Chapter 6:(Ikaw na ba ngayon si Rainie? )

108 9 0
                                    

Nasa Celestial Park pa rin sina Rainie at Kyle, pero dahil nakaramdam ng gutom ang dalawa, nagrepresentang bumili ng makakain si Rainie para sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa Celestial Park pa rin sina Rainie at Kyle, pero dahil nakaramdam ng gutom ang dalawa, nagrepresentang bumili ng makakain si Rainie para sa kanila.

"Kyle, wait me here. Ako na ang bibili ng pagkain, may ipapabili ka ba?"

Tanong ni Rainie kay Kyle, nag-isip naman si Kyle ng pwede pa niyang ipabili.

"Bili mo ako ng Ice-cream!"

Masayang sabi ni Kyle kay Rainie.

"Vanilla flavor?"

Tanong ni Rainie kay Kyle sabay turo pa nito sa kaibigan.

"Yup, as always."

Pagkasabi niya nun, agad na naglakad papalayo si Rainie para bumili ng makakain.

Si Kyle naman ay naiwan doon sa bench na kanina pa nila inuupuan.

Habang patuloy sa paglalakad si Rainie para makahanap ng maaaring bilhan na makakain nila, may nakita si Rainie na babae sobrang ganda. Tahimik lang rin itong nakaupo sa isang bench na malilim at medyo hindi dinadaanan ng mga tao.

Napangiti si Rainie ng makita nito ang binabasa nung babae.

Bibble...

Sa isip-isip ni Rainie, makadiyos ang babaeng tinitingnan niya.

Siguro, nung nagpaulan ng kagandahan ang diyos. Gising na gising siya kaya ayan, sinalo niya lahat. Sobra niya kasing ganda, kung lalaki lang ako malamang niligawan ko na siya. Kaso lalaki naman ang hanap ko, hindi naman rin ako tomboy.

Napatawa nalang si Rainie sa mga iniisip niya, bago tuluyang umalis ay muli niyang sinulyapan yun babae na nananatili pa ring tahimik na nagbabasa, saka niya ipinagpatuloy ang paghahanap ng makakain nilang dalawa ni Kyle.

Bumili ng isang buong pizza si Rainie sa Pizzahot, sinamahan pa niya ng burger-fries with drinks sa Jollibee, hinihintay nalang niya ang in-order niyang Vanilla and Chocolate Ice-cream sa Queen Ice-cream.

Buti nalang at hindi nahirapan si Rainie na makahanap ng mabibilhan ng mga pagkain sa Celestial Park. Meron pala talagang naka laan na lugar para sa mga pwedeng bilhan ng pagkain. Meron pa ngang Chat Café eh. Iba't ibang reataurant, at syempre hindi mawawala ang mga street-food. Wala namang dapat ikabahala sa mga street-food ng Celestial Park, garantisadong malinis ang mga ito hindi katulad sa mga lansangan.

Naisipan pa nga ni Rainie na bumili ng limang pirasong isaw, na may sawsawan na maanghang na suka.

"Ang tagal naman nung ice-cream..."

Naiinip na sabi ni Rainie habang naka tayo sa gilid ng stool ng Queen Ice-cream.

Hinihintay niya na tawagin ang pangalan niya at ang pangalan ng kaibigan...

Maya-maya pa'y lumiwanag ang mukha ni Rainie ng marinig niya ang pangalan niya at pati ang pangalan ni Rainie.

"Special Vanilla and Chocolate ice-cream for Rainie and Kyle!"

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon