Chapter 47: (Interesting...)

36 6 0
                                    


Habang naglalakad sa hallway kasama ang mga kaibigan ay may biglang humila kay Rainie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang naglalakad sa hallway kasama ang mga kaibigan ay may biglang humila kay Rainie.

Nagulat siya dahil tinakpan nito ang kaniyang bibig.

Nahinuha niyang lalake ito dahil sa kamay nito at kung gaano ito kalakas.

Sinubukan niyang alisin ang kamay ng lalake sa kaniyang bibig.

"Shhhhh... Ako ito."

Simpleng sabi ng lalakeng nasa likuran ni Rainie, agad niyang napamilyaran ang boses kaya naman agad rin siyang kumalma.

Dahan-dahang inalis ng lalakeng humila sa kaniya ang kamay nitong nakatakip sa bibig ni Rainie.

Agad na hinarap ni Rainie ang lalake.

"Shane?"

Matamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Shane ng masilayan si Rainie.

Ngumiti rin si Rainie pero agad rin itong nawala at napalitan ng pagbusangot.

Sunod-sunod na hampas sa braso ang natanggap ni Shane.

"Ikaw! Hindi mo ba alam na muntik na kitang balian ng buto-"

Naputol ang sinasabi ni Rainie ng hilahin muli siya ni Shane at agad siyang niyakap.

Gulat na gulat si Rainie sa ginawa ng binata.

"Shhh..."

Tanging sabi ni Shane sabay tingin sa labas kung saan nandoon ang daanan.

Dahan-dahang gumilid si Shane habang yakap-yakap pa rin ang dalaga.

"Rainie? Saan ba nagpunta yung babaeng 'yun?"

Takang tanong ni Kyle sa sarili, nadaanan niya ang kinaroroonan nila Shane at Rainie ngunit dahil madilim sa parte na iyon ay inisip niyang imposibleng pumunta roon si Rainie kaya nagpatuloy lang siya sa pagsilip sa mga kalapit na room.

Nang marinig ni Rainie ang boses ni Kyle ay sinilip niya ito, ngunit nagulat siya ng bigla siyang sininok, agad siyang napatakip sa kaniyang bibig.

Narinig naman ni Kyle ang tunog na nagmumula si kinaroroonan nila ni Shane.

Agad na curious si Kyle kung saan ng galing ang tunog na iyon.

Muli siyang naglakad papunta sa sulok kung saan ay may madilim na parte.

Tinitigan niya ng mabuti ang loob ng sulok na iyon ngunit wala talaga siyang makita.

Dahan dahang humakbang si Kyle papasok sa loob ng sulok na iyon, kaya naman mas sumiksik pa si Shane habang yakap yakap pa rin si Rainie.

"Kyle!"

Gulat na napahinto si Kyle sa kaniyang paghakbang ng bigla siyang hawakan ni Ji-Ann sa balikat.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon