Chapter 9- The Three Muskeeters

544 44 0
                                    


Tumunog ang pagsara ng bakal na rehas at iniwan sa loob nito sina Emm, Alcoriza at Regine na paikot-ikot sa apat na sulok ng malawak na kwarto. Hindi mapakali ang tatlo at halatang hindi na rin alam ang gagawin para matakasan ang mga bumihag sa kanila.

"Hindi ko na kaya. Baka mayamaya lang ipalapa na tayo ng hari na iyon sa mga alaga niyang mababangis na leon. O di kaya iharap niya tayo sa parusang garote!!" Di mapakaling saad ni Emm at pilit na inilulusot ang ulo sa rehas.

"Oh my God. Ayoko pang mamatay." Napaupo si Regine sa sulok ng kwarto.

Huminga naman ng malalim ang dalagang si Alcoriza at iginala ang paningin sa sobrang lawak ng kwartong kinaroroonan nila pero walang kahit na anong gamit. Gawa sa bato ang mga pader at bakal naman ang pintuan. Napakataas ng bintana nito pero sobrang liit na halos konting sinag lang ng araw ang nakikita niya. Madilim rin sa loob kaya mas lalong hindi makapag-isip ng maayos ang dalaga kung paano sila makakalabas.

Bumuga siya ng hangin at biglang nagsalita.

"Kailangan na nating makaalis rito at mahanap agad si Roselle."

***

Lalakad na  rin sana palayo ang dalagang may suot na salakot nang tawagin siya pabalik ng hari.

"Hershey!!"

Agad siyang napalingon at hinugot ang espada saka yumuko bilang tanda ng paggalang rito.

"Mahal na hari."

"Saan mo natagpuan ang mga kabataang iyon?" Usisa ng hari sa dalaga na di pa rin tumitingin sa kanya.

"Sa pusod ng gubat kung saan naroroon ang lagusan. Mahal na hari isang kahilingan lang, pakawalan niyo na sila. Hindi sila maaaring manatili rito." Kahit walang emosyon ay halata pa rin ang pag-aalala sa tinig niya ang kanyang pag-aalala sa tinig nito. Naalala lamang niya ang kanyang mga pinagdaanan bago siya humantong sa lebel na kinatatayuan niya ngayon.

"Baka mapahamak pa sila sa darating na digmaan." Babala ni Arhdave na kanina pa pala nakikinig. Parehas napatingin sa kanya ang hari at si Hershey. Kalmado naman siyang nakasandal sa isa sa mga malalaki at matataas na haligi ng kwarto habang nilalaro sa kanang kamay ang isang punyal.

"Kung iyan ang inyong nais." Tumango tango ang hari sabay tingin kina Archdave at Hershey. Saglit pa ay tinawag na ng reyna ang isang kawal at nagbigay na ito ng utos.

"Maraming salamat po." Ngumiti ng tipid si Hershey at agad na isinuksok pabalik ang espada niya.

***

"Dalian mo naman Shem!"

Nanggagalaiting bulong ni Regine sa binatang pilit pinipihit ang lock ng pintuan. Patuloy naman niyang kinakalampag ang rehas dahil gustong gusto nang makalabas.

"Saglit saglit! May paparating!" Alerto ni Alcoriza sa dalawang kasama kaya dali-dali silang bumalik sa pagkakaupo sa sulok na parang walang nangyari.

Nakarinig sila ng yabag na papalapit at mayamaya'y kumalansing ang bakal. Napatayo agad si Alcoriza.

"Lumabas na kayo diyan. Ipinawalang sala na kayo ng hari." Pagkabukas ng pintuan ay pasipol sipol nang naglakad palayo ang kawal. Nagkatinginan muna sila at pilit inintindi ang sinabi ng kawala bago patakbong sumunod ang tatlo rito.

***

"Oh shit. Akala ko bibitayin na tayo eh. Ahuhuhu." Pagdadrama ni Regine sabay yakap sa sarili habang naglalakad kasama ang dalawang kaibigan.

"Sssshhh..." Sita ni Alcoriza nang mapadpad sila sa malaking dining room ng palasyo.

Napakalawak ng kwarto at sa gitna nito ay ang malapad at mahabang mesa na pinapalibutan ng mga upuan. Sa tapat nito ay ang mala-gintong chandelier. Higit na nakakuha ng atensyon ni Alcoriza ay ang Hari at Reyna na nakatingin sa kanila.

Nakaupo na ang mga ito sa harap ng malawak na mesa kasama ang dalagang may suot na salakot at si Archdave na nakangisi pa rin. Halos mamutla ang tatlo at naiisipan nang tumakbo.

"H-hindi kaya gagawin na nila tayong hapunan?" Kinakabahang sambit ni Shem at napalunok na lamang. Mayamaya'y pumalakpak ang reyna sabay tingin sa kanilang tatlo.

"Humanda na ang lahat para sa hapunan!" Biglang tumunog ang maliit na kampana at nagsilabasan ang higit sa dalawampung maids na may hawak hawak na iba't ibang putahe.

Walang nagawa ang tatlo kundi mapaupo na rin sa harap ng mesa kahit di nila alam ang mga nangyayari. Tila nagsisirko ang mata ni Regine sa dami ng mga katulong na pumapalibot sa kanila dala ang mga pagkain. Unti-unti ring nagsialisan ang mga ito matapos maihain ang panghuling putahe-ang isang buong usa na ngayon ay roasted deer na.

Nabalot ng katahimikan ang hapag-kainan. Walang umiimik maliban na lang sa isang ligaw na bubuyog na lumikha ng ingay. Dumapo pa ito sa dulo ng ilong ng reyna. Halos manduling-duling ang babae sa pagtingin sa bubuyog.

Sa isang iglap ay biglang may lumipad na pana at sumapol mismo sa napakalaking bubuyog na nakadapo pa rin. Napatingin sila sa pinanggalingan nito.

"Kumusta! Pasensya na at nahuli kami!"

Masiglang bati ng isang babae na kulay pula ang buhok at may bitbit na Arnis sa likod. Kasunod nito ay ang wala ring emosyon na babae. Kulay blond naman ang buhok nito at may dalang pana. Pawang magkakapareho ang suot nila na gaya rin ng dalagang may hawak na espada.

Mistulang mga mandirigma din ang dalawa. Naka-boots rin na may talim sa gilid, may bitbit na armas at higit sa lahat, may mga salakot rin silang suot.

Napanganga na lamang si Alcoriza sa sobrang pagkamangha.

"Umupo na kayo girls, pa-VIP pa kasi." Umiling iling si Archdave habang umuupo ang dalawa sa tabi ng dalagang may suot rin na salakot. Nang magkakatabi na ang tatlo ay di maiwasang magsalita ni Regine.

"Whoa. You three looks awesome...and cool." Nangingislap ang mata niya.

"We know. We are the Three Muskeeters. The latest version of them."  Pagpapaliwanag ng babaeng may pulang buhok sabay ngisi at taas ng kilay. Dahil sa narinig ay mas lalong nangislap ang mga mata ni Regine. Hindi na niya malaman kung anong dapat niyang maging reaksyon. C'mon, sino bang hindi mamamangha gayong kaharap nila ang tatlong mandirigmang babae, na musketeers pa kung tawagin.

"Hindi kayo taga-rito, ano?" Usisa pa ni blondy girl at inayos ang dala nyang pana. Napatango naman silang tatlo at umiwas ng tingin.

"Para sa kaalaman ng mga taga-ibabaw, sila ang tatlo kong mahuhusay na mandirigma. Ang Three Muskeeters ng Agartha." Pagpapakilala ng hari sa tatlong dalaga. Agad tumayo ang babaeng kulay pula ang buhok at nagpakilala.

"Ako si Neva." Todo ngiti nitong sambit at yumuko bilang paggalang sa mga kabataang ngayon lang niya nakilala.

"Ang pangalan ko ay Maye." Walang emosyong sambit ng dalagang blonde ang buhok.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsalita na rin ang babaeng may hawak na espada. Inayos muna niya ang suot na salakot at iginala ang paningin sa mga kaharap niya sa hapagkainan. Mukhang nag-aalinlangan pa ito bago umimik.


"I'm...Hershey." 

Napanganga si Alcoriza matapos marinig ang pangalan nito. Pinilit niyang i-sink in sa utak ang narinig. Nasisigurado na niyang ito ang Hershey na matagal nang nawawala kasama pa ang dalawang kabataan.

Walang makapagsabi kung asan ito. Pero ngayong  nasa harap na niya ang dalaga ay di nya maiwasang magulat. Ito na nga kaya ang Hershey Dazzlin na hinahanap nila?

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon