Chapter 17:( Sigurado akong si Xyra ang may kasalanan... )

102 7 0
                                    

"39'c

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"39'c... Ang taas ng lagnat niya, dalhin na kaya natin siya sa Hospital?"

Nag-aalalang sabi ni Jude ng makita kung gaano kainit si Rainie gamit ang termometer.

"Mabuti pa nga,"

Sagot naman ni Estebhan, halos lahat ng kuya ni Rainie ay nasa loob na ng kwarto ni Rainie, kanina ay busy ito sa mga kanya-kanyang trabaho at ginagawa sa school, pero ng malaman nilang pinauwi si Rainie dahil sa masama ang pakiramdam nito, kanya-kanya rin silang uwi para malaman ang kalagayan ni Rainie.

"Kuya, hindi na... Dito nalang po ako..."

Mahinang sabi ni Rainie, habang papungay-pungay ang matang tinitingnan ang kaniyang mga kuya.

"Ano ka ba naman Rainie! Alam mo naman palang masama ang pakiramdam mo,bakit ka pa pumasok?"

Inis na tanong ni Zyron kay Rainie, lahat kasi sila ay nag-aalala kay Rainie mula pa noong bago ito umalis ng bahay.

"Dalawang linggo palang akong pumapasok, ayokong umabsent dahil lang sa lagnat na to... Ayokong madissapoint saakin si Appa..."

Sabi ni Rainie, nanahimik naman ang mga kuya niya sa paliwanag ng kapatid.

"Mabuti pa't ako nalang ang mag-aalaga kay Rainie, may kanya-kanya pa kayong trabaho, Jude at Matthew bumalik na kayo sa school... Mga kuya,magsibalik na rin kayo sa mga trabaho nyo."

Naka ngiting sabi ni Estebhan, alam niya kasing komportableng kasama si Rainie kung siya lang ang nagbabantay sa bunsong kapatid.

"Ako rin! Dito nalang rin ako, babantayan ko si Ren-ren."

Agad na lumapit si Shinjie sa higaan ni Rainie, pero umiling naman si Estebhan.

"Bakit hindi pwede?! Gusto ko rin siyang bantayan!"

"Kuya Shinjie, kailangan ka ngayon sa Hospital... Di'ba ikaw ang leader ng grupo nyo? Kaya dapat nandoon ka."

Saway naman ni Estebhan kay Shinjie, nagpout ito at saka umalis sa higaan ni Rainie.

"Kung makapagsalita ka saakin parang hindi mo ako kuya..."

Inis na sabi ni Shinjie, napa ngiti lang si Rainie na tinitingnan ang kaniyang mga kuyang isa-isa ng lumalabas.

"Pagaling ka Ren-ren!"

Masiglang sabi ni Jacob kay Rainie, nakipag-apir siya rito bago lumabas.

"Ren-ren, take your madecine on the right time,okay."

Paalala naman ng naka poker-face na si Jericho, naka ngiti namang tumango si Rainie.

"Ang tigas kasi ng kokote mo eh, lagot ka talaga saakin kapag gumaling kana..."

inambaan siya ng kutos ni Jude kaya napa pikit siya,pero hinimas-himas lang naman nito ang kaniyang buhok.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon