Chapter 51: (Confession 04)

67 3 1
                                    

"Pano ba 'yan? Panalo ako."

Mapang asar na sabi ni Ivhan kay Rainie na halata namang hindi tanggap ang pagkatalo.

"Maduga ka! Akala ko ba hindi kapa nakakapaglaro sa ganitong lugar? How come your so great in any games in here?"

Irita naman nitong busisi sa kaharap.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ivhan.

"I told you, I've never been in this kind of place, but I never said that I don't know any games in here. Tsaka sinabi ko na sayo, may game room kami sa bahay, hindi naman ako mang mang tulad ng inaasahan mo. Ang mas nakakatuwa pa dito, walang kathrill thrill ang mga games dito, hindi 'man lang ako pinag pawisan."

Patuloy na pang aasar nito.

Na talaga namang nakakapag painit ng ulo ni Rainie.

"Fine! Ako na ang manlilibre, natural na siguro sa inyong mag babarkada ang pagiging ungentleman, tsk!"

Inis nitong sabi bago tinalikuran ang kaharap.

Napatakip ng bibig si Ivhan para itago ang kaniyang malawak na ngiti.

I really enjoy this, never thought na magiging masaya ang pag babalik ko sa Pilipinas.

"Ivhan!"

Napatingin si Ivhan kay Rainie na patakbo namang lumapit sa kaniya.

"Tara!"

Agad na hinigit ni Rainie ang kamay ng binata saka ito dinala sa isang machine.

Napakunot naman ang noo ni Ivhan sa dalaga, halata sa mukha ni Rainie ang pagka excite.

"May token ka pa hindi ba? Ibigay mo nalang sakin!"

Masaya nitong tinignan ang binata.

"What for?"

Tanong naman niya agad.

"Gusto kong makuha yung white bear na yun! Yun oh!"

Masayang turo niya sa stuffed toy na nasa loob ng machine na iyon.

"Fine."

Kinuha agad ni Ivhan ang naririta niyang token sa bulsa saka iyon inabot sa kamay ni Rainie.

"Oh! Ang dami pa nito ah, nagsasayang ka ng pera tsk! Ako na gagamit nito para di sayang."

Agad pumwesto si Rainie sa harap nung machine, nag stretching pa siya ng kamay at tila sumeryoso ng mukha.

Pinag mamasdan lang naman siya ni Ivhan dahil pakiramdam niya'y magiging madali lang naman iyon.

Ano bang ginagawa niya? Sobrang dali lang naman nyan.

Walang ideyang sabi ni Ivhan sa kaniyang isip, sabay iling-iling.

Naghulog na si Rainie ng token sa machine, at nagsimula ng galawin ang controller nito.

Maingat niyang ginagalaw ang controller na tila buwis buhay ito.

Tumingin tingin pa siya sa iba't ibang ang gulo upang masakto ang kaniyang pagkuha dito.

Nang pindutin niya ang botton, agad na bumaba ang pangkuha ng mga stuff toy sa loob nung machine.

Parehong na excite sila Rainie at Ivhan ng makuha ang white bear, pero agad rin iyong nabago ng mahulog ito.

"Ah! Madugaaaaaa!"

Iritang sigaw ni Rainie.

Napatingin naman si Ivhan sa dalaga dahil ramdam ang pagka disappoint nito.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon