Chapter 22- King Goli Into Stone

268 24 0
                                    

***

Nanginginig ang brasong isinalag ni Neva ang arnis niya nang subukan siyang hampasin ni Red ng pamaypay nito. Ramdam niya ang konting hapdi na kumakalat sa buong sistema niya.

"Ugh." Napangiwi pa ang dalaga nang makitang hiwa ang braso niya dahil sa talim ng sandata ng kalaban.

Nanaig ang pag-aalala niya sa kaibigan kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si JhunaMae. Pinalipad nya ang isang pana sa pwestong dalagang may pulang buhok pero agad itong naiwasan ni Red.

"Kayo lang ba? Oh asan na ang nagmamagaling na si Hershey? Huwag nyong sabihin na tinalikuran rin nya kayo?" Nakangising sambit nito sa dalawang dalaga at binigyan sila ng isang mapanuksong tingin. Nagsalubong ang kilay ni JhunaMae.

"Hindi ka nakasisiguro. Sa pagkakaalam ko ay naglalakbay na siya pabalik rito kasama ang bihag nyong mga taga-ibabaw. At wag mo siyang igaya sa isang tulad mo. Hindi siya hangal na gaya mo. Isang traydor!" Pagmamayabang na saad ni Neva dahilan para magbago ang awra ni Red.

"Masyado kang tuso Red. Nalilinlang ka kaagad." Pangungutya ni JhunaMae sa dalaga na agad nagsisigaw nang may mapagtanto. Nakalimutan niyang may bihag pa pala siyang binabantayan. Mas inuna kasi niya ang dikta ng kanyang emosyon kaysa isipin ang kanyang tungkulin.

Kailangan na niyang makabalik sa Paurav ngayon din. Kung hindi ay makakawala pa ang dalawang bubwit na bihag nila. Hindi niya hahayaang mangyari iyon.

Bago siya sumakay sa kabayo, nagpakawala siya ng di mabilang na patalim mula sa bitbit niyang abaniko kaya dito naituon nina JhunaMae at Neva ang atensyon kaysa pigilan siyang umalis.

Habang abala ang dalawa sa pagsalag sa mga ito, sinamantala ni Red ang pagkakataon para makatakas pabalik. Dumukot siya ng ilang pirasong butil sa bulsa niya at walang ano-ano'y inihagis sa pwesto ng hari.

"Enjoy my gift." Napangisi ang dalaga nang kumalat ang butil na itinapon niya kanina lamang.

Nagliwanag ang butil na halos masilaw ang lahat ng tao sa paligid. Kulay itim na usok ang lumitaw at unti-unting napalibutan ang hari. Nang mawala ito, tumambad ang haring si Goli na tila naging bato na sa kinatatayuan. Hindi na ito gumagalaw.

"Mahal na hari!" Umalingawngaw ang sigaw ni Neva at dinaluhan ito. Habang si JhunaMae naman ay patuloy ang pagsalag sa mga nagliliparang patalim. Ngumisi si Red at dire-diretsong tumalilis palayo, dala-dala ang paniniwalang mapapasa-kamay na ng Paurav Empire ang buong palasyo ng Agartha.

***


Humihingal na itinusok ni Hershey ang espada niya sa sahig at napaubo ng paulit-ulit. Iginala niya ang paningin. Tumambad sa kanya ang mga bulagtang katawan ng Pauravian warriors. Hindi niya akalaing magagapi niya ito nang mag-isa lang. Nasanay kasi siyang nasa tabi niya ang dalawa pang Musketeers, na sina Neva at JhunaMae para tulungan siya.

"Hershey, umalis na tayo." Natatarantang sambit ni Alcoriza na palinga-linga pa.

Hinang-hina man ay nagpumilit maglakad palayo si Hershey kasama sina Roselle at Alcoriza. Inalalayan na lamang ng dalawa ang dalaga.

Mayamaya ay nakiramdam si Hershey sa paligid. Tumaas ang buhok niya sa batok. Pakiramdam niya'y may paparating. Humigpit ang hawak niya sa espada at agad na napalingon.

Unti-unti niyang narinig ang papalapit na yabag. Sa di kalayuan, nakita na niya si Red. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Nagbabaga ang mga mata nito. Halos liparin na ang suot nitong kapa at ang kulay pula niyang buhok.

"Lumayo kayo. Mapanganib siya." Paalala ni Hershey sa dalawang kasama. Hinawakan na niyang mabuti ang espada niya lalo na nang ilabas na ni Red ang abaniko niyang hawak.

"Wala ka talagang utak Dazzlin. Akala mo maiisahan mo ako." Sarkastikong saad ng dalagang may pulang buhok habang inihahanda ang sarili sa gagawing pag-atake.

"Bring it on." Palaban niyang sambit at inaantay ang pagsugod nito.

***


"Anong nangyari?!"


Malayo pa lang ay natanaw na nina Archdave ang estatwang katawan ni Haring Goli.

"A-anong.." Di na natuloy ni Archdave ang sasabihin nang makita ang kalagayan.

Sa palibot nito ay ang dalawang Muskeeters na sina Neva at JhunaMae, kapwa di nila alam ang gagawin. Hindi naman mapigilan ng asawang si Menaka ang mapaiyak na lamang. Mistulang naging bato na ang hari sa kinatatayuan.

Nagtatakbo sina Regine papalapit rito para daluhan ang dalawa. Samantalang di makagalaw si Emm. Nang di makita si Alcoriza sa paligid ay kinutuban na siya. Akala kasi niya ay kasabay ng pagbalik ng Musketeers, kasama na nila sina Alcoriza at ang kapatid nito. Ngunit hindi.

Agad niyang kinapa ang pito na nasa bulsa niya lamang. Dali-dali syang tumakbo sa open field. Hinipan nya ito ng ubod lakas at mayamaya'y lumakas ang ihip ng hangin. Lumanding sa harap nya ang di kalakihang dragon kaya napangisi siya at agad sumakay sa likod nito.

"Sa Paurav Empire, kaibigan." Utos nito sa dragon. Umalingawngaw ang huni nito at tila alam na kung saan pupunta. Sakay nito ay lumipad palayo si Emm sa kalawakan para sunduin sina Alcoriza.

***


"Kailangang mabalik sa dati ang hari. Kung hindi, siguradong katapusan na ng Agartha." Nag-aalinlangang sambit ni Neva at isa-isang tiningnan ang mga kasama.

"A-anong gagawin natin?" Nanlulumong tanong naman ni Archdave na di mapakali.

Nagkatinginan ang lahat. Bakas sa mga mukha nila ang pagkalito. Walang sumasagot hanggang sa magsalita na ang reyna.

"Ang healing potion. Kung tama ang hinala ko ay may kinalaman rito ang isang mahika. Ang potion lamang ang makatatalo sa taglay nitong itim na kapangyarihan." Pinahid ni Menaka ang luha niya at napatingin kina Regine Agad tumayo si Archdave at deteminadong gagawin ang dikta ng isip.

"Kung ganun, saan namin makikita ang potion na ito?" Tanong niya sa Reyna. Napabuntong hininga ang babae saka tumingin sa matayog na bundok di kalayuan sa kanila.

"Sa bahay ng mambabarang na si Lucia. Pamamay-ari niya ang potion. Ngunit masyadong mapanganib ang pagpunta roon." Kinakabahang itinuro ni Menaka ang direksyon nito. Napalunok naman ang lahat dahil sa sinabi nito.

"Kukunin ko ang potion." Determinadong sambit ni Archdave.

"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong ni JhunaMae sa binata. Tumango lang ito bilang sagot.

"Sasama ako kuya." Mungkahi ni Regine nang makitang gumagayak na si Archdave para sa umalis.

"Hindi maaari. Masyadong delikado. Bantayan nyo na lang ang Reyna." Seryosong saad ng binata at tuluyan nang umalis. Naiwan sa ganoong kalagayan ang lahat.

Walang umiimik dahil sa namumuong tensyon sa paligid. Lahat ay kinakabahan sa anumang pwedeng mangyari. Nagulat sila nang mapakislot si Neva sa napagtanto.

"Si Hershey! Nanganganib sya ngayon!" Nagimbal sa narinig ay agad napatayo si JhunaMae nang maalala ang kalagayan ng kaibigan.

"Tayo na! Baka mas mapahamak pa sya roon!" 

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon