Chapter 13:(Panaginip lang pala...)

97 7 0
                                    

(A/N:) Hi guys! Sorry kasi ang tagal ng update ko, eh medyo nagiging busy na rin eh... Ano ba yan! Pasukan nanaman! Sasakit nanaman ang utak ko! GoodLuck po saating mga STUDENT!!! Na sulit n'yo ba ang bakasyon? Ako kasi, malaking HINDI (TT__TT) pero okay lang... Team Matatag to eh! Thank you ulit sa mga readers na bumabasa ng Story kong eme-eme lang!

 Team Matatag to eh! Thank you ulit sa mga readers na bumabasa ng Story kong eme-eme lang!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello mga ate!"

Masayang bati ni Rainie ng makita niya sa gate sina Leona at Genevieve...

Nagulat siya ng hindi siya pansinin ng mga ito, lumapit siya rito at nagtatakang tiningnan ang mga mukha nitong hindi naman naka tingin sa kaniya.

Nagulat siya ng bigla siyang sampalin ni Leona.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi niya kung saan iyon sinampal ng malakas ni Leona.

Gulat na gulat siyang tumingin dito, at halata sa mukha niya ang pagtataka sa biglaang pagsampal sa kaniya ni Leona na sa pag-aakala niya'y isa na sa pinaka mabait at malambing na babaeng nakilala niya.

"B-Bakit mo po ako sinampal ate Leona--"

Natigilan siya sa sasabihin niya ng bigla nanaman siyang sampalin nito sa kabila niya pang pisngi.

"Don't you ever call me ate Leona!"

Inalis niya ang kamay niya na naka hawak sa dalawa niyang pisngi, at unti-unting hinawakan ang kamay ni Leona, pero bigla naman siyang itinulak ni Genevieve kaya napa upo siya sa lapag.

"Ikaw! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito sa pamamahay namin, naiintindihan mo?!"

Napaluhod si Rainie dahil sa biglaang pagtataboy sa kaniya ng mga ito.

"A-Ano po bang nagawa ko? B-Bakit po ba kayo nagagalit saakin?"

Naluluhang sabi ni Rainie, pinipigilan niya ang kaniyang luha na kahit anong oras ay kaya siyang traydurin...

"Hindi mo alam? Wala ka ba talagang alam?!"

Napa yuko si Rainie habang naka luhod sa lapag ng sigawan na siya ni Genevieve.

"Sinabi ni Shane na ayaw ka niyang nandito... Isa ka raw kasing agaw ng gulo... Pati raw siya pinagbabantaan mo!"

Napaangat ng ulo si Rainie dahil sa sinabi nito.

"A-Ano pong sinabi n'yo?"

Gulat na tanong ni Rainie, at unti-unti, naramdaman niyang may tao sa likod niya pero hindi na niya maigalaw ang katawan niya.

Wala siyang nagawa kundi ang hintayin ang mga susunod na mangyayari sa kaniya, maya-maya pa'y naramdaman ni Rainie ang isang mainit na hininga mula sa tenga niya.

At may ibinulong ito na mas ikinagulat niya, kaya napatingin siya kay Shane na nasa tabi niya, pati na rin sa dalawa nitong ate na nasa harap ng gate...

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon