Akin Ka Na Lang

4.5K 106 339
                                    

"Nagtext na siya!"

Wow, ang gandang pambungad naman nito. Ayos.

Sumalubong sa akin ang isang Mika Aereen na halos mapunit ang mga labi sa laki ng ngiti.

Napailing na lang ako, sayang naman ang mga labing 'yun kung masisira lang sa walang kwentang bagay – o tao.

"Sino?"

Nagkunwari akong hindi ko alam, syempre alam ko.

Eh halos bukambibig na niya ang pangalan ng taong 'yun kapag magkasama kami.

Nakakainis na. Nakakapikon.

Nakatayo na siya sa harap ko at iniiwasan kong tingnan ang mga mata niyang kumikinang, masakit kasing isipin na hindi naman ako ang dahilan.

Katatapos lang ng practice ko sa bar na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Bea.

Simula kasi bukas ng gabi, kakanta ako sa bar niya. Hindi ko naman talaga kailangan ng pera, trip ko lang talaga ang kumanta.

"Si Victonara Salas Galang! Duh? Sino pa ba?" sagot niya sabay irap at tiningnan ang cellphone niya.

Full name talaga? Akala mo may attendance call, sagot ng isip ko.

"Oh, nagpaparamdam pa pala 'yun? May kailangan ba?" tanong ko na may ngiting nakakaloko.

Biglang siyang napatingin ng mabilis sa  akin, nakakunot ang noo at nakasimangot, tapos ay biglang ngumiti.

Nababaliw na nga 'to.

"Nagseselos ka lang, eh," nakataas na kilay niyang sabi.

"Hi-hindi kaya," nauutal kong tanggi.

Tanga. Rule #231, bawal mautal, saway ng isip ko.

Alam ni Mika.

Alam niyang may gusto ako sa kanya. Inamin ko ito noong nakaraang taon pa, pero hindi naman ako humiling na gustuhin niya rin ako.

Sapat nang malaman niya.

Maramdaman niya lang, kahit 'wag na niyang suklian, okay lang.

'Lul. Of course gusto mong masuklian. 'Yung pisong sukli nga sa tindahan kinukuha mo pa, eh, kontra ng isip ko.

Sino nga bang may ayaw masuklian ang nararamdaman?

Masaya si Mika sa iba, eh. Talo tayo, sagot ko naman sa isip ko.

"Huwag ka magselos, babe," tukso pa niya.

Babe...

"Ewan ko sa'yo," sabi ko, sabay irap.

Umiiwas na makita niya sa mga mata ko ang tuwa sa tuwing tinatawag niya ako ng ganun.

Simula nang umamin ako sa kanya, wala namang nagbago, maliban na lang sa minsan niyang panunukso.

'Lul. 'Wag magpadala, paalala ko sa sarili ko.

"Totoo naman kasi, nagpaparamdam lang 'yun kapag may kailangan," pagpapatuloy ko sa usapan.

Nagpaparamdam lang si Ara kapag may kailangan kay Mika, pero kapag walang kailangan, halos hindi niya kausapin 'tong magandang kapreng 'to.

"Ang sama mo kay Ara, mabait naman 'yun eh, medyo masungit nga lang minsan," sabi niya sabay hampas sa akin, bago niya binalik ang tingin sa cellphone niya.

Maganda nga 'tong babaeng 'to, nagpapauto naman.

Tahimik kong nilagay ang gitara ko sa bag na lalagyan nito, minsang napapasulyap sa babaeng katabi ko.

#TeamBabeWhere stories live. Discover now