Chapter 12:( Bakit nga ba ako tumawa? )

108 7 0
                                    

(A/N:) Ahhhh! Init sa PHILIPPINES~! Kasing hot ng bumabasa nito... HAHAHA! Joke! Charos lang! Huwag masyadong matuwa... I wish mas dumami pa ang sumuporta ng story ko, hindi ko na kayo kukulitin na mag comment at mag vote sa story ko, ano ba namang magagawa ko kung ayaw nyo naman talagang magcomment or magvote man lang... Thank you pa rin po sa pagbabasa ng story ko! Cheer up lang po tayo!

***

Nakasakay ngayon si Rainie sa scooter niya habang tinatahak na ang daan papunta sa bahay nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakasakay ngayon si Rainie sa scooter niya habang tinatahak na ang daan papunta sa bahay nila.

Sobrang lawak ng ngiti ni Rainie, hindi pa rin kasi siya maka move-on sa nangyari sa first day niya...

Pero nag-aalala rin siya, baka kasi bukas makaranas na kaagad siya ng paghihirap sa Neoz High.

Mga ilang minuto pa ay papasok na siya sa Celestial Village, pero umagaw ng pansin niya yung playground na nakita niya nung naka sakay sila sa Van.

Naisip ni Rainie na pumunta muna doon sa playground.

Hindi niya alam, pero pakiramdam niya hinahatak siya papunta doon.

Ipinasok niya rin ang scooter niya, medyo maliwanag pa naman ang paligid pero naka bukas na ang mga ilaw doon.

Ipinarada niya malapit sa slide yung scooter niya, pinagmasdan niya ang paligid habang naka upo pa rin sa scooter.

"Mukhang walang masyadong pumupunta dito..."

Naka ngiti nitong sabi sa sarili, mas napa ngiti siya ng makita yung duyan.

Agad siyang lumapit doon at umupo sa isa sa mga duyan.

Umatras siya ng konti para magswing yung duyan.

"Yiiihhh~"

Parang batang sabi niya ng bigla niyang itaas ang paa niya kaya nagswing yung duyan.

"Sabi ni Kuya Jacob-- palagi raw akong nandito..."

Tumingin sa langit si Rainie, at biglang napaisip sa sinabi niya.

Muli niyang naalala yung sinabi ng kuya niya na meron daw siyang iniisip noong mga oras na naaksidente sila.


Habang naka tingin sa langit, may bigla siyang narinig na boses sa isipan niya.

"Ayos ka lang ba?"

Biglang siyang napa hawak sa ulo niya. Naka ramdam siya ng pananakit nito, kaya napahinto siya sa pagduduyan. Bigla kasi niyang narinig ang boses niya noong bata siya, pero hindi niya alam kung bakit.

"A-ano nangyayari? B-bakit may naririnig akong boses?"

"Binubully ka ba nila?"

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon