beverly sa room at taas noong umupo sa seat niya.

Inilibot niya ang paningin, nagbabakasakaling makikita niya ang asungot sa buhay nya na si Alcoriza pero wala.

"Hanap mo ata si Pixie Dust?" Bungad ni Menchi sa kaibigan habang nakataas ang kilay.

"Huh? Palagay ko naghahanap na yun ng lagusan papunta sa walang kwenta nyang Agartha." Sarkastikong sambit ni Beverly at tiningnan pa ang bakanteng upuan ni Alcoriza.

"Or worst nahigop na sya ng ilusyon niya." Kapwa nagtawanan ang dalawang babae sa mga ideyang pumapasok sa utak nila.

"Hahaha---awts!" Napangiwi si Beverly nang tumama sa kanya ang isang eroplanong papel.

Naiirita niya itong binuksan at nagulat nang makita kung anong nakasulat.

"Agartha...?"

Mahina niyang basa saka pasimpleng luminga linga para malaman kung sino ang nagbato sa kanya nun.

Palihim namang napangisi si Nieca at agad isinuot ang cap niya. Lumayo na siya sa magulong classroom at iniwan ang naguguluhang si Beverly.

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon