Chapter 7- The Girl with a warrior attire

616 52 1
                                    


Nagpatuloy ang pag-ulan ng mga sandata mapa-sibat at pana mula sa iba't ibang direksyon. Halos magsisigaw na ang tatlo pero pinipigilan nila ang kanilang sarili sa takot na mapadamay.

"Waaaaaahhhu Alcoriza sabihin mo tayo ba ang pinatatamaan at tinutugis nilaaa?!!" Hindi na mapakali ang natatakot na si Regine.

"Putspa! Ayoko pang mamatay!" Nakangiwi namang sabi ni Emm at mas umub-ob sa malalagong damo.
Rinig na rinig nila ang ang pagtama ng mga pana sa bawat katawan ng mga punong-kahoy.

Nagulat na lang ang tatlo nang dumaan sa harapan nila ang isang humahangos na babae. Brownish ang buhok nito at may suot na salakot. Halatang armado habang dala-dala ang isang sword at shield niya.

Kitang kita nila kung paano isangga ng babae ang malapad na espada dahilan para magsibalikan ang mga pana papunta sa mga kalaban.

Makailang sandali pa, nalaglag ang ibang armado na nakaakyat pa sa mga puno habang may nakatusok na pana sa dibdib nila.

"So fast baby." Humihingal na sambit nito at hinimas ang pusa na lumapit sa kanya.

"Tara na Rishi. Uuwi na tayo." Muli nitong sambit at binuhat ang pusang nasa likuran lamang niya kanina habang nakikipaglaban sa mga armadong kawal.

"Who is she?" Takang tanong ni Alcoriza habang pinagmamasdang mabuti ang mandirigmang babae.

"Awtttsuu!"

Paulit ulit na bumahing si Emm dahilan para magkatinginan silang lahat habang nanlalaki ang mga mata.

"Allergic ako sa pusa--awtsuu!" Pilit nang tinakpan ni Regine ang bibig ng binata pero tila narinig na sila ng babae.

"Naloko na." Napangiwi na lamang ni Alcoriza at nasapo ang noo.

Sa isang iglap ay lumipad ang espada sa tapat ng puno malapit sa pinagtataguan nila. Nanlalaki ang mata at napasigaw naman si Regine.

"Alam kong nandyan kayo. Labas!"

Natahimik ang tatlo at walang gustong magsalita. Baka oras na lumabas ang isa sa kanila ay hindi lang kamatayan ang naghihintay. Ngunit kung hindi naman sila lalabas ay baka hindi lang sila mamatay dahil sa espadang inihagis ng babae. Baka ipalapa pa sila nito sa mababangis na hayop rito sa gubat.

Napabuntong hininga at alinlangan man ay unti-unting lumabas sina Alcoriza sa pinagtataguan nila at napatingin sa babae.

Hindi nila makita ang mukha nito dahil sa suot na salakot. Pero isa lang ang nasisiguro nila-ang dalaga ay normal gaya nila. Normal na tao. Base sa kulay ng balat at tangkad nito.

"Pasensya na. Wala kaming balak na masama. Hinahanap lang namin ang---"

"Sumunod kayo sakin."

Hindi na pinatapos ng babae ang sasabihin ni Alcoriza. Sa halip ay walang ano-ano'y binunot niya ang espada sabay lakad ng matulin. Walang nagawa ang tatlo kundi sumunod na lamang.

Seryosong seryoso ang dalagang may suot na salakot habang naglalakad. Tulad kanina, hindi ito nagsasalita pero rinig naman ang madalas na pagbuntong-hininga. Palaging nakatungo na parang may tinatago sa mukha. At iyon ang hindi maintindihan ng tatlo.

"Ang astig niya Sis." Bulong ni Regine kay Alcoriza na busy sa pagkuha ng litrato sa bawat madaanan. Kasunod nila ay ang pasipol sipol na si Emm. Kung kanina halos magpalamon na ang binata sa kabang nararamdaman, ngayon naman kung lumakad ito ay parang normal lang ang lahat ng nakikita nila.

Tingin ni Alcoriza ay kaedad lang nila ang dalaga. May mahaba itong buhok at kulay brown pa na natatakpan ng suot na salakot. Sobrang astig din ng pananamit nito na animo'y mandirigma talaga. Ang suot nitong boots ay tila may blade pa sa gilid.

Mayamaya ay tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil rin ang tatlo. Mas nagulat pa sila nang biglang hinugot ng dalaga ang espada.

"Oh jusko. Katapusan na ata natin." Kinakabahang saad ni Emm nang mapagtantong kumislap pa sa sikat ng araw ang talim nito. Napalunok na lamang ang binata at napatingin kina Alcoriza at Regine.

Itinaas ng babae ang dalang espada dahilan para kabahan ang tatlo. Isang matabang usa ang nakita nilang paparating. Malayo pa lang ay sinipat na ito ng dalaga at ibinato ang espada.

Duguang bumagsak ang usa sa damuhan.

"Sht. What a nice shot!"

"W-wow."

"Sis. Nakita mo ba yun?"

Di magkamayaw ang pagsasalita nila dahil sa nangyari. Sa kabila noon ay nakahinga rin sila nang maluwag dahil sa maling akala.

"Okay na'ng hapunan." Mahinang sambit ng dalagang may salakot saka napangisi. Doon napansin ni Alcoriza ang kakaibang kilos ng babae matapos lapitan ang walang-buhay at lupaypay nang usa.

"Meow." Huni ng alaga nitong pusa na tila nakikiayon pa. Napalunok naman si Emm dahil sa takot.

"Shit. She's creepy." Bulong ng utal ni Alcoriza nang magsimula ng lumakad ang misteryosong babae palayo sa kanila. Nagsimula na rin silang sumunod rito.

Manghang mangha sina Alcoriza, Emm at Regine sa nakikita sa paligid.

Ang mga puno at damo ay mas mataas pa sa second floor ng isang bahay. Sobrang lalaki rin ng mga prutas na bunga ng mga ito. Doble pa ang laki at taas ng bawat halaman kumara sa orihinal na laki ng mga ito sa totoong mundo nila.

"Hindi ko akalaing ganto ang makikita ko sa ilalim ng mundo." Halos sumigaw na ang bawat brain cells ni Alcoriza sa pagkamangha. Hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nakikita niya. Parang kaylan lang kasi, iniisip lamang niya kung ano ba talaga ang itsura ng mundo rito sa ilalim at kung totoo ba ang sabi-sabi tungkol rito. Ito na nga ba ang mundong iyon? Ito na ba ang mundo ng Agartha?

Sakay sila ngayon ng karitela na pinapatakbo ng dalaga. Pansin ni Alcoriza na pilit itong yumuyuko. Waring ayaw ipakita ang mukha niya.

"Excuse me? Ito na ba ang Agartha?"

"Para sa kaalaman ninyo ay ito nga. Ang sentro ng Agartha patungo sa ibabaw ay narito sa pusod ng gubat. Paano at bakit kayo napunta rito?"

Tanong ng babae na walang lingon lingon at pilit pinapatakbo ang kabayo sa malubak na daan. Napatingin sila sa isa't isa at tahimikang nag-usap sa mata. Ano namang maayos na sagot ang sasabihin nila sa babae? Samantalang hinigop lang sila di maipaliwanag na liwanag na lumitaw na sa ilalim ng kwarto ni Alcoriza.

"A-ano. Nahigop kami ng--"

"Lagusan." Pagpapatuloy nito kaya mas nagtaka si Alcoriza kung bakit alam iyon ng babae. Magtatanong pa sana siya nang matanaw nila mula sa pinakamalayo ang isang malaking palasyo na gawa sa bricks. Napapalibutan ito ng nagtataasang pader.

"Iyan ang palasyo ng Agartha." Sambit ng babae at mas pinabilis pa ang pagpapatakbo sa kabayo para agad silang makarating sa ituktok ng bundok.


***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon