***
"Aaaahhccckk!!!"
Bumgsak ang hingal na hingal na si Hershey. Umalingawngaw pa ang tunog ng espada niya nang tumilapon ito di kalayuan sa kanya.
"Hahaha!! You lose over my arnis!" Nakangising sambit ni Neva at nilaro laro pa ang hawak na sandata habang ang kanang kamay ay nakalahad para tulungang tumayo si Hershey.
"Tsss. Sinuwerte ka lang." Saad ni Hershey sa sarkastikong tono. Tinanggap na lamang niya ang palad ng dalaga para tumayo.
"Whatever." Umirap si Neva pero pabiro lamang ito.
Mayamaya ay napansin naman nila ang sunod sunod na paglipad ng mga matatalim na pana mula sa dalagang si JhunaMae na nakatayo sa manipis na platform. Pilit na binabalanse ang sarili.
Dumaan ang isang napakalaking Agila at di kaginsa ginsa'y sumapol ang isang pana rito. Kumisay kisay ito habang bumabagsak. Napanganga na lamang ang dalawa sa nakita.
"Ooopss sorry. My fault." Nanlulumong sambit ni JhunaMae at tiningnan na lang ang Agila. Umiling iling si Neva at napangiwi naman si Hershey dahil sa nangyari.
Pagkatapos ng pagsasanay, saka lamang napagtanto ni Hershey na kanina pa niya di nakikita si Alcoriza.
"Nakita nyo ba ang mga taga-ibabaw? Kanina ko pa sila di nakikita." Luminga linga si Neva para hanapin ang mga ito pero wala.
"Ohh shit." Nasapo ni Hershey ang noo nang maalalang ngayong araw pala nakatakdang hahanapin ang kapatid ni Alcoriza.
***
"Rishi, ganito ba talaga dito sa mundo nyo? Ang ganda. Isang paraiso." May pagkamangha sa tinig ni Regine habang nakatanaw sa bintana na kung saan kitang kita niya ang puno, halaman at ugat na tila may buhay. Parang sinabuyan pa ito ng mga glitters dahil kumikinang pa ang mga dahon habang sumasayaw sa ihip ng hangin.
Walang ganito sa daigdig nila sa totoo lamang. Ang tanging matatagpuan roon ay mga normal na puno, bundok, mga bukas na establishments 24/7, mga condo, village at samu't saring usok na nalalanghap nila mula sa usok ng sasakyan. Ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito kagandang paraiso sa buong buhay niya.
"Let's talk about magic...." May ngiti sa labing sambit ulit ng dalaga at patuloy na hinimas ang alagang pusa ni Hershey.
Eeeeekkk!!
Blag!Agad napatayo si Regine nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang humahangos na si Hershey bitbit ang espada nito.
"Asan si Alcoriza??!!!" Nagulat ang dalaga sa biglaang pagsigaw nito.
"A...ano ehh..ahm, m-mamamasyal daw?" Nag-aalinlalangan nyang sagot kahit ang totoo'y di nya alam kung iyon ba ang eksaktong sinabi ng kaibigan.
Magsasalita pa sana si Regine nang magtatakbo na palabas ng kwarto si Hershey na parang kinakabahan.
***
Bitbit ang bagpack at nakasuot ng salakot ay mag-isang tinatahak ni Alcoriza ang mabatong daan palayo sa sibilisasyon ng Agartha. Saglit na napatigil ang dalaga sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid.
Wala na syang makitang puno kundi mga nagtataasang bato na lamang. Tinamaan sya ng matinding pagkabahala at kaba.
"Dito ba talaga napadpad si Roselle?" Nasapo nya ang pawisang noo. Nakarinig sya ng mahinang halinghing ng kabayo di kalayuan sa kanya. Kasunod nito ay ang mga yabag na parang hinahatak na karitela. Agad syang nagtago sa nakausling bato.
Kung tama ang hinala nya ay isang karitela ang paparating na kargado ng mga bungkos ng dayami. Pinapatakbo ito ng isang matandang lalaki na nakasuot rin ng salakot habang nakayuko.
"May sibilisasyon rin ba dito?" Tanong nya sa sarili at pilit hinahabaan ang leeg para mas makita kung saan ito patungo.
Nakita nya na pababa ito ng kapatagan. Di na nagdalawang isip ang dalaga at humabol sa hulihan ng karitela. Sumakay siya kasama ng mga dayami na karga nito.
***
"Mahal na hari mag-isang tinahak ng dalagang taga-ibabaw ang daan patungo sa Paurav. Mapapahamak siya roon!!" Pagbabalita ni Hershey at di mapakali habang nakamasid lamang sa kanya ang hari at reyna.
Ilang saglit na nabalot ng katahimikan ang kwarto ng hari.
"Magpapadala ako ng ilang kawal para sundan siya. Paniguradong hindi pa iyon nakalalayo." Kalmadong sagot ni Goli.
"Haring Goli, hindi kawal ang dapat ipadala. Sa halip ay igawad nyo sakin ang basbas na ako mismo ang hahanap sa kanya." Nagulat sina Neva at JhunaMae sa tinuran ng dalaga pero ni hindi nila magawang tumutol dahil maging sila iyon rin ang nais hilingin sa hari.
"Ipagpatawad mo ngunit hindi ko maibibigay ang kahilingan mo Hershey. Masyadong delikado ang nais mong pagtungo sa emperyo ng Paurav. Hindi, hindi maaari." Umiling-iling ang hari kaya napatingin naman rito si Hershey na parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Pero mahal na hari----"
"Ang utos ay utos. Dapat na igalang Hershey." Sabat naman ng reyna na mukhang sumasang-ayon sa desisyon ng asawa. Alinlangang napatingin si Hershey sa mga kasamahan. Kitang kita niya ang mga reaksyon nito na parang umaayon rin sa utos ng hari.
Walang nagawa ang dalaga kundi yumuko na lamang bilang paggalang saka tumalikod na bitbit ang espada.
***
Inilabas ni Alcoriza ang dalang notepad at bolpen saka nagsulat mula roon. Kasalukuyan parin siyang nakasakay sa hulihan ng karitela. Binabaybay ang matatarik na daan pababa ng kapatagan.
Dahil sa likas na mabato ang dinaraanan, halos mauntog siya sa likod nito. Nasisiguro niyang may mga bukol na siya sa ulo."Ouch." Bulong niya nang sumilip siya sa pinag-tataguang dayami. Nanlaki ang mata nya sa nakita dahil nasa kapatagan na sila.
Isa na namang sibilisasyon ang nakikita nya. Tulad ng dati, ganun din ang itsura ng mga village. May mga wagon din at sobrang daming tao sa kalsada. Di magkamayaw ang ingay sa paligid.
"Ano na namang lugar to?" Nalilitong sambit niya at pasimpleng bumaba sa karitelang sinakyan nya.
Naglakad lakad pa sya at nagpalingon lingon pa na parang may hinahanap.
"Hindi ko alam na napakalaki pala ng Agartha." Di maiwasang bumulong ng dalaga at inilabas ang maliit na camera para kumuha ulit ng litrato. Nagkakagulo pa rin sa gitna ng kalsada dahil sa mga tindero kaya di inaasahan ay nabitawan nya ang camera nang may bumangga sa kanya.
Sa lakas ng impact, napayuko sya para hanapin ang tumilapon na camera. Nang makita ay mabilis pa sa alas cuatro na isinilid nya ito sa bulsa para di na makita pa ng nakabangga nya. Hindi naman ito nakaligtas sa mabibilis na tingin ng babaeng nakabangga nya.
"S-sorry po." Mahinang sambit ni Alcoriza sa babaeng kaharap nya atsaka pilit na tinakpan ang mukha gamit ang suot na salakot.
"Sa susunod, mag-ingat ka sa mga makakabangga mo." Kalmado ang boses ng babae pero nagbabanta ito. Tinamaan sya ng matinding takot nang mapansin ang itim na awra nito.
"O-opo." Nasabi na lamang niya.
Tuluyang naglakad palayo ang babae na parang hinahawi ang mga tao sa daraanan niya. Sinundan ng tingin ni Alcoriza ang dalaga.
Nakasuot ito ng itim na boots. Itim na warrior suit at may dalang abaniko. Kulay pula ang buhok nito.
Naguguluhang nilabas ni Alcoriza ang camera at kumuha pa ng ilang litrato pagkatapos ay dali-daling sinundan ang babaeng may pulang buhok.***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...