Chapter 28:(Dinner)

77 7 0
                                    

"Hello Rainie! It's nice to see you again~!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello Rainie! It's nice to see you again~!"

Masayang bati ni Leona ng makita niya ang kararating lang na sina Shane kasama si Rainie na siya namang may bitbit ng bag nito.

"H-Hello po ate Leona,"

Agad lang naman na naglakad papasok si Shane sa loob ng kanilang bahay ng hindi man lang naghe-hello sa kaniyang ateng si Leona. Halata naman kay Rainie ang pagkainis kay Shane dahil sa inaasal nito sa harap ng sariling kapatid. Nagtaka rin naman siya dahil parang wala lang naman iyon kay Leona.

Napansin nito ang bitbit ni Rainie, kaya naman medyo nagtaka siya.

"Rainie, bakit ikaw ang may bitbit ng bag ni Shane?"

Sandaling napatingin si Rainie sa bag ni Shane sabay balik ng tingin kay Leona, hindi niya alam kung paano niya ba ipapaliwanag ang kaniyang sitwasyon. Nahihiya siyang ipaalam dito na isa siyang aso ni Shane sa mga oras na ito.

"M-Mukhang pagod po kasi si Shane, kaya ako nalang po ang nag bitbit,"

Pagsisinungaling nalang niya, napansin ni Leona ang pagpikit-pikit ng mata ni Rainie kaya naman napangiti nalang siya.

"Alam mo ba kung anong ibigsabihin kapag nagpipikit-pikit ang mata ng isang tao ng walang dahilan?"

Medyo na curious naman si Rainie sa tanong ni Leona sa kaniya habang naglalakad na silang dalawa papunta sa main door.

"A-Ano po?"

May pagtatakang tanong ni Rainie, kaya namang tumingin sa kaniya si Leona.

"Pwedeng may tinatago siya, o hindi naman kaya ay, nagsisinungaling siya."

Napatigil si Rainie sa paglalakad habang pinagmamasdan ang likod ni Leona na papalayo na sa kaniya.

Paano niya nalaman?

Humarap si Leona sa kaniyang likuran at nakangiting binalikan ng tingin si Rainie.

"Rainie, tara na. Pasok na tayo sa loob, at dito kana magdinner."

Tumango lang naman si Rainie saka siya patakbong lumapit kay Leona at nagsimula na ulit silang maglakad para makapasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok sila ni Leona, siya na rin ang nagsarado ng pinto, kaya naman ng humarap siya ay gulat na gulat siya sa mga kakaibang tingin ng tatlong babae na nasa harapan niya ngayon.

"Siya ba?"

Agad na tanong nung isang babae dun sa katabi niya pang babae.

"I think so..."

Agad namang sagot nung babaeng tinanong.

"Hmmm, she's cute..."

Naka ngiting dugtong nung isa pang babae.

"A-ahh, h-hello po..."

Naiilang na sabi ni Rainie, ang totoo ay nakaramdam siya ng kaba sa mga ito. Lalo na't masyadong malapit ang mukha nito sa kaniya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon