Chapter 21:(Cyrel Love Sickness)

66 8 0
                                    

[ Nasa street A na ang target! ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ Nasa street A na ang target! ]

Naging alerto naman si Cyrel ng marinig ang sinabi ng kaibigan, naka sivilian lang siya ng suot dahil araw naman talaga ng pahinga niya, nagkataong meron ring hinuhuli roon ang kaniyang kaibigang pulis kaya naisipan niya na ring tumulong.

"Ano ba ang suot nung target n'yo?"

Bulong niya sa cellphone, at patingin tingin sa paligid baka sakaling may makitang kaduda-dudang tao.

[ Naka itim na damit, pati yung pants itim, yung sapatos itim rin, yung sumbrelo--]

"Wag mong sabihing itim rin?"

Agad na sabat ni Cyrel dahil may nakita siyang lalaki na kakasulpot palang sa kanto kung saan malapit lang naman sa kilatatayuan niya at parehong pareho nito ang dinidiscribe ng kaniyang kaibigan.

[ Oo, naka itim siyang lahat.]

Pinagmasdan muna ni Cyrel ang lalaking papalapit na sa kinaroroonan niya, palinga linga ito na para bang nagmamanman kung mayroon bang naka sunod sa kaniya.

"Mukhang nakita ko na ang target nyo, kapag nahuli ko to... Ihahanap mo ako ng babae, gusto ko maganda."

Natawa naman ang kaibigan niya sa kabilang linya dahil nagawa pa nitong humingi ng babae kahit na mayroong hinuhuli.

[ Sige, ihahanap kita. Gusto mo ilibre pa kita eh.]

Napa ngisi naman si Cyrel dahil sa sinabi ng matalik na kaibigan.

"Deal."

Pagkasabi niya nun ay pinatay na niya ang linya at inilagay sa bulsa ng kaniyang jaket ang cellphone niya.

Nagtago muna si Cyrel para hindi siya mahalata nito, nang makitang naka lagpas na sa tinataguan niya yung target nila, dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang tinataguan at pasimpleng sumunod dun sa kahina-hinalang lalaki.

"Patay ka saakin."

Bulong ni Cyrel habang patuloy pa rin sa pagsunod dun sa lalaki, mukha namang nahalata siya nito kaya pabilis ng pabilis ang lakad nito.

Binilisan rin naman ni Cyrel ang kaniyang lakad para masundan niya yung lalaki, pero dahil rin sa ginawa ni Cyrel, nakumpirma nito na sinusundan nga siya.

Nagulat si Cyrel ng tumakbo ito ng mabilis, sabay liko sa isang kanto.

Mabilis na tumakbo si Cyrel at pumunta rin doon sa kanto, pero nagulat siya ng wala na ang kaniyang sinusundan, at ang mas ipinagtataka pa niya ay kung paano ito nawala ng ganun-ganun nalang samantalang wala ng madadaanan.

"Nasan na siya?"

Seryosong saad ni Cyrel habang inililibot ang kaniyang paningin sa bawat sulok ng kanto.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon