Chapter 39:(Love, Not Love #4)

67 4 1
                                    

Nagtatawanan sina Ica at Devon ngayon habang naglalakad, pinagkukwentuhan kasi nila yung mga ginagawa nilang kalokohan noong mga bata pa sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtatawanan sina Ica at Devon ngayon habang naglalakad, pinagkukwentuhan kasi nila yung mga ginagawa nilang kalokohan noong mga bata pa sila.

"Diba nga dati nadapa ka tapos hindi mo alam na may tae pala dun sa lapag kaya yun yung nahawakan mo, hahaha iyak ka nga ng iyak nun e."

Natatawang sabi ni Devon kay Ica ng maalala nito ang nakakahiyang pangyayari na nangyari kay Ica noong bata pa sila.

"Ano ba yan, pinaalala mo pa yun hahaha!"

Biglang tumahik ang paligid sa kanilang dalawa, para bang ang aliwalas ng kanilang nilalakaran, na akala mo'y sila lang dalawa ang nandoon.

"Nga pala Devon, may tanong ako sa iyo."

Pagbasag ni Ica sa katahimikan nila.

"Ano yun?

Naglakad si Ica patalikod,pero sinasabayan niya pa rin ang kaibigan.

"Hmmm...Paano kaba napasama sa XOXO?"

Biglang sumibol ang ngiti sa labi ni Devon.

"Hindi ko rin alam kung paano nagsimulang nagsama-sama kami bilang isang grupo. Basta masaya lang kami pagmagkakasama kami, hanggang sa nabuo na nga yung XOXO."

Napatango-tango naman si Ica sa sagot ni Devon sa kaniya.

"Pero masasama ang ugali nila, nambubully sila ng mga estudyante, kaya bakit gusto mo pa ring mapasama sa grupo na nyo?"

Umiling naman si Devon sa kaniya.

"Hindi sila masasama, mabubuti silang tao. Nasasabi lang na masama sila dahil ang palagi nyong nakikita ay yung part na may pinaparusahan sila. Pero kapag nakasama mo sila, masasabi mo nalang sa sarili mong hindi pala sila katulad ng iniisip nila. Na may mabubuti rin silang puso, na masarap silang kasama."

Biglang pumasok sa isipan ni Ica ang kaniyang mga kaibigan, napangiti siya ng mabalik sa kaniyang isipan ang mga nagawa nito para sa kaniya at pati na rin sa kanilang grupo.

"Ah! Last na question ko na 'to. Napansin ko si Shane, bakit ganun sya? Kalat ang balita sa school na may babae raw syang hinahanap noon pa. Totoo ba yun?"

Tumango ulit si Devon bilang 'Oo'.

"Talaga?"

"Oo, totoo yun. Yun din ang dahilan kung bakit ganun ang ugali ni Shane. Hindi niya magawang ngumiti o, magsaya dahil meron pa ring kulang para sa kanya. Kahit nasakanya na ang lahat, wala naman yung babaeng mahal nya."

"Sino naman yung swerteng babae na yun? Wala pa akong nababalitaang nagkaroon ng girlfriend si Shane kahit isa."

Ngumiti si Devon, saka tumango.

"Para kasi kay Shane, wala ng mas hihigit sa first love nya. Hinanap nya ang babaeng yun para tuparin ang promise nilang dalawa."

Biglang nalungkot si Ica sa ikinuwento ni Devon.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon