Chapter 41:(Hindi kita gusto)

99 7 0
                                    

Hello guys, alam ko late na publish, pero akala ko kasi na publish sya kahapon... Yun pala namatay yung net ko kaya hindi sya na publish... so, ito na po yung next chapter... please, keep on supporting Salamat dun sa mga palaging naghihintay at palaging nagrerequest nang next chapter... na appreciate ko po talaga yung sipag nyo sa paghihitay Saranghae~♡♡

#TMCLS
#ShaRain 

Nang umalis si Rainie sa kanilang classroom ay agad siyang nagtungo garden nang kanilang paaralan na exclusive naman sa babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang umalis si Rainie sa kanilang classroom ay agad siyang nagtungo garden nang kanilang paaralan na exclusive naman sa babae.

Nang makarating siya roon ay agad siyang lumapit sa isang puno kung saan sila palaging tumatambay kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Umupo siya sa kaniyang palaging inuupuan at sumandal sa punong nasa likuran niya.

Tumingala siya at dinama sandali, kumalma na ang kaniyang sarili... Kung hindi lang bumalik sa kaniyang isipan ang napakalaking pagkakamaling nagawa niya para sa kaniyang sarili.

"AHHH!! RAINIE, ANG TANGA-TANGA MO TALAGA!!"

Tangi niyang naisigaw sa sarili saka napatakip nalang nang kaniyang mukha sa kahihiyan.

Paano na? Ano ng gagawin? Ano ba kasing sinabi ko sa kaniya?! Baka isipin niya may gusto ako sa kaniya kaya ko sinabi yun...

"Hindi ba?"

Napahinto si Rainie sa kaniyang iniisip nang marinig nalang bigla ang nagsalita, agad niyang inalis ang kaniyang kamay sa pagkakatakip sa kaniyang mukha at agad na nilingon ang taong nagsalita.

Gulat na gulat siyang napaatras sa kaniyang kinauupuan nang makilala ang nagsasalita.

"B-Bakit nandito ka? A-Anong hindi ba?"

Nauutal niyang tanong sa lalaking nasa kaniya palang tabi.

Mas lalo siyang nagulat nang lingunin rin siya nito at sabay naglabas nang napakatamis na ngiti sa kaniyang labi, halos hindi na makita ang mata nito dahil sa malaking ngiti.

"Gusto mo ko hindi 'ba?"

Biglang napahawak si Rainie sa kaniyang kaliwang dibdib nang magsimula nanamang kumabog ang kaniyang puso.

"HINDI!!"

Nakapikit niyang sabi kay Shane saka niya ito tinalikuran at tumakbo papalayo sa abot nang kaniyang makakaya.

Habang naghahanap nang mapagtataguan ay bigla nanaman niyang naiisip si Shane.

Hindi! illusion lang sya! Hindi sya totoo! Wala akong gusto sa kaniya! WALA TALAGA!!

Agad na pumasok si Rainie sa loob nang library at dahan-dahang isinara ang pinto upang hindi siya sitahin nang librarian roon.

Agad siyang umupo sa isa sa mga upuan roon.

Hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ang kaniyang dibdib.

Huminga siya ng malalim at pilit inaalis sa kaniyang isipan ang mga nangyayari.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon