Chapter 49:(Confession 02)

58 4 1
                                    

"Ica!"

Napahinto sa paglalakad si Ica ng marinig na may tumawag sa pangalan niya.

"Oh Devon, may problema ba?"

Agad na tanong nito sa binata.

Ngumiti ito ng matamis sabay iling.

"Wala naman, nakita lang kasi kita kaya naman hinintay na lang kita para sabay na tayong maglakad."

Masayang paliwanag nito.

"Ganun ba? Sige tara!"

Masaya rin niyang aya dito kaya naman agad silang nagsimulang maglakad.

"Nga pala, sorry kanina."

"Nako wala yun, kami nga dapat ang mag sorry."

Napapakamot nalang sa batok na sabi ni Ica.

"Minsan na lang tayong magkita, ngayon lang ulit ata kita nakasabay."

Napatingin si Ica sa direksyon ng binata.

Pero ng magtama ang kanilang mga tingin ay walang nagawa si Ica kundi ang umiwas ng tingin.

"T-tama ka..."

Tumagal rin ng isang minuto ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Devon..."

Tawag ni Ica sa katabi habang patuloy pa rin sila sa kanilang paglalakad.

"Hmm?"

Tugon nito.

"Gusto mo pa rin ba si Rose?"

Biglang tanong nito, hindi magawang tignan ni Ica ang binata kaya naman naisipan nalang niyang yumuko.

Kahit ayaw niyang marinig ang sagot may parte pa rin sa kanya na gusto niyang malaman.

"Oo naman."

Walang paligoy-ligoy na sagot nito.

Kumirot ang puso ni Ica sa kaniyang narinig.

"Bakit mo pa rin siya gusto? Diba si Shane ang gusto nya? Sumunod pa nga siya kay Shane sa Korea, kaya bakit mo pa rin siya gusto?"

Sunod-sunod niyang tanong.

Napangiti na lamang si Devon.

"I don't mind,"

Biglang napatingin si Ica sa direksyon ni Devon.

"Ha?"

"Wala akong pakealam kung si Shane ang gusto nya."

Napakunot ang noo ni Ica sa kaniyang narinig.

"Bakit?"

Tangi niyang nasabi.

Huminto si Devon sa paglalakad gayun din naman si Ica at nagkaharap silang dalawa.

Ngumiti ng matamis si Devon sabay sabi na,

"Kung mahal mo ang isang tao, hahayaan mo siyang maging masaya, kahit na hindi ikaw ang dahilan."

Yumukom ang dalawang kamay ni Ica.

"Kahit masasaktan ka?!"

Hindi na napigilan ni Ica na pagtaasan ng boses si Devon na ikinagulat naman nito.

"Ica..."

Yumuko si Ica ng makita ang pag-aalala sa mukha ni Devon.

"Hindi tayo magkatulad..."

Halos pabulong na sabi ni Ica.

"Huh?"

Tinignan ni Ica ng daretso si Devon sa mga mata nito.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon