***
"Anong balita?"
Papasok pa lamang ng silid ay nagtanong na ang hari. Nagbigay galang si Hershey sa harap niya bago binuksan ang dalang scroll.Nanlumo siya nang mabasa kung ano ang nilalaman nito.
"Anong mensahe?" Usisa ng hari atsaka sinipat sipat ang laman ng papel.
"Naghahamon ng malawakang digmaan ang emperyo nila. Mahal na hari...m-may magaganap na digmaan sa pagitan ng emperyo Paurav at sa atin." Hirap mang banggitin ay nagawang lumunok ni Hershey at nanginginig na ibinaba ang hawak na scroll.
Napanganga ang hari sa nalaman. Parang aatakihin naman sa puso ang reyna at pilit ipinaypay ang hawak na abaniko.
"Hindi ito magandang pangitain."
Nabalot ng katahimikan ang buong silid. Mayamaya ay nakarinig sila ng taguktok ng sapatos na papalapit sa kanila.
"K-kumusta po? Nakita nyo ba sina Emm at Regine?" Nag-aalinlangang tanong ng bagong dating na si Alcoriza.
Nagkatinginan sina Haring Goli at Hershey. Napatango ang dalaga at parang alam na nito ang nais ipahiwatig ng hari.
"Alcoriza, sumama ka sakin. Kailangan niyo nang umalis rito ngayon rin." Maotoridad na utos ni Hershey at dali-daling hinatak ang dalaga palayo.
"Teka sandali! Sandali! Ayoko! Hindi pa kami pwedeng umalis! Nawawala pa ang kapatid ko. Hindi ko siya iiwanan!" Bulyaw ni Alcoriza saka iwinakli ang braso niya na hawak ni Hershey.
Dahil sa ginawa niya ay natigil ito sa pagkaladkad sa kanya palabas.
"Paano ka nakakasigurong dito napadpad ang kapatid mo? Delikado na kayo rito. Mas ligtas kayo sa ibabaw!" Giit ni Hershey at matalim na tumitig sa dalaga.
"Malakas ang kutob kong nandito siya. Please, kahit isang araw lang. Mahanap ko lang si Roselle." Pakiusap ni Alcoriza pero umiwas ng tingin si Hershey at dumako ito kay Archdave na nakatingin pala sa kanila.
Nakita niyang tumango si Archdave bilang senyas na tutol rin ito sa desisyon ni Hershey.
"Fine. Find your sister and then go." Seryosong saad nito at naglakad palayo.
Naiwang nakanganga si Alcoriza at di alam kung saan at paano magsisimula.
***
Pabagsak na isinara ni Beverly ang locker niya saka nagmamadaling naglakad palayo. Nang makasigurong walang sumusunod sa kanya ay pasimple siyang dumiretso sa direksyon ng library.Pagpasok pa lamang niya ay sumalubong na ang sobrang tahimik na paligid. Swerte at wala pa ang librarian nilang ubod ng sungit. Kung hindi kikilatisin na naman siya mula ulo hanggang paa. Minsan kasi ay naabutan siya nitong nakikipag-date lamang sa loob ng aklatan which is hindi rin naman tama. Mula noon she always make sure na kapag tutungo siya ng library, wala ang masungit na matandang librarian.
Dahan dahan niyang binuhay ang ilaw at ibinaba ang kanyang shoulder bag. Iginala agad niya ang tingin sa buong bookshelves na punong puno ng mga makakapal na aklat.
Hindi niya alam pero may kung anong pwersa ang nagtutulak sa kanya para magpunta rito at magsaliksik sa isang di pamilyar na libro.
Agad siyang nagtungo sa naglalakihang shelves at inisa isa ang mga aklat gamit ang hintuturo niya hanggang sa mabasa niya ang isang pamagat.
"Geek Agartha. A Journey to the Hollow Land."
Napalunok siya at parang pinagpawisan.
Kukuhanin na sana niya ang libro nang may humawak sa balikat niya dahilan para sumigaw siya ng ubod lakas at mabitawan ang ito.
"Aaaaaaaaaahhhhhh!!!"
Halos mapaupo si Beverly sa gulat nang makita sa harap niya ang isang dalagang ka-edad lamang niya. Nakataas ang kilay nito at nakasuot ng cap.
"What the hell brought you in this library??" Taas kilay na tanong ni Nieca kay Beverly na walang ka-ide-ideya kung sino siya.
" And who the hell are you??! You surprise the shit out of me!!" Iritadong tanong pabalik ni Beverly para mapangisi si Nieca.
"I'm working here as the assistant librarian."
"I don't care." Ngumiti ng pilit si Beverly saka pinulot ang nahulog na libro. Bitbit ito ay nagtungo siya sa mesa kinuha ang bag at nagmamadaling umalis.
Napabuga ng hangin si Nieca atsaka umirap habang pinagmamasdan ang dalaga na dali-daling lumabas ng silid-aklatan.
"Taas ng pride. May balak rin naman palang alamin kung totoo ang Agartha." Mahina nitong sambit. Umiling iling ang dalaga at pinulot ang mga librong nagkalat.
***
"Ang cute mo talaga Rishi!!" Nanggigigil na sigaw ni Regine sa hawak na pusa. Buti dahil wala siyang allergy sa pusa kundi paniguradong kanina pa siya bumahing ng sobra.
"Ang cute nya nga." Nakapangalumbaba na sambit ni Alcoriza at boring na tumingin sa direksyon ng bintana. Sa sobrang dami ng iniisip niya, halos manlambot na siya sa kinauupuan.
Kitang kita niya mula sa pwesto ang pagsasanay ng tatlong Musketeers na sina Neva, Maye at Hershey. Nagsasanay na naman ang tatlo gamit ang mga hawak na sandata.
Bumuntong hininga siya at tila di mapakali.
"Nasaan ba si Emm?"
"Ayun, ayaw nang umalis sa ere."
Sarkastikong sambit ni Regine at itinuro pa ang ere kung saan humihiyaw pa rin ang binatang si Emm habang nakasakay sa malaking dragon.
"Hindi ako pwedeng tumigil lang dito. Kailangan ko nang mahanap si Roselle." Nag-aalinlangan man ay ito ang dikta ng konsensya ni Alcoriza.
Agad syang tumayo mula sa pagkakaupo saka isinukbit ang kanyang bag.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Regine sa dalaga habang hinihimas himas pa rin ang pusang si Rishi.
"Mamamasyal lang." Wala sa loob na sagot ni Alcoriza. Nilagpasan nya si Regine at nagtungo para buksan ang pinto.
***
Dahil konkretong sahig ang tinatapakan ni Alcoriza, rinig na rinig niya ang taguktok ng suot niyang sapatos habang naglalakad. Maya maya ay napatigil siya sa paglalakad nang maulinigan ang dalawang mga boses at mga yabag papalapit sa kanya. Kumubli siya sa makapal na pader na malapit lamang sa kanya.
"Mahal na reyna, hindi tayo pwedeng makampante. Unti unti na silang kumikilos. Alam na nila ang bawat galaw natin. May mga espiya silang pinapadala-------" Rinig na rinig niya ang problemadong boses ni Archdave.
"Alam ko. Alam ko. Ihanda ang mga hukbo. Pagsanayin na silang mabuti. Alam kong darating ang oras na gagamit na naman sila ng itim na mahika o di kaya ay gagamit na naman sila ng mga bihag laban sa atin." Dahil sa narinig ay biglang lumakas ang tibok ng puso ni Alcoriza.
Ayaw man niyang tanggapin ay baka tama ang hinala niya na napunta sa Paurav Empire ang kapatid nyang si Roselle.
Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Pagkaalis ng dalawang nag uusap ay nagtungo na siya sa gate ng palasyo. Gamit ang suot na salakot, nagawa niyang itago ang mukha sa mga kawal at palihim na tumakbo palayo.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...