Chapter 19- War Between The Two Empire

305 24 0
                                    

***

"Magandang gabi sa mga minamahal kong mamamayan ng Agartha!" Masiglang bati ng hari at itinaas ang kupita na naglalaman ng alak bilang tanda ng panimula ng pagdiriwang ngayong gabi. Sa itaas ng kalangitan ay nagpakawala ng ilang fireworks na syang naging dahilan upang mas maging makulay ang paligid. Manghang-mangha ang lahat sa nasasaksihan.

"Bilang tanda ng aking pagpupuri at pasasalamat sa aking matatapat at magigiting na mandirigma, na laging handa at ipagtatanggol tayo at ang buong palasyo laban sa kasamaan. Hayaan ninyong ipakilala ko sa inyo ang tatlong babae sa likod ng kapayapaang natatamasa ng ating palasyo. Ang aking Three Muskeeters, para sa inyo ang gabing ito." Napuno ang paligid ng masigabong palakpakan habang hinihintay ng lahat na lumabas sina Neva, JhunaMae at Hershey.

Ngunit ni isa sa tatlong Musketeers ay walang lumabas. Nagtatakang napabulong ang hari sa kanyang asawa na si Menaka.

"Nasaan na ang tatlong iyon? Matagal pa ba ang ginagawang preparasyon nila? Naghihintay na ang lahat." Tila inip na inip ang hari at pasimpleng sumulyap sa terrace na ngayon ay wala nang tao.

"Wag kang masyadong magmadali Goli. Marahil ay kinakabahan lamang sila kaya natagalan sa loob. Ipapasundo ko na ngayon din." Ani ni Menaka at dali-daling lumapit sa isang kawal. Napabuntong hininga naman si Goli.

Nagkaroon na ng ilang bulong-bulungan lalo na nang bumalik si Reyna Menaka na di maipinta ang mukha at waring nababalisa sa nalaman.

"Nasaan na sila?" Bungad ng hari. Napatingin muna ang reyna sa mga taong naghihintay para sa tatlong dalagang mandirigma bago sumagot.

"N-nawawala ang Musketeers."

"Ano?!"

"Mahal na hari may problema tayo! Nasa dakong kanluran na ang hukbo ng Paurav! Ilang oras na lamang at sasalakayin na nila ang palasyo!" Sigaw ng natatarantang si Archdave kaya nabaling rito ang atensyon ng lahat.

***

Kapwa binilisan ng tatlong Muskeeters ang pagpapatakbo sa kanilang mga kabayo sa malulubak na daan. Nasa kalagitnaan pa lang sila ng kapatagan ay tumigil si Neva.

"C'mon, we need to hurry!" Nagmamadaling giit ni JhunaMae sa mga kasama.

"M-masama ang kutob ko. Tingnan nyo iyon." Kinakabahang itinuro ni Neva ang makapal at maitim na usok na nagmumula sa Emperyo ng  Paurav. Nakakarinig na rin sila ng mga huni ng hayop hudyat na may masama nang mangyayari. Sa dakong silangan naman ay nakikita na nila ang paglitaw ng asul na bulan. Tiyak na kanina pa nagsimula ang pagdiriwang at wala silang tatlo roon.

Ngunit sa kabila ng asul na buwan ay makikita ang mas lumalawak na itim na usok na ngayo'y pumapalibot na sa palasyo ng Agartha. Isang pangitain na talagang di nila gusto.

"Unti-unti nang kumikilos ang mga Pauravian. Mapapahamak ang Agartha pag nagkataon. Anong gagawin natin?" Nalilito na si JhunaMae kung ano ang gagawin.

Ang ilayo sina Alcoriza sa tiyak na kapahamakan o ang ipagtanggol muna ang kaharian ng Agartha bago ang lahat.

"We have no choice. Kelangang may magpatuloy at kailangang may bumalik." Nagkatinginan ang tatlo at nag-usap usap gamit ang mga mata nila.

"Go back. Ako na ang bahalang magpatuloy." Determinadong sambit ni Hershey.

"Pero nangako tayo." Giit ni Neva kaya napangiti naman si Hershey.

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon