Chapter 20:(Slime Incident)

60 7 0
                                    

"WHAT?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHAT?!"

sabay-sabay na sigaw nang mga kaibigan ni Rainie sa kanya, sa lakas ng mga boses nito, ni-ready na niya ang kaniyang tenga.

"O-Oo nga, totoo ang mga sinasabi ko..."

Problemado ring saad ni Rainie, hindi alam ng mga kaibigan ni Rainie kung anong gagawin nila, dahil nasangkot na ang pangalan ni Shane sa usapan.

"B-Bakit sa lahat-lahat ng estudyante pwedeng mabuhusan ng slime na yun, ay si SHANE PA?!"

Iritang sigaw ni Kyle, sabay sabunot sa buhok niya.

"Magsorry ka nalang kaya?"

Umiling si Rainie sa naisip ni Miles, sabay salumbaba sa desk niya.

"Ginawa ko na yan, pero waepek... Palagi niya akong tinatapunan ng masamang tingin."

Nagulat si Rainie ng bigla siyang kotongan ni Kyle dahil sa sobrang inis, naka pout siyang tumingin dito, hindi naman niya magawang gumanti dahil alam niyang siya talaga ang mga kasalanan.

"Kaya sobra ang pag-aalala namin, dahil mas matindi pa si Shane kaysa kay Xyra... Kahit babae ka 'man o, lalaki, hindi ka niya talaga palalampasin..."

Seryosong saad ni Rence kaya mas kinabahan pa lalo si Rainie.

"Seryoso? Ganun talaga?"

Takang tanong ni Ji-Ann, tumango naman sina Ica,Kris,Rence at Kyle na matagal nang nag-aaral sa Neoz High, na talaga namang nakakakilala na sa Vice Pres.Council na si Shane.

"Hindi naman talaga sya katulad ni Xyra na halos araw-araw, ang totoo nga n'yan, parang hindi naman talaga niya yun ginagawa. Pero sa oras na magalit siya, ewan ko nalang... Mahirap malaman ang tumatakbo sa utak niya, at napaka komplikadong malaman ang bawat galaw niya. Kaya siya ang pinaka kinatatakutan ng lahat."

Napa busangot naman si Rainie dahil hindi siya makapaniwalang ganun pala kalala ang lalaking kinakainisan niya.

"Bahala na! Kung ano mang balak niyang gawin saakin, okay lang! Papayag ako, para bawi niya nalang... Kainis..."

Iritableng saad ni Rainie habang napapahilamos nalang siya sa kaniyang sariling mukha.

"Umayos-ayos ka Rainie, hindi kami nagbibiro..."

Seryoso na talaga sabi sa kaniya ni Kyle, kaya wala na siyang nagawa kundi ang mapatakip ng mukha niya.

"Oo na, basta huwag lang nilang madamay-damay kayo,"

Bigla ring naging seryoso ang boses ni Rainie kaya napatahimik ang lahat.

Inalis ni Rainie ang kaniyang kamay at seryosong pinagmasdan ang kaniyang mga kaibigan.

"Dahil sa oras na idamay nila kayo, mata lang nila ang walang pasa..."

Banta ni Rainie, natawa naman bigla si Ji-Ann kaya inis na napatingin ang lahat sa kaniya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon