(Author): It's been a while guys! Sana naman na enjoy nyo po kahit papaano yung wala kong kwentang kwento... Konti nalang po ang natitirang chapter bago po matapos ang TMCLS
( ╥ω╥ ) It's kinda sad... Sana abangan nyo po yung mga susunod na mangyayari! Salamat po sa lahat nang nagbabasa at dun po pa mga patuloy na sumusuporta! Thank you po talaga~
"S-Shane?"
Si Rainie na ang kumalas sa yakap ni Shane ng maramdaman niyang kumalma na ito, pero alam nya rin naman sa sarili nyang kumakabog pa rin ang kaniyang dibdib sa mga pangyayari.
Yumuko na lamang si Rainie upang hindi masilayan ni Shane ang kaniyang mukha dahil alam niyang namumula siya ng sobra sa mga oras na iyon.
"Rainie,"
Kumabog nanaman ang dibdib ni Rainie ng marinig ang pagtawag ni Shane sa kaniyang pangalan.
Tinawag n'ya ako sa pangalan ko... Medyo weird, but still... Nakakakaba. Ano bang nangyayari saakin? Nasa Pilipinas ako! Gumising ka nga sa katotohanan Rainie! Hindi big deal dito ang pagtawag sa first name!
P-Pero kasi, 'di naman kami friends, or close... Tsaka madalas nya akong tinatawag na Ms.Alviz! So what now?!
"Rainie?"
Agad napatingin si Rainie sa direksyon ni Shane ng muli siyang tinawag nito ng mapansin nitong tila natahimik ang kaharap.
Gulat na gulat si Rainie ng makitang sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya, kaya agad siyang umatras, ngunit hindi sinasadyang na out of balance siya kaya mumuntikan na siyang mapaupo sa lapag kung hindi lang siya nahawakan ni Shane sa kaniyang bewang.
"Ayos ka lang?"
Agad na tanong nito sa kaniya.
"WAH!"
Malakas na sigaw ni Rainie sabay tulak kay Shane ng makatayo siya ng maayos.
"Ano bang problema mo?"
Muling tanong ni Shane.
Agad na tumalikod si Rainie kay Shane saka niya hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi.
"Oi? Nakikinig kaba?"
Napakagat labi si Rainie dahil hindi niya kayang harapin ang binata.
"U-Uuwi na ako!"
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Fiksi RemajaMuling babalik si Rainie Alviz sa Pilipinas for her own good, akala niya'y magiging masaya ang lahat ngunit kabaligtaran ata ang nangyari simula ng makilala niya si Shane Castroverde. Ang lalakeng hadlang sa kaligayahan at magpapagulo ng lahat. Isam...