Chapter 31:(She's my DOG)

104 6 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N:) Hello ulit! Ito na yung next na inaabangan nanh mga bumabasa ng story ko, I wish magustuhan nyo kahit alam kong chaka!


"Kelan ba ako sumali ng taekwondo?"

Napapaisip na sabi ni Rainie sa kaniyang sarili habang inaayos ang aniyang mga gamit.

Naalala ko, binanggit nga pala ni kuya yung pangalan ni Shane... Hindi naman kaya, pinagtakpan niya talaga ako?

Napailing siya sa kaniyang naisip, at tila hindi siya sumasang-ayon sa ideang iyon.

"Imposible, hindi niya gagawin yun..."

Inaway niya pa nga ako, at sinabing hindi niya ako pagtatakpan, tsk!

"Anong imposible?"

Napatingin si Rainie sa kaniyang harap, at doon ay nakita niya ang nakangiting si Zen.

"Oh Zen, ikaw pala!"

Napangiti na ring sabi ni Rainie, umupo si Zen sa upuan ni Shane saka siya tumabi kay Rainie.

"Kamusta?"

Nakangiting tanong ni Rainie, pinakatitigan muna ni Zen ang nakangiting si Rainie, medyo nagtaka naman ito dahil sa kakaibang titig niya.

"Zen? Ayos ka lang ba?"

Natauhan naman si Zen at napaayos bigla ng kaniyang sarili, saka pilit na tumawa.

"Hehehe, pasensya na Rainie... Pagod lang siguro ako dahil kagagaling ko lang sa business trip."

Kumunot kaagad ang noo ni Rainie ng kaniyang marinig ang sinabi ni Zen na 'business trip'.

"Business trip?"

Napakibit-balikat si Zen nang maalala niyang si Rainie nga lang pala ang hindi nakakaalam sa pag-alis niya ng ilang araw dahil bigla itong nawala, kaya naman hindi na niya nagawang magpaalam dito.

"May sakit kasi si daddy, kaya ako muna ang umaasikaso ng companies namin, tsaka in-excuse na ako ni Mommy, kaya alam nang principal at nang mga teacher."

"Ahhh, ganun ba?"

Napatango-tango nalang na sabi ni Rainie.

"Ikaw Rainie, kamusta ka naman? Bigla ka nalang kasing nawala eh."

Pang-uusisa niya, napatigil naman sa pagkilos si Rainie saka nag-isip.

Kelan ba ako titigil sa pagsisinungaling?

"A-Ah kasi, sumali ako ng taekwondo..."

Nagdadalawang isip na sabi ni Rainie, ngumiti lang naman si Zen sa kaniya.

"Ganun ba? Siguro hindi lang talaga ako interisado sa mga club activities dito sa school, kaya hindi ko narinig yang taekwondo."

Pilit lang na ngumiti si Rainie.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon