Chapter 37:(Love, Not Love #2)

88 6 1
                                    

(A/N:) Thankful po ako sa mga readers ng story ko na still keep on waiting kahit super tagal, mahal na mahal ko po kayong lahat... salamat po sa support... Kamsahamnida

"Ruel saan ba kasi tayo pupunta?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ruel saan ba kasi tayo pupunta?"

Pang labing-dalawa ng tanong ni Ivhan sa katabing si Ruel na siya namang nagda-drive ng kotseng sinasakyan nila ngayon.

"Nag volunteer kasi akong tumulong sa isang Charity para mamigay ng mga pagkain sa mga bata roon, pati na rin yung mga homeless na tao."

Napasandal si Ivhan sa headboard dahil sa pagkairita.

"Ikaw nga ang nagvolunteer 'di ba? Eh bakit sinabit mo pa ako?"

Angal niya sa kaibigan, ngumiti lang naman si Ruel sa kaniya.

"Masyado ka na kasing makasalanan kaya dapat lang na tumulong ka, sure naman akong matutuwa ka roon dahil mababait ang mga batang nandoon."

Inismiran lang siya ni Ivhan saka umiling.

"Ewan ko sa'yo, lakas rin ng trip mo 'no?"

"Hindi trip ang ginagawa ko, tumutulong lang ako sa iba."

Nagulat si Ruel ng biglang suntukin ni Ivhan ang braso niya.

"Aray! Anong problema mo?"

Takang tanong ni Ruel saka sandaling sinilip ang katabing si Ivhan.

"Bawi ko nalang yan ngayon, pasalamat ka wala akong gagawin ngayon kaya sasamahan na kita."

Ngumiti si Ruel saka ginulo ang buhok ni Ivhan kaya agad siyang pinandilatan ng mata nito.

"Thank you."

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa charity na kanilang pupuntahan, saktong nakita siya ng mother superior na namamahala sa charity na iyon.

Agad na lumapit si Ruel sa madre at masaya rin naman siyang sinalubong nito, nang makalapit si Ruel agad siya nagmano rito bilang paggalang.

"Kaawaan ka ng diyos."

Nakangiting sambit sa kaniya ng madre.

"Salamat po."

Sagot niya naman rito.

"Mabuti naman at nakarating ka, akala ko kasi ay hindi kana makakapunta kaya naman nagsimula na kaming ipamigay ang mga regalo para sa mga bata."

Tumango na lamang si Ruel dahil nag-aalala rin siya kanina habang nagmamaneho kung naipamigay na ba ang mga regalong kaniyang ipinadala sa bahay-ampunan upang ipamigay sa mga bata, masaya siyang narinig na nagustuhan naman iyon ng mga bata.

"Mabuti pa at pumasok kana sa loob, mayroon ring mga bagong volunteer ang naririto upang tumulong. At siguradong matutuwa ang mga bata kapag nakita ka. Mauuna na muna ako dahil may kailangan muna akong asikasuhin, babalik na lamang ako maya-maya. Ikaw na munang bahala sa mga bata Ruel."

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon