***Nakatunganga si Hershey sa kawalan habang hawak ang isang kwintas. Bumilis ang tibok ng puso nya nang maalalang regalo pa ito ng mommy nya noong 18th birthday nya bago sya mawala sa ibabaw. Napakabilis talaga ng panahon rito sa bago niyang mundo at konting alaala na lamang ang natira sa kanya mula sa nakaraan niyang buhay. Napapikit siya at agad itinago ang kwintas at agad napalingon sa mga paparating na sina Neva at JhunaMae.
"Hershey, nabalitaan mo na?" Tila nananabik na tanong ni Neva at pinagdaop pa ang dalawang palad niya."Ang alin?"
"Nalalapit na ang pista ng Kalyan. At sa bisperas nito, pararangalan ang Three Musketeers! Hershey ito na yung pinapangarap nating tatlo noon pa! Ang maipakilala sa buong kaharian ng Agartha ang ating grupo. Hindi ba't nakakasabik?" Halos magkorteng puso na ang mga mata ni Neva dahil sa tuwang nararamdaman. Si JhunaMae naman ay di maiwasang mapailing habang pinagmamasdan ang ikinikilos ng kaibigan.
"Huwag tayong masyadong matuwa. Baka mamaya nyan hindi matuloy. Paano na lang ang espesyal na gabing yun para sa atin? Hays." Namomroblemang giit ni JhunaMae at inayos ang sukbit na pana mula sa kanyang likuran.
"Hahaha. Pasensya na girls. Masyado lang akong naging excited. Alam nyo ba kung ano pa ang pinaka-highlight ng pagdiriwang na iyon?" Tanong pa ni Neva sa dalawang kausap.
Nagkatinginan ang tatlo at kapwa napangiti. Alam nilang pareho lamang ang tinatakbo ng isipan nila ngayon.
"Ang muling paglitaw ng asul na bulan." Lumawak ang ngisi ni Hershey nang bigkasin ang nalalapit na muling paglitaw ng asul na buwan sa kalangitan ng Agartha. Naalala pa niya noong una niya itong mapagmasdan. Halos tingalain na niya ito at abutin sa sobrang pagkamangha. Wala kasing ganoon sa ibabaw na daigdig. Puro lunar at solar eclipse lang ang tanging alam niyang nagaganap sa langit roon.
"Paano ba? Kailangan na nating maghanda. Iilang gabi na lamang ang palilipasin at magaganap na ang kasiyahan. Hindi natin to dapat palampasin." Saad pa ni Neva at binaling ang paningin sa mga tao ng Agartha na abala na sa paghahanda para sa gaganaping pista.
"Muskeeters, parang masama kasi ang kutob ko rito sa mga paparating na araw." Ani ni Hershey at napatitig sa dalawang dalaga.
"What do you mean? May kakaiba ba?" Tanong ni Neva kaya napakibit balikat lamang si Hershey. Kutob lang naman niya iyon. Isa pa, napapaisip pa siya sa maaaring kahinatnan ni Alcoriza kung sakaling mapunta siya sa palasyo ng kalaban, ang emperyo ng Paurav.
Napansin ni JhunaMae ang pag-aalala ng kaibigan kaya tinapik na lamang nito ang kanyang balikat."Huwag kang mag-alala. Nagpadala na ang hari ng mga kawal na maaaring maghanap sa taga-ibabaw. Hindi nila tayo bibiguin." Ngumiti ito ng tipid kaya napabuntong hininga si Hershey.
"Nais lang ng hari na maging ligtas ka. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa kanya." Gatong pa ni Neva at pilit pinatatawa ang dalaga. Ang tinutukoy nito ay ang ginawang pagtanggi ng hari sa hiling niya kanina. Nginitian na lang sila ni Hershey at napatango.
"Alam ko mga kapatid. Masyado lang akong nag-aalala sa kanila." Sagot nya saka inalala ang mga paghihirap na dinanas niya rito sa mundo ng Agartha.
"Ipanalangin na lang natin na ligtas silang makakabalik rito sa palasyo kasama ang dalawang dalaga na nawawala." Nabalot ng katahimikan sa pagitan ng tatlo at mayamaya'y umihip ang malakas na hangin.
***
Panay ang paglakad pabalik balik ng di mapakaling si Regine at mayamaya ay mapapasulyap sa gintong orasan na nasa tabi lamang ng pader na sinasandalan niya kanina pa. Ang totoo ay kanina pa rin siya di mapakali dahil nagsisimula nang lumubog ang araw ngunit hindi pa rin dumarating ang kaibigang si Alcoriza. Nagpaalam lamang ito na mamamasyal lang pero ang tagal bumalik. Hindi niya maiwasang mag-alala lalo na't nabalitaan niyang anumang araw ay magkakaroon ng malawakang digmaan.
Napasandal na lamang siya sa pader at bumuntong hininga. Mayamaya ay napakislot siya nang dumaan si Emm sa kanyang harapan at di man lang siya napansin.
"Hoy Emm!" Tawag nya pabalik at saka lamang nakuhang lumingon ng binata nang makalayo mula rito.
"Opps. Tawag mo pala ako. Kanina ka pa ba dyan?" Aniya at naglakad pabalik.
"Actually kanina pa." Sagot naman ni Regine at di na makapaghintay na tanungin ito tungkol kay Alcoriza.
"Pasensya na. Di ko napansin. Akala ko kasi pader ka rin. Pffftt--aray!" Reklamo ni Emm bago napangiwi na lamang dahil sa ginawang pagsapak ng dalaga sa kanya.
"Gago. Nahawaan ka na ata ni kuya Archdave sa kalokohan." Umismid ito at nagcross arm. Napa-peace sign naman si Emm at napangisi.
"Emm hindi na ito biro. Tingin ko hindi naman talaga namasyal si Alcoriza eh. Nararamdaman kong hinahanap niya ngayon si Roselle." Nanlumo ang dalawa dahil sa napagtanto.
"Anong ibig mong sabihin? Kaya nga nagpadala na ang hari ng mga kawal para hanapin sila diba? Malamang hindi pa yun nakakalayo. Baka nawili lang dahil sa ganda ng paligid." Napakamot si Emm sa ulo at napabuntong-hininga naman si Regine dahil wala atang balak ang binata na tulungan siya sa paghahanap sa kaibigan.
"Kapag hindi pa dumating ngayon si Alcoriza bago lumubog ang araw, mangamba na tayo." Problemadong saad ni Regine atsaka naglakad palayo. Natahimik naman ang binata.
***
"Makinig ang mamamayan ng Agartha!!" Sigaw ng kawal na nagsisilbing tagapagbalita at tagapaghatid ng anunsyo sa mga tao ng palasyo. Natigil ang lahat sa mga ginagawa at agad ipinukos ang kanilang mga atensyon sa sasabihin ng kawal.
"May maganda bang balita ang hari?"
Tanong ng isang magsasaka at agad inalis ang suot na salakot bilang tanda ng paggalang."Ang anunsyo kong ito ay mula sa hari kaugnay ng magaganap na kasiyahan bukas ng gabi." Dahil sa sinabi ng tagapagbalita ay nagkaroon ng bulungan senyales na ang lahat ay nasasabik na sa pagtitipon.
"Inaanyayahan ang lahat na dumalo bilang tanda ng pagkakaisa at pagsasama-sama sa muling paglitaw ng asul na buwan. Mahalagang naroroon tayong lahat upang masaksihan ang pagpapakilala ng hari sa kanyang tatlong magigiting na mandirigma, ang Three Muskeeters."
"Asahan ninyo ang aming pagdalo Ginoo." Paninigurado ng mga manggagawa na halatang sabik na rin para sa gaganaping selebrasyon bukas na gabi.
Sa di kalayuan ay lihim namang napangiti si Red habang pinakikinggan ang inihatid na balita ng kawal. Ngumisi ito at ipinaypay ang dala niyang abaniko.
"Tingnan mo nga naman ang mga bubwit at magkakatipon-tipon sa ilalim ng asul na bulan bukas ng gabi. Haha! Tingnan lang natin kung maging masaya ang pagdiriwang nyo." Gumuhit ang malademonyong ngisi sa labi ng dalaga na may masamang balak para sa mga inosenteng mamamayan ng Agartha.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...