***
Umalingawngaw ang sunod sunod na hiyawan ng tagumpay nang magawang makabalik ng hari sa dating anyo niya. Lahat nag-iingay at nagbubunyi. Walang pagsidlan ang tuwa ng mga Agarthian.
Nakabalik na sa dati ang lahat. Yung tipong tahimik na parang isang tunay na paraiso.
"Magalak ang lahat! Ang hari ay muling nagbabalik! Magpasalamat sa tatlong magigiting na mandirigma! Ang tatlong Muskeeters!" Tumunog ang trumpet at gong. Napuno na naman ang buong dome ng sigawan.
"At syempre sa matapang na binata na si Archdave at ang mga kabataang taga-ibabaw!" Nagpakawala ng mga fireworks sa kalangitan. Napangiti sina Regine, Roselle, Alcoriza at Emm habang pinagmamasdan ang makulay na kalangitan.
Dumagundong ang isang tugtog at mga pukpok ng tambol. Sa iang iglap, napuno na ng musika at masasayang awitin ang paligid.
"SIMULAN NA ANG KASIYAHAN!"
Sa kalagitnaan ng pagsasaya nina Emm, Alcoriza at Regine ay nilapitan sila nina JhunaMae kaya agad silang napatayo mula sa kinauupuan.
"Pinatatawag kayo ng hari." Nagkatinginan muna ang tatlo bago sumunod sa tatlong Musketeers.
Tahimik nilang dinaluhan ang hari sa mahabang mesa na napupuno ng iba't ibang uri ng pagkain. Walang kaide-ideya ang tatlo sa biglaang pagtawag nito sa kanila. Baka naman hudyat na ito sa pagpapataw ng parusa sa kanila?
Nakatungo lamang sila habang hinihintay na magsalita ang hari."Marahil nagtataka kayo kung bakit pinatawag ko kayo pinatawag ngayon. Ito ay sa kadahilanang nais kong hingin ang oras na ito upang pormal na makapagpasalamat sa inyo, mga mahal kong taga-ibabaw. Dahil sa tulong ninyo muling naibalik ang katahimikan rito sa amin at tuluyang nabuwag ang imperyo ng kalaban." Ngumiti ang hari sa tatlo kaya't napangiti rin ang mga ito.
"At bilang pasasalamat, nais kong ibigay sa inyo ang mga munting regalo. Regalong hindi ninyo malilimutan sa pag-alis ninyo rito. JhunaMae? Pakiabot ng kahon." Utos ni Goli sa dalaga. Agad namang iniabot ni JhunaMae ang di kalakihang kahon sa hari. Paunti-unti niyang binuksan at tumambad ang mga laman nito.
Mga di pangkaraniwang uri ng makikinang na bato ang laman ng kahon. Kumikinang pa ang mga ito sa sinag ng araw kung itatapat. Napangiti ang tatlo nang makita at mahawakan ang nagkikislapang bato.
"Mahal na hari kami po ang dapat magpasalamat. Dahil pinaunlakan mo kaming manatili rito sa iyong kaharian. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan." Pasasalamat ni Alcoriza at napatango naman ang kanyang mga kasama.
"Akala namin noon, ang mga taong mula sa ibabaw pa ang magiging dahilan sa pagkasira ng aming munting paraiso. Ngunit nagbago iyon mula nang mapadpad rito si Hershey." Binalingan ng tingin ni haring Goli ang nakayukong si Hershey.
"Salamat sa kanya at binago niya ang paniniwala ng Agarthian. Na ang mga taong mula sa ibabaw ay di mapanganib at pinatunayan ninyo iyon." Dagdag pa nito.
"Kung hindi ninyo mamasamain nais kong magpahanda ng isang piging para lamang sa inyong tatlo bukas na umaga. Payag ba kayo?" Alok ni Reyna Menaka na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila. Agad namang natahimik ang tatlo sa narinig.
"Magandang ideya po iyan mahal na reyna. Ngunit kailangan na naming..." Pinutol agad ni Alcoriza ang sasabihin dahil alam na nila ang kasunod nito. Napatango naman ang reyna.
"Naiintindihan ko. Kailan ninyo balak bumalik sa ibabaw?" Untag ng reyna at tiningnan ang tatlong kabataan na sina Regine, Emm at Alcoriza. Napabuntong-hininga muna si Alcoriza bago sumagot.
"Bukas na po."
"Huwag kayong mag-alala. Ipahahatid ko kayo sa pusod ng gubat bukas din ng umaga kung iyan ang inyong nais." Walang paligoy-ligoy ay ito ang naging desisyon ng hari. Napangiti sila dahil sa naging tugon ni haring Goli.
Ito na marahil ang pinakamasayang araw at panahon na pinagsaluhan ng lahat ng tao sa Agartha kasama ang lahat ng mga Agarthian na hindi nila akalaing makakasama nila kahit sa loob lamang ng maikling panahon.
***
Tahimik na nagmasid-masid si Alcoriza habang tinatahak nila ang batuhang daan papasok sa gubat. Walang umiimik sa kanila at nakasakay lamang sa karitelang pinapatakbo ni Hershey. Ang tanging maririnig lamang sa paligid ay ang mahihinang huni ng mga ibon at ang paminsan-minsang pagtama ng gulong ng karitela sa bato-batong daanan.Ngayon ang araw na dapat na silang bumalik sa ibabaw. Gustuhin man nilang manatili sa Agartha ay hindi pwede. May sarili silang mundo. At doon sila nababagay. Isa pa, malamang ay kung mananatili pa sila rito sa ilalim ng ilang araw, magdududa na ang mga magulang nila sa biglaan nilang pagkawala. Ayaw nilang mangyari iyon.
"Talaga bang hindi ka sasama samin pabalik?" Bakas sa mukha ni Alcoriza ang panghihinayang. Inayos muna ni Hershey ang suot niyang salakot nang makalapag sila mula sa karitela.
"Ito na ang mundo ko Alcoriza. Mundo namin. Hindi ko na kayang iwanan sila. Napamahal na ako rito. Narito na ang buhay ko..." Ngumiti si Hershey ng may halong lungkot. "Dito sa Agartha." dagdag niya at tinitigan ang apat.
"Pero may pamilya ka sa ibabaw. Hindi mo ba naisip na baka hinahanap ka na nila? I mean, hinahanap ka nila panigurado yun. Hershey, nangungulila na sila sayo." Giit ni Regine pero umiling iling lang ang dalaga. Hindi na talaga mababago pa ang desisyon nito kahit na anumang mangyari.
"Alam kong matatanggap rin nilang wala na ako." Bumuntong hininga si Hershey saka iniangat ang tingin upang pagmasdan ang kalawakan ng gubat.
"Mas mabuti nang ganto. Kaysa bigla na lang akong sumulpot sa ibabaw. Mas gugulo lang ang lahat. Maraming magtatanong kung saan ako napunta, anong nangyari, saan nga ba ako napadpad?" Huminto ang dalaga sa pagsasalita at ngumiti ng tipid.
"And I'm sure hindi na nila ako naaalala pa. It's been three years. Three years of being wanted is quite too long and sure, madali na lang nila akong nakalimutan." Natahimik ang mga kausap dahil sa sinabi ni Hershey. Nakakalungkot man, rerespituhin na lamang nila ang desisyon ng dalaga.
"Nga pala. Huwag ka nang manghinayang sa nawala mong camera. Eto na lang ang dalhin mo." Nakangiting iniabot ni Hershey kay Alcoriza ang isang scroll.
Isang diary na nakasulat sa makakapal at mahahabang scroll gamit ang tinta o dagta ng halaman. Hindi maiwasang mamangha ni Alcoriza.
"P-pero..." Tutol niya pero sapilitan itong inabot ng dalaga.
"Sana makatulong iyan. Andyan lahat ng mga bagay na nais mong malaman patungkol sa Agartha." Lumawak ang ngisi nina Emm at Regine. Walang ibang nagawa si Alcoriza kundi tanggapin ang scroll na ibinigay ni Hershey.
"Salamat. Pero sa tingin ko dapat ibigay ko rin to sayo." Inilahad ni Alcoriza ang maliit at lumang kwaderno.
Natigilan ang dalaga sa isang kwaderno na nakitang hawak ni Alcoriza. Ito ang lumang diary ni Hershey nung nasa ibabaw pa ito.
"Hindi ko alam na may makakabasa pala nito. Mukhang ito ang dahilan kung bakit minsan ay di ako mapakali at nais bumalik sa ibabaw upang kunin ang diary ko. Salamat rito." Kinuha ito ni Hershey ang lumang notebook at agad nagpasalamat.
Mayamaya ay lumitaw na ang isang bilog na liwanag. Lumakas ang ihip ng hangin na tipong tatangayin na sila papasok.
"Mag-ingat kayo. Balitaan mo na lang ako sa mga kaganapang nangyayari roon sa ibabaw. Hanggang sa muli. Paalam." Matapos mag-paalam ay nagngitian sila sa isa't isa.
"Bye Hershey." Sa huling sulyap nina Alcoriza sa Agartha ay agad na silang hinigop papasok ng lagusan.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...