Chapter 32:(Bat Galit?)

66 6 0
                                    

"Ano?! Aso mo si Rainie?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ano?! Aso mo si Rainie?!"

Umalingaw-ngaw sa buong office ang boses ng buong XOXO bukod lang kay Devon at Shane.

Napatingin sila sabay-sabay kay Rainie na talagang hindi makapaniwala.

"Is this for real?"

Kunot noong tanong ni Ruel kay Shane, hindi naman umimik si Shane at muli nalang ibinalik ang tingin sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

"No way..."

Hindi makapaniwalang sabi naman ni Junho habang nakahawak sa kaniyang baba.

"Paanong nangyari yun?"

May pagtataka ring tanong ni Lucas, pare-pareho silang may kanya-kanyang tanong sa kanilang isip. Tulad nang, paanong napapayag ni Shane si Rainie na maging sunod-sunuran rito, samantalang alam naman nila na hindi basta-basta napapapayag si Rainie kung--

Napatingin silang muli kay Shane kasama ang mapangkilatis na tingin.

Siguradong may pain si Shane kay Rainie...

"Teka nga Shane, ano bang ginawa mo't napapayag mo nalang bigla si Rainie na maging sunod-sunuran sa'yo?"

Osyoso ni Chani ng tumabi siya sa gilid ni Shane, tumingin naman ito sa kaniya ng seryoso.

"It's none of your business."

Saka siya ngumisi, hindi naman makapaniwala si Chani sa inasal ni Shane sa kaniya.

Tumayo si Shane sa kaniyang kinauupuan at nilapitan ang direksyon ni Rainie na ngayun ay nakatulala't nakangangang nakatingin sa kaniya.

Pinaling ni Shane ang kaniyang ulo sa ibang direksyon saka tinakpan ang kaniyang bibig dahil hindi niya mapigilan mapangiti ng makita ang itsura ni Rainie.

Nang mapakalma niya ang kaniyang sarili, inayos niya ang kaniyang sarili at agad na hinawakan sa kamay si Rainie saka dare-daretsong lumabas ng guidance office ng hindi 'man lang nagpaalam sa mga kaibigan.

Hindi makapaniwala ang XOXO sa kanilang mga nakita.

"Hinawakan ba ni Shane ang kamay ni Rainie?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Junho sa mga kasama saka binalingan ng tingin ang mga ito.

"I guess..."

Nakangiting saad ni Devon.

"Woah, nagbago na nga talaga si Shane."

Dugtong pa ni Lucas habang napapakunot nalang ang kaniyang noo dahil sa kakaisip.

"Di'ba allergic si Shane sa babae? Ayaw na ayaw niya ngang hinahawakan siya ng kahit sino, tulad nalang ni Rose."

Takang tanong ni Carl, sabay-sabay namang tumango XOXO.

Maliban lang kay Ivhan na hindi na maipinta ang mukha.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon