Chapter 5:(Celestial Park)

112 8 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang bilis ng araw para kay Rainie, parang kailan lang ay kakarating niya lang sa Pilipinas. Tapos bukas papasok na siya sa bago niyang papasukan na school.

Para sulitin ang nag-iisang araw na malalasap pa niya ang bakasyon, naisipan niyang gumala para mamasyal sa buong village.

Dahil hindi na niya maalala ang dati niyang nakaraan sa village na tinitirhan nila,naisipang isama ni Rainie si Kyle.

Nasa kwarto ngayon si Rainie, nagbihis na siya ng maayos na damit. Nagsuot siya ng black jeans at isang white t-shirt na may design na emo na kulay pink sa gitna nito.

Kinuha ni Rainie ang cellphone niya na nasa ibabaw lang ng cabinet niya.

Agad niyang hinanap ang pangalan ni Kyle sa contacts niya.

Nang makita na niya ito, agad niya itong tinawagan at inilagay ito sa tenga niya.

Nang matapos ang tatlong ring, sinagot na rin ni Kyle ang tawag sa kaniya ni Rainie.

"Hello? Kyle, please pick me up, dito sa bahay ha. Samahan mo akong gumala, ikaw na rin ang magdala ng car. Alam mo namang hindi ako marunong magdrive."

Pangbungad niya, hindi naman kaagad naka sagot si Kyle dahil sa daretsong pagsasalita sa kaniya ni Rainie.

"Hindi ba uso sayo ang 'HELLO?'. Tapos isasama mo lang ako dahil marunong akong mag-drive?"

Kyle ask in a 'lazy way.

"No, it's not like that. Gusto kitang makasama today, kasi-- alam mo na. School Day."

Pagpapalusot ni Rainie sa bestfriend niyang si Kyle.

"Yeah, your right. Magiging busy na tayo pagkatapos ng araw na to...Okay, just wait me in 5 munites. I'll pick you up there."

Pagpayag ni Kyle, lumabas naman ang ngiti ni Rainie ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

"Okay, thank you bestie! Bye, see you later!"

Binaba na ni Rainie ang tawag niya kay Kyle, excited siyang nag-ayos ng sarili niya at agad na kinuha ang shoulderbag niya na palagi niyang dinadala.

Lumabas na siya ng kwarto at bumaba papunta sa sala, para doon hintayin ang kaibigan. Magkaiba kasi ang Village na tinitirhan ni Kyle na medyo may kalayuan kana Rainie.

Umupo muna siya sa isang mahabang sofa katabi ang mga kuya niyang sina Jude, Aldrin, Jeremy, at Jericho. Nagtaka naman siya ng hindi niya makita ang isa niya pang kuya na si Matthew.

"Where's kuya Matthew? I didn't see him around, even this morning."

Tanong ni Rainie sa mga kuya niyang busy sa panonood ng action movies.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon