***
"So hinahanap ninyo ang Asgard?" Paglilinaw ni Emm sa dalawang babaeng kaharap niya.
"It's Agartha!" Pinanlisikan siya ng mata ni Alcoriza.
Narito sila sa isang coffee shop di kalayuan sa school na pinapasukan nila. Break time naman kaya pwede pa ang lumabas. Afterall, wala rin naman na silang klase pagkatapos ng period na ito. Busy ang mga teacher sa gaganaping School's Fest sa susunod na linggo.
Kaya mas minabuti na lang ni Alcoriza na ayain ang dalawa para makapag-usap sila tungkol sa Agartha. Tamang tama dahil konti pa lang ang tao sa coffee shop na kinaroroonan nila.
"Okey. Sorna, ano bang meron doon?" Nagpeace sign na lang ito. Mayamaya ay nagsalita ulit ang binata na parang may napagtanto.
"Siguro may kinalaman yun sa pagkawala ng tatlong teenager." Biglang sambit nito at napaisip.
"Alam mo ang tungkol dun?" Ungkat ni Alcoriza habang mataman na nakatitig sa binata.
Mayamaya pa ay si Regine na ang sumagot.
"Actually Sis, alam namin. Years ago may.tatlong teenagers ang nawala at di pa rin mahanap 'til now." Paliwanag ni Regine sabay tingin sa labas ng coffee shop at napabuntong hininga.
"Either nakidnap sila or naglayas talaga." Dagdag pa ni Emm habang patuloy na ininom ang inorder na kape.
"Nakaka-curious kung saan napunta ang mga yun." Saad ni Regine at tumingala pa para mag-isip. Natahimik naman ang tatlo.
"Kung hindi sila mahanap ng mga
police, siguradong nasa iisang lugar lang sila..." Nag-aalinlangan na tumingin sa.kanila si Alcoriza."Sa Agartha?!" Halos sabay na sigaw ng dalawa.
"Hinahanap nyo ang Agartha?"
Napakislot ang tatlo nang biglang sumulpot sa harap nila ang isang babae.
Nakasuot ito ng cap at parang isang delivery girl. Walang kaide-ideya ang tatlo sa biglaang pagsabat nito sa usapan nilang tatlo. Mukhang naging busy ata sila sa pag-uusap kaya hindi nila napansin na nakikinig na pala ito sa kanilang pag-uusap tungkol sa Agartha.
Hindi agad sila nakasagot.
"Sumama kayo sa akin." Aya ng dalagang may suot na cap. Nagkatinginan ang tatlo nang magsimulang lumakad palayo ang dalaga.
"Sasama ba tayo?" Atat na tanong ni Regine sa dalawang nakatulala na.
"Let's give it a try." Aya na lamang ni Alcoriza saka tumayo na mula sa pagkakaupo. Tumayo na rin si Emm matapos maubos ang natitirang laman ng baso niya.
***
"Sigurado ka ba dito?" Panay ang bulong ni Emm sa tahimik na si Alcoriza habang nakasunod lamang sa tahimik rin na dalaga. Si Regine naman palinga linga lang na parang may hinahanap.
"Baka may alam ang isang to. Tumahimik ka na lang." Bulong nito pabalik kaya walang nagawa ang binata kundi tahimik rin na sumunod sa tatlo.
Tumigil sila sa tapat ng bahay ni
Mr. Leopard kaya mas lalo silang nagtaka. Ano namang gagawin nila rito? Andito ba sa loob ng bahay ng matanda ang lagusan patungong Agartha?"No way. Hindi ako papasok diyan." Saad ni Regine sabay atras ng konti palayo sa bahay ni Mr. Leopard.
"Ako rin. Isang beses nya akong hinabol ng baston nya dahil sa nawawala nyang pustiso." Natatakot na wika ng binatang si Emm at agad tumalikod. Naloko na, hinding hindi talaga malilimutan ni Emm ang pangyayaring iyon dahil muntik na siyang ma-trauma sa sobrang takot. At ngayong nagpaplano silang pumuslit sa loob ng bahay nito, hindi niya kayang hawakan ni doorknob pa lang. Nanginginig na ito sa sobrang kaba. Trauma is real nga daw kasi.
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...