***
Pinagpapawisan na si Alcoriza at nililimitahan ang panginginig ng tuhod niya habang kaharap ang seryoso nyang professor. Magkaharap sila ngayong dalawa at kanina pa siya di mapakali. Pinong pino rin ang galaw niya dahil wagas itong makatitig na animo'y may binabalak itong masama sa kanya. Sabagay kung may binabalak naman itong masama, dapat kanina pa siya napaslang nito dahil kanina pa nagsilabasan ang mga kaklase nya. Silang dalawa na lang ang naiwan rito sa loob.
Umaandar na naman ang malikot niyang imahinasyon kaya di niya namalayang kinakausap na pala siya ng babaeng guro.
"Saan mo nalaman ang lahat ng iyon?"
Usisa ng professor niya kaya agad syang kinabahan. Anong isasagot niya? Sa totoo lang ay wala pa siyang librong nababasa tungkol dun. Nabasa nya lang iyon sa isang lumang notebook na napulot niya sa kanyang kwarto noong lumipat sila.
Palagay niya'y isang diary ng kung sino mang nakatira doon dati. O baka naman gawa gawa lang ng may-ari ang kwentong iyon dahil nais lang na maging writer? Pinaniwalaan naman agad niya ang lahat ng nakasulat. Halos masapo ni Alcoriza ang sariling noo dahil sa sobrang kapalpakan.
"A-ano...sa i-internet po..." Pagsisinungaling niya. Nilaro laro niya ang mga hinliliit na daliri sa sobrang kaba na baka usisain pa ng professor pati ang url link ng mga kasinungalingang pinagsasasabi niya. Wala siyang maibibigay pag nagkataon.
Bumuntong hininga ang kaharap niya saka napatitig sa dalaga. Bakas sa mata nito na hindi ito kumbinsido sa sinabi niyang sagot. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba.
"Walang proof ang theory na yan. Na-ban na rin ang mga articles na ini-upload sa internet. So paano mo nalaman yun?" Tanong ulit ng guro kaya mas nakunot ang noo ni Alcoriza. Alam rin ba nito ang tungkol sa mundong ilalim?
"May alam po ba kayo tungkol doon?" Di na niya napigilan ang sarili at agad nagtanong. Gusto lang niyang makasiguro na hindi siya nag-iisang naniniwala sa underworld civilization na sinasabi.
Luminga linga muna ang professor bago magsalita. Tila ayaw nitong may makarinig ng pag-uusap nila.
"Hindi ko alam kung totoo o haka-haka lang. Pero may nakapagsabi na may isa pang lagusan rito sa daigdig natin patungo sa Agartha maliban sa lagusan na located sa North pole."
Halos malaglag ang panga ng dalaga sa nalaman. Totoo ba ang pinagsasasabi ng professor nya? Baka naman nahawahan lang niya ito ng pagiging weird o ano. Hindi muna siya nagsalita nang ilang minuto at napaisip sa narinig. Nagpatuloy naman ang guro sa pagkwento.
"Walang nakaaalam kung nasaan ang portal na iyon. Pero isa lang ang punto ng media----iyon ang dahilan kung bakit tatlong kabataan na ang nawawala at di pa rin mahanap hanggang ngayon."
Kung kanina ay halos malaglag na ng panga niya dahil sa nalaman, ngayon naman gusto nang lumuwa ng mga eyeballs niya sa sobrang gulat.
"K-kailan pa po sila nawawala?" Kinakabahang sambit ni Alcoriza.
Sasagot pa sana ang babae nang biglang bumukas ang pinto at sumilip ang principal. Agad napatayo ang dalawa.
"Saka na tayo mag-usap Pixie Dust."
Alinlangang tumango ang dalaga.Gustuhin man niyang makausap pa ng mas matagal ang professor niya ay alam niyang may mas importante pa itong gagawin kesa mag-aksaya ng laway at ikwento ang di pangkaraniwang mga topic tulad ng kanina.
Tulad ng nakatagong mundo na tinatawag raw na Agartha.
"Sissy!"
Narinig ni Alcoriza ang matinis na boses ng kaibigan nyang si Regine kaya napalingon siya. Halos bungguin na nito ang lahat ng mga estudyanteng nakaharang sa hallway dahil sa pagmamadaling makalapit sa kanyang kinaroroonan.
"Sabay na tayong umuwi." Suhestiyon nito nang makalapit sa kanya.
"Mauna ka na Sis. Dadaan pa kasi ako sa library." Saad ni Alcoriza at binigyan si Regine ng 'sorry I can't come with you' look. Tila naintindihan naman ito ng kaibigan kaya napatango na lamang.
"Awtts. Sayang naman. Pero sige una na ako pagabi na kasi eh."
"Ingat sa pag-uwi." Paalala na lamang ni Alcoriza atsaka ngumiti. Agad naglakad na palayo ang dalaga.
Alam naman niyang makakayang umuwing mag-isa ni Regine ngayon dahil malapit lang ang bahay nito sa subdivision na tinitirahan nila. Malapit at walking distance rin lang. Kaya rin pati nitong ipagtanggol ang sarili kung sakaling may humarang sa kanyang mga adik o kung sino mang kampon ng lupa iyan.
Matapos makalayo ang kaibigan ay lumakad na rin si Alcoriza patungo sa direksyon ng library.
Kahit madilim sa aklatan ay sinikap
aninagin ng dalaga ang mga title ng libro. Wala siyang pakialam kung nasisinghot na niya lahat ng alikabok rito sa bookshelves, ang mahalaga may mahanap dapat siyang impormasyon.Hindi talaga sya matatahimik hangga't di nya nalalaman ang history ng Agartha na
yun. Lalo na't sa professor na niya mismo narinig na may lagusan sa daigdig nila. Kung meron nga, posible kayang ito ang naging dahilan ng pagkawala ng tatlong kabataan na sinasabi ng guro?Ibig sabihin ba noon ay naroon ang mga nawawala sa mundong ilalim?
"Tss. Hindi kapani-paniwala." Bulong niya sa sarili.
Baka naman naglayas lang ang mga ito at nagrebelde tapos di na binalak bumalik. Imposible nga talagang isipin na sa ibang mundo napadpad ang tatlong kabataang iyon.
Pero kung nawawala nga talaga sila, paniguradong nasa iisang lugar lang ang tatlong iyon. Sa mundong pinaniniwalaang hindi nag-e-exist.
...Sa Agartha.
"Gotcha!" Mahinang sambit ni Alcoriza at kinuha mula sa hanay ng mga libro ang isang Mythology book.
Agad siyang umalis sa nagtataasang boolshelves saka dumiretso sa counter ng librarian para hiramin ang librong nahanap.
Gabi na ay pagala-gala parin ang binatang si Emm Beckhman sakay ng bisikleta nya. Mas gusto nyang mamasyal sa gabi dahil tahimik ang village nila. May mga streetlights namang nakasindi kaya hindi
siya natatakot. Gabi gabi na ata niya itong ginagawa maglibot dahil sobrang boring sa bahay nila.Mayamaya ay natigil siya sa tapat ng bahay ng mga Pixie Dust's. Hindi niya malaman kung bakit hinahatak ang mata niya na tingnan ang bintanang nasa dulo ng bahay ng mga ito malapit sa attic.
Nanlaki ang mata nya nang maaninaw ang nakasisilaw na liwanag mula sa isa sa mga kwarto ng bahay.
Ang kwarto ni Alcoriza.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...