Chapter 50: (Confession 03)

50 5 0
                                    

Bumaba na agad si Zen sa kotseng sinasakyan nilang dalawa ni Miles ng makarating na sila sa mansion na pagmamay-ari naman ng pamilya nila.

Pinagbuksan ni Zen ng pinto si Miles at hinayaan lang itong makalabas ng maayos sa kotse bago niya isinara iyong muli.

"Welcome home young master, and my lady."

Bati ng butler nilang si Ruben.

"Take care of the car."

Tanging sabi ni Zen, nag bow naman  si Ruben.

Maglalakad na sana sina Zen at Miles ng bigla siyang tawagin ng butler.

"Young master ang iyong mama, nasa loob siya at hinihintay kayo."

Pagpapaalala nito.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Zen.

"Zen, are you alright?"

Nag-aalalang tanong ni Miles.

"I just have this feeling that there is something going on in here..."

May pangamba niyang tugon sa dalaga.

"I think, I already know it..."

Malungkot na sabi ni Miles.

Tinignan naman siya agad ni Zen.

"Miles..."

Tinignan rin ni Miles si Zen sabay ngiti ng mapait rito.

"I'm sure that, it's about the arrange marriage..."

Nalungkot si Zen ng makita ang pagkalungkot ng kaniyang pinsan.

Ipinagpatuloy na lamang nilang muli ang kanilang paglakad hanggang makapasok sila sa loob ng mansion.

Agad silang nilapitan ng isa sa mga maid na nandodoon, at sinabing dumaan sila sa dining room.

Hindi na sila nagtaka kung bakit doon sila pinapapunta ng kanilang mga magulang.

Nang makapunta sa dining room ay makikitang mayroon ngang mga hindi kilapang bisita ang kanilang pamilya.

Lahat ay luminga sa kanila bukod lang sa binatilyong nasa dulo ng lamesa katabi ng mga bisita.

"Nandito na pala kayo, umupo na kayo."

May pag-aalinlangang naglakad si Miles papunta sa pinaka dulong upuan sa side ng kaniyang mga magulang at katapat rin ng binatilyong nasa dulo na hindi naman siya nilingon, si Zen naman ay tumabi sa kaniyang pamilya.

Nang makaupo si Miles ay naka yuko pang naman siyang naka tingin sa platong nasa ibabaw ng lamesa.

"Miles, ito nga pala ang pamilya Jang. And this is their older son Ruel Vincent Jang, your fiance."

Pakilala ng mama ni Miles sa pamilya ng soon to be husband niya.

Ruel? Kapangalan niya pa ang fiance ko. Niloloko ba ako ng tadhana? Sa lahat-lahat ng pangalan, yun pa ang napili nila para sa magiging fiance ko, how pathetic.

Tanging sabi ni Miles sa kaniyang isip habang patuloy pa rin sa pagtingin sa kaniyang plato.

"Miles?"

Tawag ng binatilyo sa kaniya.

Kaboses niya pa, nakakainis naman naaalala ko tuloy siya.

Patuloy ni Miles na sabi sa kaniyang isip.

"Miles? Are you ok?"

Nag-aalalang tanong ng binatilyo sa kaniya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon