Chapter 10- The Truth will reveal

512 38 1
                                    

***

"Teka, sandali! Ikaw si Hershey Dazzlin diba? Hindi ka taga-rito.Isa kang---"

Tumigil si Alcoriza sa pagsunod sa babaeng may salakot nang tumigil rin ito sa paglalakad. Humarap ito sa kanya at tumingin nang masama.

"Anong sinasabi mo? Utang na loob, umalis na kayo rito." Tahasang sabi ni Hershey. "Hindi ko kilala kung sino ang Hershey na tinutukoy mo. Baka nagkataon lamang na pareho kami ng pangalan."

"Sigurado ako. Sigurado akong ikaw iyon. Kung aalis kami, sumama ka na samin. Hinahanap ka na nila. May mga naghihintay sa iyo sa ibabaw." Nag-aalalang sambit ni Alcoriza pero umiwas lang ng tingin ang dalaga at napahigpit ang hawak sa dala nyang espada. Luminga-linga muna si Hershey sa paligid bago siya sumagot.

"Wag tayo dito mag-usap." Tinitigan ni Hershey si Alcoriza kaya napatango na lang ito.

**

"Wow."

Manghang mangha na bulalas ni Regine nang mabanaagan niya ang kabuuan ng Agartha. Mula sa tuktok ng palasyo ay kitang kita niya ang nasasakupan ng Agartha. Natatakpan ng kaunting ulap ang ilang village na nakatayo sa ibabang bahagi ng palasyo. Sa palibot nito'y mga nagtataasang bundok at kakahuyan.

"Ito ang Agartha." Muling sambit ni Neva at sumandal sa pader malapit sa terrace na kinaroroonan nila.

"Sa mundo niyo, ganito rin ba ang itsura?" Napakamot sa ulo si Maye na parang gustong malaman kung ano ang itsura ng daigdig nina Regine.

Tiningnan muna ng dalaga ang malawak na paligid. Kung sa ibabaw na daigdig nila ay puno ng matatayog na gusali at mga sasakyan, dito naman ay napupuno ng mga berdeng kakahuyan at kabundukan.

Halinghing ng kabayo at huni ng mga ibon ang maririnig. Iyon nga lang, ang laki ng mga puno at hayop ay di pangkaraniwan. Mas doble pa ito sa normal na laki nito.

Muntik nang mapasigaw si Regine nang dumaan sa harapan nila ang isang napakalaking uwak. Nang makarecover sa pagkagulat ay nagsalita siya.

"Moderno ang itsura ng daigdig namin sa ibabaw. Pero I admit, mas high tech at maganda rito sa inyo." Walang kagatol gatol na puri ni Regine saka sumilip sa napakatarik na bangin sa tapat ng terrace na kinaroroonan nila.

"M-maiba ako. May naalala ba kayong tatlong kabataan na napunta rito?" Dagdag pa ng dalaga dahilan para magkatinginan sina Neva at Maye.

Kumalat ang awkward atmosphere sa paligid hanggang sa sinagot na nila ang tanong ni Regine.

"Pasensya na. Wala kaming ideya sa sinasabi mo." Pag-iiba ni Maye ng usapan. Magtatanong pa sana si Regine nang mag-aya na si Neva na bumaba.

**

Dali-daling binuksan ni Hershey ang malaking kwarto at pumasok roon Naguguluhang sumunod si Alcoriza sa dalaga. Hinawi ni Hershey ang makapal na kurtinang tumatakip sa malaking bintana. Ibinaba niya ang dalang espada at umupo na.

"Ang cool ng kwarto mo." Sambit ni Alcoriza habang sinisipat ang kabuuan ng kwarto ni Hershey.

Isang malawak na kama at sa gilid nito'y may study table. Sa wall ng kwarto ay may nakadikit na isang litrato. Luma man ay naaninag niya ang larawan ng dalawang babae na magkaakbay. Lumapit si Alcoriza rito upang mas maaninaw ang nasa larawan.

Nasisiguro niyang sina Nieca at Hershey ang mga ito. Sa kabilang pader naman ng kwarto ay tadtad ng mga iba't ibang uri ng espada. May iba-ibang disenyo at laki ang mga ito. Kung hindi lang nya kilala si Hershey, baka kanina pa sya kinutuban na isa itong mamamatay-tao.

Napalunok na lamang si Alcoriza dahil sa mga iniisip niya.

"Hell yeah." Sambit ni Hershey at nagsimulang magsulat sa isang scroll gamit ang pluma na isinasawsaw pa sa botelya ng ink. Napangiwi si Alcoriza habang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalaga. Napakaluma na talaga ng nakasanayan nyang paraan ng pagsusulat.

"Err. Excuse me. May ballpen ako rito. Baka gusto mong--"

"No need. Mas komportable ako dito." Ani ng dalaga at nagpatuloy sa pagsusulat. Siguradong diary pa rin ang sinusulat niya.

"Mukhang nasanay ka na rito sa Agartha." Puna ni Alcoriza at umupo sa malambot na kama ni Hershey. Hindi natinag sa pagsusulat ang dalaga kaya nagsalita ulit siya kahit awkward man.

"May naaalala ka pa ba mula sa daigdig sa ibabaw?"

Napatigil sa pagsulat si Hershey at nilingon siya. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.

"Ang pangalan ko ay Hershey Dazzlin at nasaksihan ko ang kapoot poot na problema ng daigdig sa ibabaw. Ngunit hindi na ngayon. Ibang Hershey na ang nananalaytay sa katawang ito. Hindi na siya mahina tulad ng dati. Ang Hershey na tinutukoy mo ay matagal nang wala." Litanya ni Hershey habang nakatitig kay Alcoriza. Bakas sa mata nito ang matinding emosyon. Di nya malaman kung anong ibig nitong ipahiwatig.


"Wohoooo!"

Napalingon sila pareho sa pinanggalingan ng mga boses. Agad hinawi ni Hershey ang kurtina at sumilip sa labas. Napanganga naman si Alcoriza nang makita ang isang napakalaking dragon.

Sakay noon si Emm na parang lupaypay habang nasa likod ng dragon. Isa pang dragon ang nagpasirko sirko sa himpapawid at nakasakay naman roon si Archdave. Halatang tuwang tuwa pa ito habang bumubulusok sa ere.

"Hooo!! Ansaya!" Sigaw pa ni Archdave at ngumisi pa sa dalawang babae. Umismid si Hershey at itinaas ang kilay niya.

"Quit it Archdave. Ibaba mo na si Emm." Humagalpak lang ng tawa ang binata at pinaliko ang alagang dragon sa ibang direksyon. Patuloy pa rin sa pagsigaw si Shem na parang malalagutan na ng hininga.

Umiling iling si Hershey at isinuot ulit ang salakot niya. Walang ano-ano'y hinila niya si Alcoriza palabas ng kwarto.

**

"Hiyaaa! Argh! Hiyaaaa!" Pulos sigawan at tunog ng sandata nina Neva at Maye ang maririnig nang makapasok sina Alcoriza sa isang maluwag na kwarto.

Walang kahit na anong laman ang silid maliban sa iba't ibang uri ng sandata sa bandang sulok nito. Sa sobrang lawak at kapal ng pader ay nag-e-echo ang mga boses nila. Ang daming gustong itanong ng dalaga kay Hershey pero nanatili siyang tahimik at mapagmasid na lamang. Baka sabihin lang nito ay masayado na siyang mapanghimasok. Ang totoo naman ay gusto lang niyang malaman ang lahat.

"Eto ang nagsisilbing ground naming mga Muskeeters." Pambungad na wika ni Hershey. Tumango tango na lamang ang dalaga kahit kating kati na siyang alamin kung bakit at paano napabilang si Hershey sa mga Muskeeters na ito.

Nanlaki ang mata ni Alcoriza nang makita niya kung paano binitawan ni Maye ang pana na sumapol sa target niya.

Kung tutuusin ay napakalayo pa nito mula sa kanila. Kasunod nito ay ang paglipad ng dalawang arnis ni Neva sa ere. Nang maisangga ni Hershey ang espada niya ay nasalo ito pabalik ni Neva.

Di nila mapigilang mapatawa. Lalo namang naastigan si Alcoriza sa tatlo.

"You really, are one of us." Puri ni Neva kay Hershey saka ngumisi.

"Thanks." Ngumisi rin si Hershey at ibinaling ang tingin kay Alcoriza.

"Sasabihin na ba natin?" Dagdag pa nito.

"She deserves to know." Nagsitanguan ang tatlo kaya mas nalito si Alcoriza


Ano ang ibig nitong sabihin? Bakit mukhang may kailangan siyang malaman mula sa mga Musketeers na ito?




***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon