Chapter 46: (Parang naging masaya naman)

52 6 1
                                    

"WHAT IS HAPPENING IN HERE?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHAT IS HAPPENING IN HERE?!"

Malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong cafeteria na naging dahilan ng paghinto nila sa pagbabangayan at mapatahimik ng lahat.

Agad napukaw ng lahat ang atensyon papunta kay Shane.

Seryosong lumapit si Shane sa direksyon ng XOXO ganun din sa grupo ni Rainie.

"Anong ibig sabihin ng kaguluhang ito?!"

Makikitaan ng sobrang galit si Shane, kaya walang kahit sino ang nagtatangkang magsalita.

Kahit ang mga matalik na kaibigan ay hindi rin magawang magdahilan.

"I can't believe you guys, I'm so disappointed. Hindi ko akalaing makakarinig ako ng reklamo about this kind of scenes! Lahat kayo, pupunta sa office ko! Narinig nyo?!"

Galit na lumabas si Shane sa cafeteria saka lang muling bumalik angvingay at bulong-bulungan ng lahat.

"This is a big problem."

Napapailing nalang na sabi ni Devon.

"For sure."

Dugtong pa ni Ruel.

"Tara na, magandang sumunod na tayo agad para matapos na ang lahat."

Irita namang sabi ni Carl na siyang nanguna sa paglabas na sinundan naman ng mga kagrupo.

Nauwan doon ang grupo nila Rainie.

"Anong gagawin na'tin?"

Agad na tanong ni Kris.

"Bakit ba kasi pinatulan mo pa yung Chani na 'yun?"

"E pano kasi, mainit talaga ang dugo ko sa kanya."

Tanging dahilan na lamang nito.

"Nasaktan ba kayo?"

Agad na tanong ni Miles, at agad naman nagsi-iling ang lahat.

Pinakiramdaman naman ni Rainie ang kaniyang likod dahil nararamdaman niya ang pingingirot nito.

Binalingan siya ng tingin ng mga kaibigan dahil siya lamang ang walang sagot.

"Rainie may masakit ba sa'yo?"

Agad na umiling-iling rin si Rainie sabay ngiti.

"W-wala naman..."

Nag aalangan niyang sinabi.

"Mukhang nadawit nanaman kayo sa gulo ah."

Namintig ang tenga nila Rainie ng marinig ang kilalang boses na siya namang nakapag painit agad ng kanilang dugo.

"Kayo nanaman, ano ba talagang gusto nyo? Wala na ba talaga kayong magawa sa buhay kaya kami lagi ang trip nyo?"

Asar na sabi ni Kyle sa grupo nila Xyra.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon