Chapter 27:(You will be my Dog)

67 7 0
                                    

Simula nung araw na hinatid ni Shane si Rainie sa bahay nito, hindi na sila nagkausap pang muli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula nung araw na hinatid ni Shane si Rainie sa bahay nito, hindi na sila nagkausap pang muli.

Ngayong araw na ito ay nagsisimula nanaman si Rainie mag-over the bakod para makapasok sa loob ng Neoz High.

Walang kapagod-pagod siyang nakaayat sa itaas ng pader at agad na bumaba.

Nagsuot siya ng school uniform para hindi siya mahalata, may dala ulit siyang sumbrelo para matakpan kahit papaano ang kaniyang mukha kapag yumuyuko siya sa tuwing may madadaanang mga estudyante.

Agad na dumaretso si Rainie sa guidance office, alam niya kasing sa mga oras na yun ay wala si Shane sa office para magbantay.

Kaya naman naisipan niyang pumasok ulit sa guidance office para magawa na niya ang dapat niyang gawin.

Pasimpleng naglakad si Rainie papalapit sa pintuan nung office, tumingin muna siya sa kaniyang paligid para siguraduhing walang tao sa paligid, nang makita naman niyang walang tao, agad agad siyang pumasok at dahan-dahang isinara ang pintuan. Nang humarap siya, gulat siyang napasandal sa pintuan ng biglang iharang ni Shane ang kaniyang kamay sa pinto at nakangising tumingin kay Rainie.

"I-Ikaw pala Shane, kamusta?"

Painosenteng tanong nito habang pilit na ngumiti.

"Wala ka talagang kadala-dala no? Sobrang tigas talaga ng kokote mo at talaga aakyat ka pa ng bakod para lang makapasok dito sa guidance office, ganyan ka ba kapatay na patay sa akin? Siguro gusto mo nanaman akong nakawan ng halik."

Tinulak bigla ni Rainie si Shane papalayo sa kaniya, kaya naman napaurong ito.

"Wow ah! Ang lakas naman ng hangin mo. Hindi ako nagpapakahirap umakyat sa bakod para sa'yo."

Ngumisi nanaman si Shane sabay iling.

"Mahirap pa pala para sa'yo yun? Para ka ngang akyat bahay gang, kung makaakyat ka ng bagod dito sa school eh."

Naka cross arm ang kamay na sabi ni Shane, nagsimula na siyang bumalik sa table niya saka siya umupo at tiningnan ng mabuti si Rainie.

"Upo."

Utos ni Shane, kaya kahit labag sa loob ni Rainie na sumunod dito, ay umupo nalang siya.

"Spill it."

Pasimpleng tumingin si Rainie kay Shane at parang hinihintay nitong magsalita pa ulit ang kaharap.

"I said spill it. Now."

May diin pang saad ni Shane kaya naman napaharap sa kaniya si Rainie para sabihin ang kaniyang plano.

"Pres, ipakita mo saakin ang CCTV fotage nyo dito please~"

Paawa effect na sabi ni Rainie, pero mukha wala namang epekto kay Shane.

Inilapit ng konti ni Shane ang mukha niya kay Rainie kaya naman gulat na napaatras ito ng pagkakaupo, ngumisi lang naman si Shane na para bang nang aasar.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon