***"PAKAWALAN NYO NA AKO MGA GAGO!"
Paghihimutok ng naiiyak na si Roselle habang kinakalampag ang selda. Pero kahit anong gawin ng dalaga, parang walang naririnig ang kawal na busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Mukhang ngayon pa lamang ito nakakita ng ganoong uri ng teknolohiya. Nakakakaawa ani ng utak ni Roselle.
"Hoy! Mga tukmol! Ibalik mo na sakin yan! Sinisiguro kong malalagas ang ngipin mo pag di mo binigay sakin ang phone ko!" Malakas na bulyaw ni Roselle pero dedma lamang siya rito.
Nawalan na ng pag-asa pang makuha nito ang atensyon ng kawal na kanina pa nagbabantay sa kanya mula sa labas kaya sa sobrang inis ay napasigaw na lamang siya.
Hindi na niya malaman pa ang gagawin dahil bukod sa hindi siya makalabas sa kulungang kinaroroonan niya ngayon, ay hindi rin naman niya alam ang magiging daan niya palabas kung sakaling makatakas siya.
Napangiwi na lamang ang dalaga at walang ibang nagawa kundi ang mapaupo sa sulok ng kwarto.
***
"Anong balita?" Bungad ni Haring Paurav nang makaharap ang dalagang pinaka-pinagkakatiwalaan niya.
Walang iba kundi si Red.
"Palagay ko hindi nag-iisa ang dalagang nabihag natin. May isa pang inutil ang pagala-gala rito sa Paurav." Balita ni Red at pilit inalala ang pagtatagpo nila kanina ni Alcoriza. Halos magtagpo naman ang dalawang kilay ng har sa sobrang galit nang marinig ang balita ng dalaga.
"Ano pang hinihintay nyo?! Bakit di kayo gumawa ng paraan para madakip ang hangal na iyon!" Matigas na utos ni Paurav.
Mabilis naman ang pagkilos ng mga kawal at agad nagtatakbo palayo upang hanapin at dakpin ang isa pang dalagang taga-ibabaw. Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa labi ng dalaga at nagsalita. Tila naglalaro na sa utal niya ang mga dapat na gawin.
"Masusunod mahal na hari." Sa isang bukas ng pamaypay niya ay nilamon sya ng usok at biglang naglaho.
***
Nagkalat ang mga lukot lukot na papel sa tabi ng trash bin at buong kwarto ni Beverly. Nakaupo sya sa harap ng study desk kung saan nakalagay ang computer niya. Katabi nito ang librong 'Greek Agartha, a Journey to the Hollow Land' na hiniram niya kanina lamang.
Patuloy siya sa pag-scroll sa internet. Ilang research pa patungkol sa Agartha pero wala siyang makita. Di nya tuloy maiwasang mapangisi habang tutok na tutok sa ginagawa.
Mapatunayan lang talaga nyang walang buhay sa ilalim ng lupa ay isang achievement. Ibig sabihin lang nun, dapat siya ang maging top 1 ng klase at hindi ang trying hard na si Alcoriza.
"Sabi na eh, walang katotohanan ang mga sinasabi ng Pixie Dust na iyon." sambit niya sa sarili atsaka pinalipat lipat pa ang mga pahina ng libro.
Hanggang sa matigil siya sa isang page. Natigalgal siya bigla. Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka nawala ang ngising kanina ay nasa labi niya.
Isang malaking larawan ang nakita niya kung saan may nakatayong malaking palasyo. Napapalibutan ito ng naglalakihang puno. Kung pagmamasdan ang larawan isang lugar lang ang nais tukuyin nito.
"What the heck is this place?" Napamura siya at kumurap kurap pa para aninawin ang picture.
Agartha-existence of inner earth kingdom, is a legendary city that is said to beside in the earth's core. It is related to the hollow earth theory.
"Ugh. Hindi to totoo!" Nasapo ni Beverly ang ulo niya at tila di makapaniwala sa nabasa.
"HINDI TOTOO ANG AGARTHA!!"
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
PertualanganAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...