( Akin Ka Na Lang pt 2 )
"Kantahan mo naman ako," nakangiting bulong ni Alyssa.
"Good morning to you, too," sarkastiko kong sagot ng may ngiti.
Dahan-dahang bumukas ang mapupungay niyang mga mata at diretsong tumingin sa mga mata ko. Hinawi ko ang ilang buhok na nasa mukha niya.
Ngumiti siya at tinignan ako na para bang hindi siya makapaniwalang ako ang nakikita niya sa tuwing gigising siya sa umaga.
Ganito kami araw-araw, mula nang ikinasal kami hanggang sa tumanda.
Umpisa pa lang ng araw ay mukha na agad ng asawa ko ang bumubungad sa'kin at hinding-hindi ako magsasawang makita siyang ganito tuwing umaga.
Makita ko lang ang isang nakangiting Alyssa, kasama ng mga biloy niya sa sa ilalim ng kanyang mga mata, kompleto na agad ang araw ko.
Kahit pa medyo kumulubot na ang mukha niya, at may mapuputi na siyang buhok, siya pa rin ang Alyssa ko.
"Hey," muling pukaw niya sa atensyon ko.
Hindi naman ako magaling kumanta tulad niya na kumakanta pa sa mga bar nung kabataan namin.
Pero lagi niyang sinasabi na ang boses ko raw ang pinakamagandang boses na gusto niyang marinig habangbuhay.
Bolera, pero kinikilig pa rin naman ako sa tuwing sinasabi niya 'yun.
"Babe, alam mo naman na hindi ako magaling kumanta," sabi ko habang hinampas ng mahina ang braso niya.
Bigla naman siyang bumungisngis na parang dalagang kinikilig, napailing na lang ako.
Hindi ko rin maintindihan ang mga trip nitong asawa ko; minsan natutulala sa'kin, minsan naman bigla akong hahalikan ng mabilis sa labi o kaya minsan naman yayakapin ako ng mahigpit na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Sa tanda kong 'to, kinikilig pa rin ako kapag tinatawag mo 'kong Babe," natatawang sabi niya, "ang harot."
"Matagal ka nang maharot 'no," dagdag ko pa, "hindi na mawawala sa'yo 'yan," at tuluyan na kaming natawang dalawa.
Napabuntong-hininga siya bigla at nakatitig lang sa'kin ng matagal na para bang inuukit niya sa kanyang isipan ang bawat linya ng mukha ko.
"Do you remember when I serenaded you at Vegas after our wedding?" biglang tanong niya.
Napatango na lang ako sabay pikit ng mga mata para umalala.
"Friends, family, thank you for coming and witnessing the bond of a lifetime that we made!" umpisa pa ni Alyssa.
Nasa Las Vegas kami ngayon kasama ang pamilya at mga malalapit na kaibigan namin, dito kami nagpakasal ni Alyssa. At wala pang isang oras kaming kasal, ay nagpapabida na ang asawa ko.
"Gusto kong agawin ang atensyon niyo," dagdag pa niya, "but honestly, atensyon lang ni Mika, okay na 'ko."
Naghiyawan naman ang mga tao dahil sa pagka-cheesy ni Alyssa. Ang kulit.
"Ang corny mo, Valdez!" biglang sigaw ni Ara mula sa likod.
"Shut up, Galang," kunwaring galit na sabi ni Alyssa pero natawa din naman.
"Parang ikaw lang, kapal-labi," pang-aasar ni Kim.
"Shut up, nognog," inirapan naman siya ni Ara.
"Shush! It's not your wedding, so shut up both of you," dagdag pa ni Amy.
"Go na, ate Ly!" sigaw pa ni Bea.
