"Bilis!"
Natatarantang pumasok ng bahay nila si Alcoriza kasunod sina Emm at Regine. Halos madulas na ang mga ito sa sahig pero wala na silang pakialam.
"Hi sweetie." Bati ng ina nito na busy sa ginagawa sa kusina pero di na niya napansin dahil sa pagmamadali.
Mayamaya ay tumigil si Emm sa tapat ng kusina at suminghot singhot. Nagiging hugis bituin na rin ang mga mata niya sa napagtanto.
"Cookies ba yung naaamoy ko?" Pero bago pa sya makapasok ng kusina ay hinatak na siya palayo ni Regine.
"Mamaya mo na intindihin yang monster intestines mo!" Asar na sambit ng dalaga.
Nagmamadaling binuksan ng ni Alcoriza ang kwarto nya. Inilapag ang dalang libro sa kama at sinilip ang ilalim nito.
Normal naman at may kadiliman sa ilalim. Medyo malamig rin ang temperature na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman ganoon ang atmosphere sa buong kwarto niya.
"Dito ako nakakita ng liwanag noong
nakaraang gabi." Sambit ni Emm sabay silip sa labas bintana kung saan siya tunalon noong nakaraan.Nagtaka si Alcoriza nang makita ang isang pamilyar na bracelet. Alam niyang kay Roselle iyon dahil siya mismo ang nagbigay nito sa kapatid. Biglang umandar ang pagtataka niya kung bakit napunta iyon sa kanyang kwarto gayung hindi naman pumapasok doon si Roselle.
Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at agad dumiretso sa room ng kapatid pero wala siyang nadatnan. Doon na siya tinamaan ng kaba.
"Roselle!!" Sigaw niya at nagmamadaling bumalik sa kanyang kwarto.
"Anong nangyayari?" Sambit ni Regine na natataranta na din.
"Nawawala si Roselle. Palagay ko napunta sya sa..." Nasapo ni Alcoriza ang ulo dahil sa labis na pag-aalala.
"Agartha.." pagpapatuloy ni Emm na tila namumutla habang nakatingin sa ilalim ng kama. Kunot noong napatingin rin sina Alcoriza at Regine sa direksyon nito.
Kapwa nanlaki ang mata ng tatlo nang biglang lumakas ang hangin. Nag-lock ang doorknob. Tumilapon ang mga gamit sa loob ng kwarto. Nagliparan ang mga papel, libro at mga stuff toys. Bumukas ang mga drawers. Parang inaatake ng ipo-ipo ang buong kwarto.
"Waaaaahhhhhhhh Alcoriza labas na tayo!!!" Tili ni Regine.
"Yung doorknob buksan mo yung doorknob!!" Natatarantang sigaw rin ni Alcoriza sa binatang si Emm. Mas lalong lumakas ang hangin kaya wala na silang kawala pa.
Lumitaw ang isang bilog na liwanag mula sa sahig na naging dahilan upang mas mahintakutan ang tatlo. Hindi mabuksan ang pinto. Tila hinihigop na sila pailalim.
"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"
Mas nanghilakbot pa sila nang unti-unti na silang higupin ng bilog patungo sa kailaliman.
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!"
Agad nawala ang mga sigawan at ang ipo-ipo. Sa isang iglap ay bumalik sa normal ang lahat pero naiwan pa ring gulo ang buong kwarto. Bumukas ang pinto nito at sumilip si Neo, ang bunsong kapatid nina Alcoriza.
"Ate ano yung naririnig kong---wow. Ang cool naman ng kwarto mo." Sarkastikong pinasadahan nito ang magulong kwarto ng kapatid saka isinara ulit.
"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"
Di mapatid ang sigawan nina Alcoriza, Emm at Regine habang bumubulusok sila sa walang humpay na tunnel. Parang nakasakay lang sila sa roller coaster. Ang pinagkaiba nga lang pakiramdam nila ay walang katapusan ang pagbulusok nila sa madilim na tube na ito. Nawawalan na ng hininga si Alcoriza dahil sa matinding kaba. Hindi niya alam kung saan sila ibabagsak ng tunnel na kinalalagyan nila ngayon.
Blag!
Paulit-ulit umubo si Alcoriza nang bumagsak sila sa di pamilyar na lugar. Si Emm naman ay halos di na makagalaw sa pagkakahiga. Hinimas himas ni Regine ang kanyang masakit na balakang dulot ng pagbagsak.
"Ang cool lang noong higupin tayo papasok." Manghang mangha na sambit ni Emm.
"Asan na ba----" Naudlot ang pagtatanong nila nang tumambad sa kanila ang nagtataasang punong kahoy. At mga halamang gumagalaw kahit wala namang hangin. Nangilabot ang tatlo sa mga huni ng hayop na naririnig.
Napayakap sa sarili si Alcoriza at minasdang mabuti ang hitsura ng kakaibang paligid. Samantalang ang dalawa niyang kasama ay halos lumuwa na ang mga mata at mabali ang leeg kakalingon sa bawat sulok ng kinaroroonan nila ngayon.
"Ito na ba ang Agartha? Ang daigdig sa ilalim ng lupa?" Di makapaniwalang tanong ni Regine habang nililibot ng paningin ang paligid.
"Totoo nga ang nasa libro." Makahulugang saad ni Alcoriza sabay kuha ng notepad niya at may isinulat doon.
Mayamaya ay inilabas rin niya ang dalang camera at kinuhanan ng litrato ang mga di pangkaraniwang itsura ng paligid. Sinadya talaga niyang mahigpit na kapitan ang bagpack niya nang higupin sila ng portal dahil alam niyang naroon ang mga kagamitang kailangan niya sa pagkuha ng mga patunay.
Sa wakas ay may matibay na siyang ebidensya na totoong lahat ng sinasabi niya.
"Tingin mo dito napunta yung tatlong teenagers?" Tanong ni Emm at iginagala pa rin ang tingin, hindi siya mapakali.
"Malakas ang kutob kong andito sila. At palagay ko narito rin ang kapatid ko." Tukoy ni Alcoriza sa kapatid na si Roselle.
Nakanganga pa rin ang tatlo nang mapansin nilang yumayanig ang lupang kinatatayuan nila.
"L-lumilindol ba?" Natataranta ang tatlo habang nakikiramdam.
"Palagay ko kagagawan nila." Nakangiwing sambit ni Shem sabay turo sa mga malalaking hayop na paparating.
"Diyos ko po. Mga langgam ba yan? Bakit sobrang laki nila?!" Naiiyak na ang dalagang si Regine nang matanaw ang pulutong nito.
"Dali! Dito!" Turo ni Emm sa malalagong damo at agad nagtago rito. Sumunod sa kanya ang dalawang babae.
Napapikit si Regine nang maramdamang mas yumanig pa ang lupang tinatayuan nila. Tipong parang lulubog at matutumba sila. Mayamaya'y halos manlaki ang mata nila sa takot nang rumagasa ang napakaraming langgam. Hindi basta basta langgam kundi sobrang lalaki nito.
Di maiwasang mamangha ni Alcoriza kaya kinuhanan niya ito ng litrato. Wala na siyang pakialam sa nangyayari sa paligid.
"Quit taking pictures. Baka mamaya mapansin nila tayo, ayoko pang maging hapunan ng mga halimaw na yun!" Nanggagalaiting bulong ni Regine sa kaibigan.
"Easy." Pagpapakalma ng dalaga.
Nakahinga sila ng maluwag nang malampasan sila ng pulutong ng mga higanteng langgam. Ngunit umubo dahil sa mga alikabok na dulot ng pagdaan ng mga ito.
"Tara na-----"
Lalabas na sana si Emm sa pinagtataguan nang bigla siyang hatakin pabalik ng dalawang dalaga.
Sa isang iglap ay napasigaw sila nang biglang magliparan ang mga pana at sandata.
"What the hell is happening?!" Halos maghisterical na si Regine habang nakayuko sila sa pagitan ng malalagong talahib at halaman.
Ngunit walang sagot siyang narinig na sagot mula sa mga kasama dahil maging ang dalawa ay naguguluhan rin tulad niya.
Tila naipit ata sila sa isang labanan.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...