Chapter 34:(I think I'm crazy)

89 7 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nasa garden si Rainie at masayang kasama si Shane, hindi makapaniwala ang lahat nang makita kung gaano sila kasweet sa isa't isa. Halos lahat na ata ng fans ni Shane ay nandoon na, pero ang namumukod tangi sa kanila ay si Xyra na halata ang sobrang galit habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Shane, hindi kaya ako saktan ng mga fan girls mo? Baka mamaya nyan may bigla nalang humila ng buhok ko, or magbuhos ng malamig na tubig sakin or baka saksakin nalang ako bigla."

Lumitaw lang ang matamis na ngiti sa labi ni Shane sabay gulo sa kaniyang buhok.

"Wag kang mag-alala, po-protektahan naman kita eh."

Sweet na sabi ni Shane, napangiti nalang rin si Rainie dahil naka ramdam siya ng kilig sa sinabi nito.

"Sus! Bola, mas malakas kaya ako sayo."

Halos maduling na si Rainie ng ilapit ni Shane ang mukha nito sa kaniya.

"Oo nga, kaya nga ang lakas ng tama ko sayo eh."

Sunod na banat pa ni Shane, pinamulahan na ng pisngi si Rainie.

"A-Ano ka ba naman, ginagawa mo nanamang abnormal ang heartbeat ko eh..."

Nahihiyang sabi ni Rainie kaya yumuko siya para hindi makita ni Shane ang kaniyang pamumula.

"Rainie..."

Nang tawagin ni Shane ang kaniyang pangalan, automatic na umangat ang kaniyang ulo, napagtanto nalang niya na agad na palang nahawakan ni Shane ang gilid ng kaniyang labi na para bang may inalis gamit ang kaniyang hinlalaki.

Nang ialis ni Shane ang kaniyang kamay ay pinakita niya ang kaniyang hinalalaki kay Rainie na may ketchup.

"May ketchup sa gilid ng labi mo.."

Bumilis nanaman muli ang tibok ng puso ni Rainie ng isubo ni Shane ang kaniyang hinlalaki na may Ketchup.

Natikom ang kaniyang labi ng titigan siya ni Shane na makahulugan.

"Hindi ba, indirect kiss na ang ginawa ko?"

Pagtatanong sa kaniya ni Shane na mas nagpabilis pa ng tibok ng kaniyang puso, para bang nahihirapan na siyang huminga.

Napatango nalang si Rainie na hindi niya namamalayan.

Mas tumamis ang ngiti ni Shane sa kaniya.

"Gusto mo bang gawin nating totoo?"

Napatigil ang paghinga ni Rainie dahil sa walang pag-aalinlangang sabi sa kaniya ni Shane.

Napagtanto nalang niya na unti-unti na palang lumalapit ang mukha ni Shane papalapit sa mukha niya.

"Rainie..."

Pagbanggit ni Shane sa pangalan ni Rainie, automatic na rin siyang napapikit.

Pero imbis na malambot na labi ang kaniyang maramdaman, isang malakas na bitik sa kaniyang noo ang kaniyang naramdaman.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon