Chapter 21-Message Behind the Walls

253 21 2
                                    

***

"Di pa rin kayo nagbabago. Mga mahihina parin kayo." Pasaring ni Red habang nakikipagdwelo laban kina Neva at JhunaMae. Sa taglay niyang lakas, ay nagagawa pa nyang makailag sa mga nagliliparang pana kasabay ang pagsalag sa arnis ni Neva.

"Huwag kang magmayabang babae. Pare-pareho lang tayo rito!" Nagtiim bagang ang dalagang si Neva at pwersahang itinulak si Red.

"Mas lamang ako. Mas malakas kesa sa inyo---"

"Tumigil ka na! Nahihibang ka lang!" Putol ni JhunaMae na hindi na nakatiis dahil sa nararamdang galit. Hindi pa rin nagpatinag si Red at ayaw magpatalo sa dalawa.

Patuloy pa rin ang paglalaban nila habang ang palasyo naman ng Agartha ay unti-unti nang nawawasak.

***

"Hiyaaaaaaaaahhhhhhh!" Kalabog at sigawan ang maririnig sa bawat hampas ni Hershey ng espada niya.

Isa laban sa marami. Mukhang magiging magandang dwelo ito para sa kanya. Tumigil siya saglit at ngumisi. Tinali niya ang kulay brown na buhok habang nakatitig pa rin sa mga kalaban. Walang makikitang kaba sa mga mata niya. Hindi tulad noong unang napasabak siya sa labanan bilang isang Musketeer. Ngayon ay matapang at malakas na siya di katulad ng dati. Wala na siyang dapat katakutan ngayon, maliban sa kanyang nakaraan.

"Shit. Ang galing nya."  Nasambit ni Roselle nang magsimula nang umatake ang dalaga laban sa mga warriors na kanina pa sila di tinitigilan.

Walang pag-aalinlangang kinuhanan naman ito ng litrato ni Alcoriza na gustong gusto ang mga nangyayari.

***

Kumalat ang liwanag sa buong silid nang buhayin ni Archdave ang isang sulo. Dahil sa liwanag na nalikha nito, tumambad sa kanila ang malawak na kwarto. Masyadong makaluma dahil sa mga disenyo nito sa bawat pader.

"A-anong lugar ito?" Di mapigilang mapaubo ni Regine likha ng mga alikabok na nagliliparan.

Tumingala si Archdave sa taas ng pinanggalingan nila at itinutok roon ang sulo. Masyadong mataas ang kinabagsakan nila mula sa ibabaw.

"Mukhang may lihim na lugar pala dito sa ilalim." Sambit nito sa dalawang kasama na tila ngayon lamang napagtanto ang ganitong uri ng lugar sa bandang ibaba.

"Hindi mo alam? Diba ilang taon ka nang nandito?" Usisa ni Regine kay Archdave na di maiwasang mamangha sa mga nakikita sa paligid.

"Matagal na kami rito. Pero ni minsan di nabanggit ng hari na may silid pa rito sa ibaba."  Mahabang litanya nito at mas iginala pa ang paningin.

"Uwaaaaaaahh!" Kapwa sila napalingon nang sumigaw si Emm mula sa likuran nila.

"M-may Mummy! Jusko buhay pa ata to!" Nauutal na sambit ng binata sabay turo niya sa Mummy na katabi lang niya.

"Haha. Relax. Palagay ko ilang libong taon nang nakalagay ang bangkay na yan dyan." Kalmadong saad ni Archdave kay Emm. Ngumiwi naman si Regine.

Nag-ikot ikot pa sila para tingnan ang mga bagay na nakalagay at nilalaman ng silid. Nakuha ang atensyon ni Regine ng mga larawan na nakaukit mismo sa pader. Di man niya maintindihan, malakas ang kutob niyang may ibig sabihin ito.

Makikita ang mga larawan ng bundok, puno, araw at mga tao. Sobrang astig ng pagkakagawa nito. Tila malalim ang kahulugan ng bawat guhit at disenyo.

"Ang tawag dyan ay Cuneiform." Narinig niya ang boses ni Archdave sa tabi niya.

"Isang pattern ng pagsusulat na itinatala ng mga scribe sa mga pader ang mga mahahalagang pangyayaring naganap." Dagdag pa nito.

"Kung ganun marunong kang magbasa nyan?" Itinuro ni Regine ang mga drawing na nakaguhit sa pader.

Itinaas ni Archdave ang hawak na sulo. Gamit ang hintuturo at sulo bilang gabay ay unti-unti niyang binasa ang mga nakasulat.

"Dalawang libong taon na ang nakararaan, isang piloto mula sa ibabaw ang napadpad sa Agartha. Pinaalalahanang wag sanang ipaalam ang lagusan na natuklasan para di masira ang lugar na ito." Gamit ang isa pang daliri, dumako si Archdave sa mga sumusunod na larawan.

"Lumipas ang ilang taon, may isang dalaga ang lumitaw. Mas pinili niyang manatili sa Agartha kaysa bumalik sa ibabaw." Natigil ang binata sa pagbabasa nang maalala ang dalagang naunang mawala kesa sa kanila.

"Si Red..." Mahina nitong sambit sa napagtanto. Nagkatinginan naman sina Emm at Regine.

"Dahil rito, nabuo ang isang grupo na may tatlong miyembro. Dahil mga babae, tinagurian silang mga babaeng mandirigma."

"A-ang tatlong Muskeeters." Tila naliwanagan si Regine dahil sa nalaman. Tumango tango si Archdave.

"Sila ang mga tagapagtanggol. Hawak nila ang kaligtasan ng Agartha, maging ang buong nasasakupan nito."

"Bawat isa ay may taglay na kakayahan na naiiba sa lahat. Ang isang babae na may blonde na buhok ay nakilala sa pagiging mahusay sa paggamit ng kanyang busog at pana." Ani ng binatang si Archdave na ang tinutukoy ay si JhunaMae.

"Ang ikalawa, ang babaeng bihasa sa paghawak sa armas na arnis at ang ikatlong dalaga na may pulang buhok. Kakaibang atake naman ang ginagawa gamit ang abanikong puno ng patalim." Dagdag pa nito.

"Ang mga abilidad nila at husay sa paggamit ng sandata ay syang naging daan para maging mas matatag pa ang grupo. Marami na silang naipanalong digmaan. Dahil sa kanilang lakas at husay ay nakuha nila ang tiwala ng hari at ang mga taong nasasakupan ng Agartha." Mayamaya pa ay nakunot ang noo ni Archdave nang makita ang isa pang guhit.

"Ngunit isang araw ay napadpad ang dalagang may pulang buhok sa teritoryo ng Paurav. Nalinlang siya. Gumamit ng itim na mahika. Doon nagsimulang magkawatak watak ang tatlo."

"Tumiwalag ang dalaga sa grupo. Sumapi sa mga Pauravian. Tinalikuran ang Agartha at kailanman ay di na nagbalik pa. Noon din ay wala nang naging balita na may magiging kapalit pa ang traydor na dalaga.  Ngunit naniniwala ang marami na mababago pa ang nakasulat sa propesiya. Na muling mabubuo ang grupo at magiging mapayapa ang kaharian."

"Dahil sa kataksilang naganap, inaasahan na magkakaroon ng malawakang pagsakop at digmaan sa pagitan ng dalawang emperyo." Pagtatapos ni Archdave sa binabasa at napabuntong hininga.

"At sa tingin ko? Nangyayari na." Napalingon sila nang biglang magsalita si Emm na kanina pa pala nakikinig sa kwento.

Mayamaya pa ay nakarinig sila ng malalakas na pagsabog. Yumayanig na naman ang lupang tinatapakan nila.

"Tayo na! Hindi na tayo pwedeng manatili rito!"  Agad nagtakbuhan sina Archdave, Emm at Regine patungo sa makipot na pintuan.

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon