Chapter 2
"Chin up.. Great! Look down.. Side.. Wide smile.. Serious.. Change position.. Okay, last round, change your dress, Ly."
How I hate photo shoot. Pwede naman isang damit nalang pero bakit kailangan pang paiba-iba. I hate dresses. Reklamo ni Alyssa sa isip nya. Hindi nya talaga gusto yung pagiging celebrity, pero wala na syang magawa ng ihanap sya ng mother nya ng manager dahil hindi nadin maiwasan ang kabilaang interview sa kanya. Wala na syang oras para sa sarili nya at kailangan na mayroon ng mag manage sa kanya.
"Great pose there, Ly. Konti nalang at makakapag pahinga kana." sabi ng kanyang manager.
Hindi naman sya sumagot. Instead, dumiretso na sya sa dressing room. Hindi naman sya naiinis sa manager nya. Pero minsan kasi hindi nito matanggihan ang ilang endorsements na iniooffer sa kanya. Ang ending tuloy, Alyssa Valdez for the pagod.
"Wala pa daw yung bagong book na inaantay mo sabi ng mommy mo." Sumunod pala sa kanya ang kanyang manager. Pero unlike kanina, medyo naging interesting ang sinabi nito.
"E kelan pa daw yung libro? Malapit na daw ba? Kilala na ba kung sino yung author?" Sunod-sunod na tanong naman nya sa kanyang manager na si Vania.
"Why are you so interested in this author? Pwede mo naman basahin nalang yung libro nya e."
"Nabasa mo na ba yung libro nya?" Balik na tanong naman ni Aly.
"Hindi pa. Pero bak..."
"Hindi pa naman pala e. Alam mo kasi Ma'am..."
"Vania!"
"Okay, Vania." agrees on defeat. Ayaw kasi ng manager nito na tawagin pa itong ma'am dahil hindi naman basta manager-talent relationship ang tingin nito sa kung anong meron sila. Para na silang magkapatid. "You will not be as curious as I am kung hindi mo pa nababasa yung story nya. Tapos his/her books has initials lang as an author name. Look at this."
And she showed her manager the book. "DML. What does DML means?"
"Did you try searching na ba over the internet? Malay mo naman Digital Mathematics Library yung may-ari nung libro." sabay tawa ng malakas.
"Funny, Vania. Funny!" at pumasok na ito ng tuluyan sa cubicle ng dressing room para mag palit.
DML. What could it be? Haay! Ewan! Ipapatanong ko nalang ulit kay nanay. May-ari sila ng isang publishing company na isa sa mga negosyo ng kanyang pamilya. Pero kahit minsan ay hindi nalaman ng kanyang ina kung sino ba ang anonymous author na ito. Ipinapadala lang ito via email pero walang kahit na anong pwedeng matrace para malaman kung ano ang pangalan ng sender. Pati bank account nito kung saan ipinapadala ang bayad para sa ginawang story ay hindi din enough para malaman ang katauhan nito.
"Are you sure last na to, Vania?" tanong ni Alyssa sa kanyang manager. "Baka hindi na ko umabot sa pag eenroll ko nito e."
"It's all settled. Naprocess na ng kapatid mo lahat ng kailangan mo dahil nakuha ko nadin naman yung result ng exam mo. I'm sure your father will be proud of you."
"Whatever!"
Galit ito sa kanyang ama dahil pamula nung malaman ng tatay nya kung ano talaga ang gusto nya ay kulang nalang itakwil sya nito bilang anak. She's not into boys, 80% not. And the other 20 is just admiration, sa mga artista pa. 1 year ago nung bumukod sya ng tirahan. Good thing at sagot naman ng school lahat ng pangangailangan nya, dorm, allowance, etc. Plus yung allowance na nakukuha nya sa kanyang ina.