Chapter 15:(May Girlfriend Kana?!)

122 8 1
                                    

(A/N:) Heto nanaman po ako,manggugulo ng buhay nyo! Char lang! Sorry mga kaigan, nagkakaroon po tayo ng malaking sakuna sa ating buhay, ang nangungunang dahilan ay ang sandamakmak na mga assignment sa school, at ang kung ano-ano pa pong mga gawain... kaya sana po'y maintindihan ninyo kung bakit mabagal ang aking pag update,alam ko pong nararanasan ninyo rin ang aking nararanasan... Thank you!

Lumipas ang biyernes at sabado, nagtuloy-tuloy ang pagsama ng pakiramdam ni Rainie, siguro'y dahil na rin sa napapadalas na ang bangungot niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang biyernes at sabado, nagtuloy-tuloy ang pagsama ng pakiramdam ni Rainie, siguro'y dahil na rin sa napapadalas na ang bangungot niya.

Linggo ngayon at nasa bahay lang si Rainie, umiisip siya ng paraan para mawala sa isip niya ang tungkol sa kaibigang si Ren.

"Rainie? You look like a panda! Ang laki na ng eye-bags mo! Ayos ka lang ba?"

Nag-aalalang tanong ni Jude kay Rainie ng umupo ito sa sofa katabi niya.

"Wala lang toh kuya, stress lang sa school."

Pagsisinungaling nito sa kapatid, pero halata sa mukha ni Jude ang hindi paniniwala sa sinabi nito,pero kahit na ganoon ay hindi niya nalang inusisa.

"Okay..."

Tangi nalang sabi ni Jude at kinuha ang cellphone, saka binuksan ito.

Nagulat siya ng biglang kunin ni Rainie ang cellphone niya, nang makita niyang pinagmamasdan nito ang wallpaper ng cellphone niya, naalala niya yung ginawa niyang wallpaper, kaya pilit niya itong inagaw kay Rainie.

"Rainie! Akin na yung cellphone ko!"

Sigaw ni Jude habang pilit na inaagaw yung cellphone kay Rainie, habang si Rainie naman ay panay ang layo nito sa kamay ni Jude.

"Woah~ marunong ka na rin palang mang chicks ngayon kuya ha!~ Naka ibabaw pa talaga? Malupet ka pala kuya! Hahaha!"

Mapang-asar na sabi ni Rainie, hindi alam ni Jude kung ano ba ang ginagawa ni Rainie, dahil bigla-bigla nalang itong may pinipindot sa cellphone niya.

"Hoy! Anong kinakalkal mo sa cellphone ko?"

Mas lalong kinabahan si Jude ng sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Rainie.

"Rainie!"

Saway ni Jude, inabot niya agad yung cellphone sa kuya niya sabay takbo papaakyat.

Nagtaka naman si Jude kung bakit bigla itong tumakbo.

"Nabubuang na yata yun?"

Tangi nalang nasabi ni Jude saka muling ibinalik ang tingin sa cellphone.

Napailing nalang si Jude ng makita niyang muli ang wallpaper ng cellphone niya.

Bakit ko nga ba ginawang wallpaper ang picture na ito?

Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung araw na nakita ni Jude yung babae sa garden sa school, hindi na umalis ito sa isipan niya. Palagi nalang rumirihisto ang mapupungay nitong mga mata sa kaniyang isipan, at kung minsan ay bigla nalang siyang mapapangiti dahil parang naririnig niya ang boses nung babae.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon