Chapter 24:(Magnanakaw ng halik)

70 8 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"M-magpapaliwanag ako..."

Hinatak ni Shane si Rainie papunta muli sa sofa at doon ay pinaupo niya ito.

Tahimik lang na nakaupo doon si Rainie at nahihiyang tiningnan si Shane na ngayon ay napahawak nalang sa kaniyang sentido.

Nang humarap na ito sa kaniya, umiwas naman ng tingin si Rainie, nahihiya talaga siya lalo pa't nahalikan niya ito kanina ng hindi sinasadya.

"Ano bang pumasok sa kokote mo't pumunta ka rito ng walang paalam, at sa ganito pang oras?"

Seryosong saad ni Shane, pinilit tumingin ni Rainie sa binata, pero agad rin naman siyang bumitaw kaya naman yumuko na lamang siya.

"K-kasi, gusto kong malinis ang pangalan ko at ng mga kaibigan ko."

Napahilamos ng mukha si Shane sa inis, hindi niya alam kung ano bang gagawin niya kay Rainie dahil masyadong matigas ang ulo nito.

"Ms.Alviz, trabaho ko yun! Kaya hindi mo na kailangang pakealaman pa iyon!"

Napatingin si Rainie kay Shane dahil sa sinabi nito, tumayo siya sa pagkakaupo at ngayo'y seryoso na ring naka tingun kay Shane.

"Talaga? Sige nga, ano na bang nalaman mo? Alam mo na ba kung ano talaga ang nangyari? Alam mo na ba kung sino ang naglagay nung mga picture? Ano, sumagot ka!"

Hindi nakapagsalita si Shane, dahil alam niyang wala pa naman talaga siyang mapapakita na kahit ano kay Rainie.

"Ms.Alviz,"

Lumapit si Rainie kay Shane sabay hawak ng kwelyuhan nito gamit ang isang kamay.

"Wala kang masagot dahil wala kang makuha na ebidensya, tama ako di'ba? Kaya paano mo masosolusyunan ang problema ko kung wala kang magawa."

Patulak na binitawan ni Rainie ang kwelyo ni Shane, pero hindi pa rin naaalis ang masamang tingin nila sa isa't isa.

"Mr.Castroverde, hindi ako katulad ng ibang babae. Kaya kong solusyunan ang problema ko ng hindi humihingi ng tulong sa iba."

Naka ngising sabi ni Rainie, tiningnan lang siya ni Shane ng mabuti, at iniisip kung saan nga ba niya narinig ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya'y isa iyong alaala sa kaniya na hindi na niya maalala pa dahil sa paglipas ng maraming taon.

Hindi ka katulad ng ibang babae? Sino ka ba talaga Rainie Alviz? Bakit mo ba palaging ginugulo ang isipan ko sa tuwing nagkikita't nag-uusap tayo?

"Aalis na ako. Bye-bye~"

Pacute niya pang paalam kay Shane na hanggang ngayon ay naka tingin lang sa kaniya habang may malalim na iniisip.

Tumalikod na si Rainie sa harap ni Shane at maglalakad na dapat papalabas ng guidance office, pero agad siyang napahinto ng bigla na lamang siyang hawakan ni Shane sa kaniyang pulsuhan habang wala ito sa huwisyo.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon