Chapter 12- Encounter

432 32 0
                                    

***

Napaubo si Roselle at pilit tumayo para pagpagan ang suot niyang jeans. Nagpalinga linga siya pero wala siyang ibang makita kundi kadiliman. Gamit ang relong suot ay binuksan niya ang built-in-flashlight nito.

Tumambad sa kanya ang malawak na kapatagan. Nagpatuloy pa siya sa paghakbang hanggang sa mapansin niyang matarik na ang naaapakan niya. Yumuko siya para tingnan kung ano ito.

"Oh God." Napangiwi siya at pinagpawisan nang mapagtantong malalim na bangin ang tinutungtungan niya ngayon.

Isang maling hakbang at tiyak na mahuhulog na siya kasama ng mga natitibag na bato.

Bumilis rin ang tibok ng puso ng dalaga dahil sa lamig ng hangin na sumimoy kaya unti-unti na siyang napaatras palayo sa bangin. Wala siyang kaide-ideya kung saang lugar siya napadpad.

"Ano bang lugar to? Huhuhu. Kanina nasa kwarto lang ako ni Ate Alco---" Natigil siya sa pagsasalita nang maaninaw niya mula sa ibaba ng kapatagan ang mga nagliliwanag na ilaw.

May mga taong naglalakaran at may mga kabahayan rin. May tawanan, kwentuhan at sigawan siyang naririnig mula sa ibaba. Sa wari niya ay nagkakasayahan ang mga nakatira rito. May sibilisasyon sa ibaba. Iyon ang nasisiguro niya.

Sa takot na baka may makapansin pa sa kinaroroonan niya ay pasimple siyang umatras para maghanap ng ibang daan pauwi pero bago pa siya makatakbo ay naramdaman na niya ang malamig na bagay sa leeg niya. Dahan dahan niyang ibinaba ang tingin at nanlamig siya.

Kung titingnan ay isang ordinaryong pamaypay lang ngunit mas nangilabot pa si Roselle nang makitang may mga kutsilyo ang bawat gilid nito.

"Isang taga-ibabaw." Narinig niya ang nakakakilabot na boses ng babae sa likuran niya. Hindi niya malaman kung saan ba ito nanggaling o baka naman kanina pa siya nito minamatyagan at ngayon nakakuha na rin ng pagkakataon sa wakas upang dakpin siya. Halos maiyak na ang dalaga sa takot lalo na nang makitang mas diniinan pa nito ang kapit sa abanikong tadtad ng patalim.

"Sumama ka sa akin." Pumailanlang ang tili ni Roselle nang kinabig sya ng babae at kapwa sila tumalon sa bangin.

***


Naimulat ng di oras ni Alcoriza ang mga mata niya. Nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto. Bumalikwas siya ng bangon at kumurap kurap. Napagtanto niyang nag-iisa na sya sa kwarto.

Wala na si Hershey.

"Meow."

"Rishi." Hinimas-himas niya ang ulo ng pusa na alaga ng dalaga bago bumangon mula sa kama.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa nakapinid na bintana. Dali-dali siyang lumapit rito at dumungaw.

"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Halos malaglag siya sa baba nang muntikan siyang mahagip ng buntot ng napakalaking dragon.

Sakay nito ang humihiyaw na si Emm at ini-enjoy ang paglipad. Halos lumuwa ang mata ni Alcoriza sa takot pero pilit siyang nagsisigaw.

"Putragis ka Emm! Bwisit ka! Bumaba ka diyan! Papaslangin kita!" Nanggagalaiti niyang bulyaw pero nakalayo na ito sakay ng dragon.

Bumuga ng hangin ang dalaga. Dama pa rin niya ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagkagulat at kaba.

Sa isang iglap ay nakarinig naman siya ng huni ng ibon at halinghing ng kabayo sa bandang ibaba. Hindi niya mapigilang mapangiti.

Ito ang gusto nyang lugar. Lugar na tahimik at komportable. Malayo sa kabihasnan at malayo siya sa mapanirang si Beverly.

Napakamot siya sa ulo at marahas na natapik ang noo.

"Ano bang iniisip mo Pixie Dust? Hindi ka nararapat rito sa Agartha. May sarili kang mundo. Kelangan mo nang bumalik doon." Napabuntonghininga siya.

"Pero bago iyon kailangan ko munang mahanap si Roselle." Pagkasambit nun ay nagmamadali siyang lumabas ng kwarto para hanapin si Regine at Emm

***

Mag-isang nilalanghap ni Hershey ang sariwang hangin habang nakaupo sa tuktok ng tore ng palasyo. Balanseng-balanse ng dalaga ang sarili habang naka-indian sit pa. Damang dama nya ang ihip ng hangin na nagpapagalaw sa brownish niyang buhok.

Napapikit siya.

Ito ang mundong hindi niya inaasahang tatanggap sa kanya at hahasain ang kakayahan niya sa pakikidigma. Kung hindi siguro siya napadpad rito ay malamang na hindi siya nasanay humawak ng sandata. At kung sa bagay iniisip rin niyang baka nasa mundong ibabaw pa rin siya at pinipilit makibagay kahit ang totoo'y di siya tanggap roon. Napabuga siya ng hangin dahil sa hinanakit na nararamdaman.

Mayamaya pa ay mabilis na dumaan sa harapan niya ang dragon na sinasakyan ni Archdave pero di pa rin sya natinag.

Ganun parin ang pwesto niya. Tiyak kung sino man ang makakakita sa kanya sa ganoong sitwasyon ay mapapamangha talaga. Naging napakasensitibo ng pakiramdam nya at agad iminulat ang kaliwang mata sunod ang kabila. Tila may nagmamasid sa kanya kanina pa.

"Lumabas ka na. Alam kong kanina ka pa nariyan." Walang emosyong sambit ni Hershey.

Nakarinig si Hershey ng mahinang halakhak na mula sa isang pamilyar na babae. Mula sa pwesto niya ay kitang kita niya ang isang babaeng kulay pula ang buhok.

Bitbit nito ang isang pamaypay na tadtad ng talim. Papalapit ito sa pwesto niya kaya agad syang tumayo at hinugot ang espada. Balanse pa rin ang iniingatan niya kundi ay mahuhulog sya pag nagkataon.

Kita niya ang itim na awra na bumabalot sa dalagang kaharap niya ngayon.

"Kinukumusta ko lang ang babaeng pumalit sa pwesto ko." Agad nawala ang ngisi ni Hershey nang marinig niya ang boses nito.

"I'm doing good. And better than you." Pagmamayabang ng dalaga dahilan para humalakhak ang kaharap niya. Nilaro laro pa nito ang abanikong bitbit at pinalutang ang katawan sa ere saka ngumisi ng pang-asar.

"Gamit niya ang itim na mahika." Bulong ng isip ni Hershey at mas humigpit ang hawak sa espada.

"Umalis ka na Red. Hindi ka nababagay rito." Matigas na sambit niya.

"Ikaw at ako. Hindi tayo nababagay rito. Pero hindi ako aalis rito sa Agartha. Dito ko nakamit ang kalayaan. At hindi ako kailanman babalik sa ibabaw." Walang emosyong sagot ni Red at inihagis ang isang scroll na nasalo naman ng naiiritang si Hershey.

Nagpalitan sila ng matatalim na tingin hanggang sa ikinumpas ni Red ang hawak na abaniko. Mayamaya pa ay nawala ng parang bula ang dalaga.

Humihingal na ibinalik ni Hershey ang espada sa lalagyan at tiningnan ang scroll na ibinigay ni Red.

Kinuha niya ang pito na nakakabit sa leeg niya. Gamit iyon ay sumipol siya. Sa pag-ihip pa lamang ay umalingawngaw sa ere ang tunog nito kasunod ang pagpagaspas ng dumarating na dragon.

"C'mon." Agad sumakay si Hershey sa likod nito atsaka pinabulusok pababa ng tore. Inipit niya sa bibig ang dalang scroll para tumungo sa hari.

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon