Chapter 36:(Love, Not Love #1)

71 6 2
                                    

(A/N:) Yan na guys yung hinihintay nyo, sorry natagalan ako eh... Nagkasakit kasi ako ng ilang araw... Biglaang nag break down yung katawan ko... So, magaling na kaya balik ulit hehehe... Enjoy guys! Don't forget to vote, and comments~ Love lots guys~ Muah~


"yawn~"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"yawn~"

Nagulat si Rainie ng bigla nalang pasakan ni Kyle ang bibig nya ng isang marshmallow habang naglalakad silang dalawa sa ground papalabas ng school.

Maaga kasing naglabasan ang mga estudyante dahil nga sa biglaang meeting ng mga teacher.

Anong oras na rin naisipang umuwi nila Kyle at Rainie dahil kumain muna sila sa canteen bago umuwi.

"Ang tatamad talaga ng mga estudyante rito, puro pagpapapogi't pagpapaganda ang alam nila. Tingnan mo, halos tayong dalawa nalang ata ang naisipang umuwi sa tamang oras, pero sila kanina pa nagsilabasan."

Napapailing na sabi ni Kyle sabay kain ng isang marshmallow na binili niya rin sa canteen.

Tumango-tango lang naman si Rainie bilang pagsang-ayon kay Kyle.

Tumingin si Rainie kay Kyle ng maalala niya ang iba pang mga kaibigan.

"Nga pala Kyle bakit nga pala nauna na ring umuwi sila Rence?"

"Ahhh... Sila ba?"

Tanging nasabi ni Kyle ng maalala rin ang mga kaibigan.

"Si Rence bibili daw ng coffe sa starbucks. Si Miles, kailangan nya daw pumunta sa Church dahil mamimigay daw sila ng pagkain dun sa mga taong homeless. Si Kris at Ica naman magsha-shopping raw. Hmmm... Meron pa ba akong nakalimutan?"

Napapaisip na sabi ni Kyle, sabay kamot sa kaniyang batok.

"Si Ji-Ann pa."

Paalala ni Rainie kay Kyle sabay kotong sa ulo nito.

Natatawa namang tumingin si Kyle kay Rainie, sabay kain ulit ng marshmallow.

"Oo nga pala, si Ji-Ann naman pumunta sa K-Pop shop sabi nya may bagong latest poster si D.O dun."

Napatango nalang si Rainie sa sinabi ni Kyle.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang natanaw na nila ang gate. Napakunot ang noo ni Rainie ng mapansing may pamilyar na lalaki ang naka tayo sa gilid ng gate at matiyagang naghihintay.

"Kyle?"

Tawag ni Rainie sa katabi.

"Hmm? Bakit?"

Naniningkit ang mga matang tinatanaw ni Rainie yung lalaki para masiguradong tama siya ng hinala.

"Si Lucas Shin ba yung nakikita ko na naghihintay sa gate?"

"Huh?!"

Gulat na napatingin si Kyle kay Rainie para makita sa mukha nito kung nagbibiro ba ito, pero nakitaan niya ito ng hindi pagbibiro kaya naman agad niyang sinundan ng tingin yung tinuturo nito.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon