Chapter 18:(Boys Love Conversation)

83 6 0
                                    

(A/N:) Sorry guys, medyo matagal na talaga ang update ko ngayon, I'm so damn busy this day... sorry talaga, pero sana maenjoy mo manlang tong Chapter na toh! Gamsahamnida!♡

*****

"Babe, I really wan't you tonight~"

Mapang-akit na sabi ng isang babae kay Shinjie, habang naka upo ito sa isang mahabang sofa sa isang private room sa Paradise bar na si Jeremy naman ang nagmamay-ari.

Ngumisi lang si Shinjie sa babae, sabay siil ng halik dito.

Hindi naman sila nag-aalalang may makakita sa kanila dahil wala naman talagang tao sa loob ng kwarto.

Pababa ng pababa ang halik ni Shinjie, hanggang mapunta na ito sa leeg nung babae, panay naman ang moan nung babae dahil sa ginagawa ni Shinjie.

Nahinto sila ng marinig nila ang pagbukas ng pintuan, kaya agad silang napatingin doon.

Nakita nila si Jeremy na naka sandal sa pintuan habang naka cross-arm.

"Sorry."

Naka ngising sabi ni Jeremy, naintindihan naman ni Shinjie ang ibig sabihin ni Jeremy kaya tiningnan niya muli yung babae, hinaplos niya ang pisngi nito at inilagay sa gilid ng tenga nito ang ilang hibla ng buhok nung babae.

"Sorry babe, I have some business that i need to do right now. We will continue it next time~"

Naka ngising sabi ni Shinjie sabay halik dun sa babae, halata sa mukha nito ang pagkabitin, pero wala naman siyang nagawa kaya lumabas na rin siya sa kwarto naiwan na lamang sina Shinjie at Jeremy.

"Mukhang naeenjoy mo na talaga ang pagpunta-punta mo rito ha? Subukan mo kayang magbayad. Malulugi ang bar ko n'yan sa'yo eh."

Natatawa namang tumingin si Shinjie sa kuya niyang si Jeremy na umupo naman sa tabi niya.

"Loko-loko ka pa rin ba hanggang ngayon?"

Panimula ni Jeremy habang kumukuha ng vodca, ngumisi naman si Shinjie...

"Halata ba? Tsaka, di lang naman ako ang loko-loko sa ating magkakapatid, di'ba nga kasama ka rin sa listahan... Nandun rin si Matthew, na halos linggo-linggo iba-iba ang nagiging girlfriend."

Natawa naman si Jeremy sa sinabi ng kapatid, uminom muna siya sandali sabay balik ulit ng tingin kay Shinjie.

"Oo na, kasama nga ako... pero mas loko-loko ka, kasi ako madalang lang, ikaw araw-araw. Wala ka bang balak maging matino?"

Naka ngising tumingin si Shinjie sa kapatid na si Jeremy,

"Eh ikaw ba kuya? Wala ka bang balak maging matino?"

Bumusangot ang mukha ni Jeremy, dahil alam niyang inulit lang nito ang tanong niya.

"Alam ko sa sarili kong magiging matino rin ako, pag dumating na yung babaeng para saakin... lahat ng mga bagay na ginagawa ko na hindi naman dapat, ititigil ko yun para sa kaniya."

Seryosong saad ni Jeremy, napatigil naman si Shinjie sa sinabi ng kapatid niya.

"Ikaw ba? Iiwanan mo ba lahat mga bagay na meron ka para sa babaeng mahal mo?"

Dagdag pa nito, napaayos ng upo si shinjie habang naka dekwatro naman ang kaniyang mga binti at naka cross-arm.

"Hmmm, ewan ko... Hindi ko pa kasi na eexperience yung LOVE na sinasabi mo eh... Kaya hindi ko pa alam ang sagot sa tanong mo."

Ngumiti naman si Jeremy sabay tap sa balikat ni Shinjie kaya napatingin ito sa kaniya, sakto namang patayo na ito para lumabas.

"Tara, labas tayo... Masyadong tahimik dito."

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon